Chapter 307

582K 19.7K 27.8K
                                    

A/N: whoopppsss... Last ud. For now.

No re-read. Expect the wrong grammar, spelling ang typo.

Cafeteria

Jay-jay's POV

"Sasampalin kita!" Banta ko kay Ci-N matapos kuhanin ang binigay sakin ni Kit na tinapay.

"Pahingi lang. Damot." Sagot niya at mabilis kinagatan ang tinapay bago ibalik sakin.

Sira-ulo talaga!

"Ayoko na nga! Kinagatan mo na!"

Ngumiti ng malapad ang batang kumag. Labas pa ang gilagid niya. Parang ang sarap niya tuloy bunutan ng ngipin ng walang anistisya.

"Sabi ko na hindi mo ko matitiis." Sabi niya at naglakad palabas ng room.

At dahil may dala siyang pagkain agad siyang sinundan ng mga kapwa niya Ulupong.

"Mamigay! Mamigay! Wag ka madamot!" Dinig kong sabi ni Eren bago sila magtakbuhan na para bang may hinahabol na kawatan sa labas.

Nakasimangot akong nakatingin sa kanila. Nawalan ako pagkain. Bigay pa naman sakin yun ni Kit. Bumalik nalang ako sa pwesto ni Kit at Mayo.

"Kit... Meron pa?" Tanong ko na may halong paawa.

"Napakatakaw." Parinig ni Mayo.

Wow. Coming from you.

Nakangiwi naman akong tumingin sa kaniya. "Baka kinuha po ni Ci-N." Inis na sabi ko.

"Wala na, Jay." Singit ni Kit. "Meron kasi dyang nakikialam ng gamit. Inuumitan na pala ako ng pagkain."

"Ay malamang hindi ako yon." Sagot ni Mayo na tumingin sa ibang direksyon.

Sabay pa kami ni Kit na tumingin sa isa't-isa bago tumingin ng masama sa kaniya. Malakas na sipa ang binigay ni Kit kaya nahulog siya sa upuan. Mabilis din naman siyang tumayo.

"Kanina ka pa sipa ng sipa. Nasasaktan na ko ah!" Inis na sabi ni Mayo.

"May reklamo ka?" May halong pagbabanta sa boses ni Kit.

Bumalik si Mayo sa upuan na parang tutang sinigawan ng amo. Umi-iling-iling pa siya.

"Wala po."

Napilitan akong bumalik sa upuan ko at don magmukmok. Lunch break na pero wala pa rin kaming pagkain. Hindi na makakapag-luto si Eman dahil hindi pwede ipasok ang mga gamit niya dito sa bago naming classroom. Kaya eto kami ngayon at nakatanga.

Naglabas ng pagkain si Kit kanina pero nagkasya lang para samin tapos kinuha pa ng Batang Kumag.

"Gutom na gutom na ko." Bulong ko at dumukdok.

"Ibibili kita." Dinig kong sabi ni David kaya napatingin sa kaniya.

Hinalungkat niya ang bag ng makita ko siya.

"Saan? Sa cafeteria? Pangarap mong ma-suspinde?" Tanong ko.

Binaba niya ang bag at hinarap ako. "Kesa naman magkasakit ka dahil sa gutom."

Hawak na niya ang wallet at mukang totoo nga ang balak niya na ibibili ako ng pagkain.

Ngumiti ako sa kaniya. "Bait naman."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon