Chapter 24

1.2K 36 7
                                    

Mag-aala una ng hapon ng araw na iyon nang maisipan kong mag-ayos ng mga gamit ko. Maingat kong isinilid sa cabinet ang mga naitupi kong damit.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Ma'am Sophia pati na kay Gray na gusto kong umuwi sa probinsya namin. Gusto ko ng kumustahin ang papa at mga kapatid ko at kung ano na ang kalagayan nila. Wala kasi silang cellphone doon at malimit din magkasignal. Nakapagpadala naman ako buwan-buwan pero iba din kasi kapag personal mo silang nakikita.

"You okay?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Gray. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala dahil sa labis na pag-iisip. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakasandal siya sa hamba ng pintuan. Hindi ko nga pala naisarado ang pintuan kanina.

"Okay lang ako.", sagot ko naman habang pilit na tinatago ang lungkot sa boses ko.

Pero mukhang naramdaman naman niya iyon kaya tuluyan na syang lumapit sa akin.

"You're not."

Tumingin ako sa kanya para lang makita ang seryosong ekspresyon ng kanyang mukha. Inuusisa niya sa mukha ko kung anong mali sa akin.

"Oo na nga, nalungkot lang ako sa Wormzone kanina.", pilit kong pinasigla ang boses ko dahil nakikita ko na mukhang nag-aalala si Gray para sa akin.

"I know it's not about the Wormzone." His lips twitched and calmly asked afterwards, "You missed them?"

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero it seems like at that time, he can read my mind.

A moment of silence nang mapagdesisyonan kung tumango na lang. Wala namang silbi kung magpaligoy-ligoy pa ako.

"Pack your things. I'll go with you."

I was shocked by what he declared, his voice full of conviction. Hindi ako nakareact agad dahil sa gulat. Is he usually thoughtful like this?

"Bakit ka sasama?"

"Why not? I want to be with you. This house feels empty without you in it."

"Pero..."

"No buts. Now, move. Don't worry, I'll tell Mom about this.", He said reassuringly.

He pat my head and gently caressed it. Tutungo na sana siya sa pinto pero out of instinct, dali-dali ko syang niyakap sa kanyang likuran.

I just gave him a backhug because I felt like giving him one.

Na-tensed sya sa ginawa ko na para bang hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon. Isinandal ko ang aking ulo sa likod niya at pinikit ang mga mata ko.

"Thank you.", tanging sambit ko na lang.

He calmed himself for a bit. I felt him smile kahit nasa likod lang niya ako at hindi ko nakikita ang mukha niya.

"For you. It's nothing."

"NASAAN ba ang mga dala mo?", tanong ni Gray habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Nakashorts lang ito at plain t-shirt. Oo nga't simple lang ang soot nito pero swabe naman ang dating.

Palapit ako sa kanya sa garage at nakitang nakaready na ang sasakyan.

"Hihi. Inilagay ko na sa likod.", sagot ko sabay turo sa car trunk.

He hissed at pinagtaasan ako ng kilay.

"When did you do that? You should have called me." Ngumiwi sya at napabuntong hininga. "I could have carried it for you."

Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Dalawang bag lang kasi yung dala ko at hindi naman masyadong mabigat.

"Alam mo, ang arte mo ngayon. Noon nga pinagdadala mo ako ng limang mabibigat na plastic bags tapos may isang araw, hindi mo pa ako binigyan ng pera noong may pinabili ka sa akin. Natatandaan---"

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon