Chapter 26

1.1K 29 0
                                    

Ysha's POV

"Anong pinag-usapan niyo ni Papa?" bungad ko kay Gray nang lumabas ito sa kwarto ni Papa kinaumagahan.

Hihintayin ko sana ang paglabas niya kagabi pero napasarap ang pagkukuwentuhan namin ng mga kapatid ko. Napaidlip ako saglit pero paggising ko umaga na.

At kanina pa ako naghihintay na lumabas siya, alas otso na nga at nakapaghanda na kami ng almusal ni Yna. Nagulat pa ito nang mabungaran ako sa pinto.

"Just... just stuff about men.", hindi niya siguradong sagot.

Kumunot ang noo ko.

"Ano?! Anong stuff about men? Wag mong sabihin na nag-uusap kayo tungkol sa brand ng brief ganun?", sarkastiko kong tugon sa kanya.

Mas nagulat naman ito sa sinabi ko at biglang namula. Ngunit nakabawi ito sa pagkagulat at ngumisi.

"Why? Do you wanna know my brand?"

"Ha?"

Ngumisi ito at hinalikan ako.

"One 'Ha', one kiss.", sabi niya at itinapat ang kanyang labi sa tenga ko. "It's... Calvin Klein."

"Ano?!"

He smirked because of my reaction at sumandal pa sa pinto.

"That's the brand of my brief. Cal-vin Klein."

Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Sa akin, SO-EN. Charot.

"Gray, iho, wag mong turuan ng kabalastugan ang anak ko."

Napalingon kami ni Papa na ngayon ay nasa likuran na ni Gray. Tinapik nito ang kaliwang balikat ni Gray at ngumiti.

"Sorry, Pa. Good morning."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. 'Pa?' At kailan pa sila naging close? Parang kagabi lang ay magkagalitan pa sila ah. Aba!

Teka, so hindi na galit si Papa dahil may boyfriend na ako?

"Ilakad mo ako sa hapagkainan, iho. Mamaya na kayo mag-usap."

"Pero Pa...", reklamo ko sana dahil curious na talaga ako. Gusto kong makausap si Gray.

"O, uunahin nyo ang pag-uusap niyo kaysa sa paglalakad ko?" pagmamaktol na sabi ni Papa na ikinatahimik ko.

Hindi naman sya ganyan ka clingy kay Gray kagabi e. Samantalang si Gray? Mas lumaki lang ang pagkakangisi nito.

"Missed me already, my woman? I miss you too-- Aw!"

Nahapo naman nito ang kanyang ulo nang binatukan ito ng malakas ni Papa. I can see how my father smirked.

"Tss, my woman! Maglalandian pa talaga kayo sa harapan ko."

Tiningnan lang ako ni Gray apologetically at madaling hinalikan ako sa noo. "Let's talk later, okay?"

Sabi niya at tuluyan ng inalalayan ang tatay ko patungo sa hapagkainan. Sinundan ko na lang sila ng tingin. Tumatawa pa sila habang nag-uusap ng kung ano.

Ngayon, mas nacurious lang yata ako sa pinag-usapan nila. Oo nga't mabait naman si Papa kaya nga laking gulat ko nalang kagabi nang mag-iba ang tono ng pananalita niya.

Ano nga namang pinag-uusapan nila at naabutan pa sila ng magdamag?

Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

------------

Napagdesisyonan namin ni Gray na mamasyal bago umuwi. Wala namang kapasyal-pasyal sa lugar na 'to pero sge na nga lang sa playground nalang kami.

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now