Chapter 22

1.3K 36 5
                                    

Maaga kaming dinismiss ng professor namin sa last subject ko na Ethics kaya dumiretso ako sa canteen para bumili ng chocolate shake. Magdadapit-hapon na pero ang taas pa rin ng pila. Kastress!

Hindi kami nagkita ni Gray kaninang lunchbreak kasi naging busy ako. Ginawa kasi namin yung group project namin to be passed before the semestral break. Kahit na parang audience lang naman ako sa grupo. Mehehe.

"Tongino! Bakit hindi kayo nagsex?!"

"Malalim ang gabi tapos yakap-yakap mo sya? Bakit... bakit... Pota naiistress ako sayo pare."

"Buti pa ako, walang jowa pero di tigangers."

"Do you want me to just wring your necks instead?"

Natigilan ako.

Nagpalinga-linga agad ako sa pinanggalingan ng boses. Kilalang-kilala ko ang mga boses na yun. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Gray at ang mga tropa niya na hindi kalayuan sa counter na kinaroroonan ko.

Pero nagimbal ako dahil nakita ko lang naman ang biglaang paglambitin ni Nathan sa braso ni Gray, parang kino-comfort nito ang huli pero wala akong paki.

Hindi sya dapat nakalambitin.

"Basta pare ha, hindi ka na galit sa amin. Pahiram nga assignment hihi.", saad nito pero hindi pa rin inalis ang kamay sa braso ni Gray. 

Bigla yatang umusok yung tenga't ilong ko. At anong hindi na galit si Gray? Nakakagalit kaya yung ginawa nila!

Bakit kasama pa niya yang mga de puta niyang mga kaibigan?!

"Miss! Miss! Yung chocolate shake nyo po! Miss!", panay ang tawag ng canteen attendant pero dire-diretso na akong naglakad sa table nila Gray.

I look like a walking tsunami. Binangga na lahat ng dapat banggain. Yung mga nakaharang, ganun.

Pagkarating na pagkarating ko sa kinaroroonan nila ay ibinalibag ko kaagad ang kamay ni Nathan na nakapulupot sa braso ni Gray.

Napasinghap naman sina Jace at Jackson samantalang gulat na gulat si Nathan sa inasta ko. Nagulat naman si Gray pero mabilis din itong ngumisi sa akin.

Ngini-ngisi ngisi nito?!

"Y-Ysha, b-bakit ang sama ng tingin mo sa akin?"

Napaatras ng upo si Nathan dahil sa talim ng tingin ko. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay at tiningan sya mula ulo hanggang paa.

"Wag kang makahawak-hawak kay Gray! Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo!"

"Nagseselos ka ba sa akin? Tangina, lalaki ako Ysha. Mas gwapo nga lang ako kay Gray, di kami talo nito.", sabi niya at sinamaan naman sya ng tingin ni Gray.

"Inahas mo na ng isang beses. Malay ko ba kung kailan mo ulit sya aahasin!"

Napaawang ang labi ni Nathan sa sinabi ko. Mukhang hindi ito makapaniwala sa inaakusa ko at napainom nalang ng tubig.

"Baka kami ang sunod mong ahasin Nathan ha. Pota lumayo ka!", sabi nila Jace at Jackson na ngayon ay inurong ang upuan at tumawa ng malakas.

"Hindi pa kami nangangailangan ng pera. 150 ba 'kamo?"

Muli silang humagalpak ng tawa nang makitang masamang-masama na ang timpla ng mukha ni Nathan.

"Hindi ako bading uy, palakihan at patigasan nalang tayo! Mas mataas pa yata sa tape measure yung akin e. Pota kayo!"

"Woah! Tapos mas manipis din kaysa sa tape measure?"

"Nanlulupaypay din ba kagaya ng tape measure?"

My Hot-Tempered BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt