Chapter 14

1.6K 34 0
                                    

"Wag kang lumapit!"

Naguguluhan ko syang tiningnan dahil sa sinabi nya. At hindi lang yun, iniharang pa niya ang sandok sa kanyang katawan. Dahil sa may pagkamatigas ang ulo ko, humakbang ako papalapit sa kanya.

"SINABI NG WAG KANG LUMAPIT!"

Napamaang na lang akong napatingin kay Yaya Melinda dahil sa pagsigaw niya. Ni hindi nga niya ako sinigawan noon, ngayon lang yan at tila may paatras atras pa syang nalalaman. Kanina pa kami dito at hindi ko alam kung napano si Yaya. Dahil ba sa eksenang nadatnan nya kagabi? O kung hindi, anong drama nito?

"Yaya..."

"SABI NG WAG KANG LUMAPIT! ISANG LAPIT PA KUNG HINDI..."

"Kung hindi?"

"Kung hindi... Kung hindi sasandokin kita nitong sandok ko. Makikita mo!" At saka iginalaw nya ang sandok na parang nagbubungkal ng lupa.

Ha?

"Yaya nama---"

"Ysha."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay narinig ko ang pagtawag ni Gray sa likuran ko. Naka-school uniform na ito at nginitian ako. Nakabusangot ko naman syang tiningnan.

"Good morning, my wom---. Wait, what's with your face?"

Ininguso ko si Yaya Melinda na dali-daling tumalikod para maghanda ng almusal.

"Si Yaya kasi. Hindi niya ako pinapalapit sa kanya. Gusto ko lang namang tumulong."

"Don't worry about her. Sa akin ka na lang lumapit.", said Gray with a playful smile on his lips and he opened his arms wider.

Kumunot naman ang noo ko. Bakit nakabuka ang mga braso niya?

"Anong ginagawa mo?"

"I'm giving you a hug to comfort you. Come."

"Si yaya ang gusto kong lapitan. Parang nagtatampo sya sa aki--- Hoy!"

Bigla ba naman akong hilahin, yan tuloy magkayakapan na kami. Feeling ko yata namula naman ako.

"Did you sleep well?" Tumango naman ako. Naiilang ako, ang higpit kasi ng yakap nya sa akin.

"You said you can't sleep with that song. Tapos tinulugan mo pala ako." and he chuckled.

"Hindi naman sa kanta ako nakatulog. Sa kiyod---" lang naman. Tinakpan ko naman ng mabilis ang bibig ko. Pahamak talaga.

Naguguluhan namang tumingin si Gray sa akin.

"Sa... what?"

"Sa ano... Sa kyudieee mong boses. Hihi" -hinayupak ka talaga Ysha!

Bigla namang umangat ang gilid ng kanyang labi. Ngumiti sya at pinisil ang aking ilong.

"Kyudie? You mean cute, right?"

Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling sa kasinungaling yun para mapagtakpan ang aking kapangahasan. Hindi naman kasi kiyod-diee ang boses nya, lalaking-lalaki kasi ito.

"Eh. Nagseselos ba si yaya?", bigla kong tanong sa kanya pero tinawanan lang nya ako.

"Of course not. Why would you think that?"

"Eh, kung hindi, napano sya? Galit sya kagabi. Ngayon hindi sya nagpapalapit, wala naman akong sakit."

Ngumiti naman sya ng nakakaloka habang nakatingin sa akin.

"Maybe.. She's in trauma?" He said in a husky voice at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

Luhh sya. Trauma? Si yaya?

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now