Chapter 6

2.1K 56 2
                                    

Araw ng Sabado at heto ako nagdadalawang-isip kung papasok ba ako sa silid ni Gray upang maglinis. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikibuan, nagtataka nga sila Ma'am kung bakit ang tahimik naming dalawa e.

Hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagdampi ng kanyang forefinger sa labi ko kind of feeling. Ang alam ko lang ay naiilang ako at nagagalit din ako sa sarili ko kung bakit feeling ko disappointed ako.

Bakit naman ako disappointed? Hay.

Kung may iuutos naman sya sa akin, ginagawa ko naman. Nag-oopen sya ng topic pero pili lang ang salita ko. Kung magkakasalubong naman kami sa hallway,  yuyuko lang ako at itatabing ang buhok ko sa mukha. Mala-zombie.

Kagaya ngayon.

"Ysha."

Tumigil ako sa paglalakad at tinakpan pa ng buhok ang aking mukha.

"Are you okay?" tanong ni Gray.

Tumango lang ako bilang sagot at mabilis na naglakad patungo sa kuwarto ko pero bago ko pa magawa yun nahawakan na niya ang braso ko.

"Really?" tanong niya pa at lumapit sa akin. Inalis nya ang nakatabing kong buhok sa mukha at inipit iyon sa dalawa kong tenga at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Hindi ka naman mainit. Did I do something wrong?"

"W-Wala." sabi ko at lumayo sa kanya.

"Bakit ang ilap mo sa akin?"

"Hindi ah! Tabi nga."

Bago pa ako makadaan, hinarang nya ang kanyang katawan sa dadaanan ko. Napilitan naman akong tingnan sya sa mukha.

"Or... Are you avoiding me?" nakasmirk nyang sabi.

"Ha? Hindi ah! Ang feeling! Bakit naman kita iiwasan? At ano namang dahilan kung bakit iiwasan kita?"

"Oh? Iyan na yata ang pinakamahabang sinabi mo ngayon."

"Wala naman sigurong batas dito sa bahay nyo na dapat pahabaan ng sasabihin. At hindi ko naman obligasyong makipag-usap sa 'yo. Hindi ka masayang kausap. Tabi!"

Nawala ang pagkakasmirk nya kanina at napalitan iyon ng pagkunot ng noo at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"What did you just say?"

"Hindi ka lang masayang kausap. Bingi ka rin."

"What are you mad for?!"

"Hindi ako galit."

"Are you making a fool out of me? The last time I checked, I apologize to you. Did I do something wrong? Is it because I unconsciously touched y-your..."

Natigilan naman sya sa kanyang sasabihin at lumaki ang aking matang napatingin sa kanya.  

Napahawak sya sa kanyang tenga at umiwas ng tingin.

"N-Nevermind. Prepare the living room, dadating sila Jace mamaya."

Yun lang at nauna na syang maglakad at dali-daling pumasok sa kanyang kwarto.

Sinundan ko na lang sya ng tingin at wala sa katinuang napahawak na namn sa labi ko.

Dampi lang naman yun at daliri lang naman, pano kung? Pano kung...

Aaah! Nalintikan na!

Ginulo ko ang aking buhok at dumiretso nalang sa living room. Gago talaga yung lalaking yun, pinaalala pa.

Aiiisssh!

**********

"Hello Ysha!" bati ni Jackson nang salubungin ko sila sa gate ng bahay.

My Hot-Tempered BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora