Chapter 18

1.2K 37 0
                                    

Ysha's POV

"Magsosorry. Hindi. Magsosorry. Hindi. Magsosorry. Hindi. Magsosorry. Hindi. Magsosorry... Ahhhh bwisit!"

Inis kong ibinato sa kung saan ang mga talulot ng bulaklak na pinitas ko. Ilan pa bang bulaklak ang dapat kong pitasin at talulot ang dapat kong gutgutin para umayon lamang ito sa salitang "Hindi?"

Nanghihinang umupo ako sa maliit na bench ng school garden at tumingala sa kalangitan. Medyo madilim iyon at tila nagpapahiwatig na ilang oras mula ngayon ay tiyak na uulan.

Iniisip ko pa lang kung paano magsorry kay Gray ay parang sinisilaban na ako, ramdam ko kasi ang galit nya nung nagdaang gabi. Kung noon, okay lang sa akin na magalit sya at sigawan ako kasi may guts din naman akong sigawan sya. Pero ngayon, hindi ko na yata maatim ang galit nya. Sumisikip kasi ang dibdib ko at parang maiiyak ako.

Nasanay na ako sa lambing nya eh, masisisi nyo ba ako?

Isinandal ko ang aking ulo sa bench supporter dahil nangalay ang leeg ko sa kakatingala. Pinikit ko ang mga mata ko para sana makapagpahinga pero nagflashback lang sa isipan ko ang mga huling sinabi ni Gray bago sya nagwalk out.

"Gustong-gusto kita at nagseselos ako. Selos na selos ako. Over those petty things."

Inaamin kong medyo nashock ako dun pero hindi ko naman maikakaila ang biglaang pagtibok ng puso ko at pagkalikot ng kung ano sa bandang tiyan ko.

Gusto ko rin ba sya?

Malalim akong napabuntung-hininga at marahas na tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa mga bulaklak at humigit ng isang palumpong ng santan. Bago ko pa paghiwalayin ang mga talulot nun ay narinig kong may pumito sa aking likuran.

Nilingon ko ito at galit na tiningnan. Nakakaabala.

Guard lang pala.

"Miss, ano ba yan! Bakit mo pinitas ang mga bulaklak? Ang kalat mo pa! Hindi mo ba nakita ang sign na yan? Offense to eh, akin na ID mo!", galit na turan ng guard habang itinuturo yung sign.

'Please don't pick the flowers.' basa ko. Ano naman ngayon?

"Asan ang ID mo? Kung hindi mo gustong magka offense, ibalik mo ang bulaklak na pinitas mo!", singhal niya at tinuro ang nagkalat-kalat na mga talulot ng bulaklak sa bandang paanan ko. "At eto, ibalik mo din! Ano, kaya mo? Sumama ka sa akin sa office! Nagkasala na nga, ang talas pa makatingin. Naku!"

Naalibadbaran ako sa walang tigil na palatak niya. Kumunot ang noo ng guard nang sa halip na sumama sa kanya ay binuksan ko ang bag ko. Kinuha ko ang scotchtape doon at binigay ito sa kanya pati na rin ang bulaklak na kakapitas ko lang kanina. Naguguluhan nya akong tiningnan.

Sayang yun, hindi ko pa napaghiwalay ang mga talulot. Hay.

"Paki-scotchtape na lang po guard tsaka ibalik mo sa mga sanga nila. Wala ako sa mood." sabi ko at tumalikod na.

Nasaan na ba si Gray?

Magsosorry na nga lang ako. Hindi ko naman matiis na hindi kami magkibuan e. Ang sikip sa dibdib. Napatingin ako sa dibdib ko at napangiwi.

"HOY MISS! TINATARANTADO MO BA AKO? BUMALIK KA RITO! HOY!"

Bakit kita babalikan kung hindi nga rin ako binalikan ni Gray?

"HOY MISS! LINISIN MO ITO!"

Bakit ako ang maglilinis? Kung binantayan lang nya ng maigi ang garden, edi hindi ako nakapagpitas-pitas. Hmp. Wala talaga ako sa mood.

"MISS!"

Miss ko na sya.

Hindi ko na lang nilingon ang guard at tuluyan ng nagwalk out. Dapat maramdaman din niya kung ano ang feeling ng pinagwalk-out-tan. Damay damay na to. XD



My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon