Chapter 13

1.6K 39 2
                                    

"H-hmmm h-hmmm!"

Hindi ko mapigilang halinghing dahil sa sarap--- este nagpupumiglas kong anas dahil sa pagkakahalik at mahigpit na pagkakahawak ni Gray sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkakadiin ng kanyang labi sa mga labi ko.

Gagong to! Si Yaya Melinda kasi!

Ilang sandali ay humiwalay sya sa akin at nanatiling nakatukod ang kanyang braso sa kama na hanggang ngayon ay kinokorner pa rin ako. Tinitigan nya ako at napabuntong hininga.

"You don't like the way I kiss, my woman? Do I lack experience? Why didn't you kiss back this time? It looks like I'm raping you.", malungkot niyang saad at napasimangot.

Magpapareyp naman ako kung hindi lang echos si Yaya Melinda e. Charot.

"GRAY! YSHA!"

"GRAAAAY!"

Patay! Si Ma'am at Sir!

Nataranta ako nang marinig ang tinig nilang iyon. Alam kong papalapit sila sa amin kaya pilit kong itinulak si Gray. Pero hindi natinag ang loko at walang bakas ng pagkataranta ang makikita sa mukha nito. Seryoso lang ang pagkakatingin niya sa akin na tila naghihintay ng aking sagot.

"G-Gray! S-si Ma'am at Sir yun! U-Umalis ka nga sa pagkakadagan sa akin.", nauutal kong sabi sa kanya. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa klase ng tingin na ibinibigay nya sa akin.

Kinunotan lang nya ako ng noo at---

"Gray! Ba--- Son, what are you doing?!", hindi makapaniwalang sambit ni Sir Dalton dahil sa nakita nyang ayos namin samantalang napa-"Oh God!" naman si Ma'am Sophia.

Si Yaya Melinda naman ay nakabuntot sa dalawa na masama ang tingin sa akin? Bakit ang sama ng tingin ni Yaya?

Nagseselos ba sya?

Nalintikan na talaga!

Unwilling na humiwalay sa akin si Gray saka naiiritang tiningnan ang mga magulang niya. Tumayo sya at nakikipagtagisan ng tingin sa ama. Putragis, gulo ba ang hinahanap ng lalaking ito?

Mailap naman ang pagtingin ko kay sir at ma'am at kinakagat-kagat ko na lang ang aking kuko.

Ano ba ang magandang alibi?

Sabihin ko kaya na aksidente lang yung halik namin?

'So, aksidente lang din ang paggalaw ng labi nyo?' Eh, sa instinct yun e. Lintik!

"Mom, Dad! We're not doing anything wrong!" iritang sabi ni Gray at napa-cross arms pa.

"Yaya Melinda told us what she saw Gray! You are---"

"We're kissing Mom!"

Napatingin ako nang biglaan kay Gray dahil sa sinabi niya. Bakit inamin niya? At imbis na mataranta ay parang sya pa ang galit ngayon.

"Yes, you two are kissing---"

"Exactly Mom! You know what, kayo ang may mali dito. You're disturbing us!"

Hindi nawala ang pagkairita ni Gray sa kabila ng mariing titig ng parents niya. Ni hindi nga niya pinatapos sa pagsasalita ang parents niya e.

Boss, ikaw ang batas! Tatahimik nalang ako dito. Huhu

"Kami? How can you say that, Gray?", sabi ni Sir Dalton.

"For sanity's sake, dad! I didn't even disturb you when you're doing 'it' with Mom! And now, you're going to lecture me about kissing Ysha?"

Napasinghap naman si Ma'am at napanganga si Sir Dalton sa sinagot ni Gray.

Napapoker face naman ako. Hindi ko na-gets iyon, ano ba yong 'it'?

My Hot-Tempered BossWhere stories live. Discover now