CHAPTER 1: PLANO

1.4K 25 4
                                    

MIKKA

Nasa school kami ngayon dahil malapit na ang summer vacation, nag uusap kami kung anong magandang gawin sa bakasyon.

Si Ysabelle at Princess ang nasa unahan at nagtatanong sa amin kung anong magandang gawin sa bakasyon.

" Mag hiking na lang tayo," sabi ng kaklase kong si Zoey.

" Ay ampanget naman," sabi naman ni Sean.

" Eh kung swimming nalang kaya," pagsingit ni Kaycee.

" Ang papanget naman ng mga naiisip nyo," sabat ni Lhance.

" Hoy! Kaycee alam mong madaming mag si-swimming ngayon, mahihirapan tayo maghanap, duh," pataray na sabi ni Diana.

" So ano na?," pagtatanong ni Ysabelle samin habang nakapamaywang.

" Alam ko na!," biglang sumigaw si Harry kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

" Oh anong plano mo?," pagtatanong ni Princess sa kanya. " Mag camping tayo," sagot ni Harry kay Princess.

Titingin sana ako sa orasan para malaman kung anong oras na, pero pag lingon ko saktong nakatingin sakin si Kenzo, pero agad syang umiwas ng tingin, dahil nakita nya ata na tumingin ako, bakit kaya yun nakatingin?.

" Ano? Gusto nyo bang mag camping?," malakas na sigaw ni Princess, kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

" Oo," sigaw ni Elyssa at Kimberly na tuwang tuwa. " Sige parang gusto ko yan," Sabi naman ni Sean, kaya naman ang lahat ay sumang ayon na.

"May matutulugan pa tayo doon?" Pagtatanong ni Ysabelle kay Harry.

"Meron, malapit lang don 'yung bahay ng Tito ko at malaki din ang bahay nya." Sagot ni Harry.

"Bakit? Sa bahay ka matutulog? bakit nag camping pa? Dapat sa tent matulog, diba guys?" Biglang pasok ni Ezekiel, ang president namin.

"Pake mo ba? Edi ikaw matulog sa tent, ako sa bahay." Sabat ni Ysabelle kay Ezekiel.

"May pinag-memeetingan yata kayo?" Tanong ni Ezekiel.

"Pano mo malalaman, eh wala ka naman dito, president ka ba talaga namin? Ha?!"  Sagot ni Princess kay Ezekiel.

"Sorry naman haha, tutulungan ko na kayo dyan." Natatawang sabi ni Ezekiel kay Princess.

"Okay 36 tayo sa room diba?" Nagsisimula ng magsalita si Ezekiel.

"Ang sasakyan natin ay dalawang van at apat na kotse, gamitin na natin 'yung kotse ko edi kailangan pa natin ng tatlong kotse, sino pa pwedeng gamitin 'yung kotse dito?" Pagtatanong samin ni Ezekiel.

"Yung akin pwede." Sagot ni Kenzo kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay sino pa?" Pagtatanong ulit ni Ezekiel.

"Yung akin na din." Pagpe-presinta ni Allen.

"Pati na din 'yung akin." Pagsingit ni Renz sa usapan.

"May maitutulong naman pala 'tong si Ezekiel." Si Princess.

"Oo nga." Si Ysabelle.

"Pinaguusapan nyo ba ako?" Tanong ni Ezekiel kay Princess at Ysabelle, habang nakakunot ang noo.

"Hindi ah." Sagot ni Princess.

"Oh pano 'yung dalawang van?" Si Ysabelle.

"Ako na ang bahala sa van." Si Harry.

"Ayun naman pala eh." Si Ezekiel.

"Kailan tayo aalis?" Si April.

"Sabado ng umaga." Si Ezekiel.

Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila habang nakatingin ako sa labas, parang uulan.

"4:00 tayo aalis para hindi tayo gabihin ng dating okay? Pagusapan naman natin ang tungkol sa sasakyan nyo 36 tayo diba sina... wait nga, Ysabelle patingin ng listahan." Si Ezekiel.

"Oh ito." Si Ysabelle.

Male

Patrick
Dave
Harry
TJ
Cedrick
Kean
Jc
Lhance
Renz
Christian
Aaron
Sean
Clyde
Allen
Kenzo
Ezekiel

Female

Mikka
Zoey
Lianna
April
Ysabelle
Princess
Nicole
Cassandra
Kaycee
Diana
Elyssa
Kimberly
Lorraine
Althea
Ella
Ixha
Kiara
Kim
Shella
Angel

Binanggit ni Ezekiel 'yung mga pangalan naming lahat at may sinusulat sya sa board.

Car 1: Ezekiel, Ysabelle, Princess, TJ

Car 2: Kenzo, Mikka, Lianna, April

Car 3: Allen, Clyde, Sean, Lhance

Car 4: Renz, Nicole, Zoey, Jc

Van 1: Cassandra, Aaron, Christian, Kaycee, Diana, Kean, Harry, Patrick, Kim, Shella

Van 2

Elyssa, Kimberly, Cedric, Dave, Lorraine, Althea, Ella, Ixha, Kiara, Angel

"Picturan nyo na 'yan, baka makalimutan nyo pa kung saan kayo sasakay. Pwede na kayong umuwi, malinaw na ang sinabi ko ha." Sabi samin ni Ezekiel.

Kaya agad kong kinuha 'yung bag ko at nagtatakbo agad palabas ng room. Nagmamadali ako kasi baka maabutan ako ng ulan, wala pa naman akong payong.

Nakakainis ito na nga, umaambon na.

SOMEONE'S P.O.V

Ang galing ng mga plano nila makakaganti na din ako sa kanila

ITUTULOY......

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now