CHAPTER 18: TULONG PART 1

295 11 0
                                    

YSABELLE

Naglalakad parin kami, sobrang lakas ng ulan pero tuloy parin kami sa pag lalakad. Sobrang tahimik at bagsak lang ulan ang nagsisilbing ingay.

Sobrang lamig. Nakaramdam nadin ako ng gutom at alam kong ganun din si Nicole. Malapit na magtanghali.

"Makakaligtas pa kaya tayo Ysabelle?", pagtatanong ni Nicole.

Hindi ko din alam kung makakaligtas kami pero kailangan namin maghintay ng tulong dito.

" Uyy, Ysabelle tinatanong kita," si Nicole.

" Oo makakaligtas tayo dito, pero kailangan nating maghintay pa," sagot ko sa kanya pero hindi na sya sumagot.

Nagpahinga muna kami sa tabi kahit maputik pa ang lupa.

Maghihintay kami.

Tulungan nyo kami.

KIMBERLY

" Aaahhh!!," sigaw ko.

Nalaglag ako sa butas. Hindi ko masyadong makita kung anong nandito, kumapa kapa ako, ambaho nakakasuka.

Bumangon ako at umupo.

Kinusot ko ang mga mata ko.

" Aaaaaahhh!!," napaatraas ako sa nakita ko, nakapatong ako sa mga bangkay, mga bangkay na nabubulok.

" Uwaaak!!," di ko maiwasang masuka sa baho, nakakadiri, yung iba mga bungo na.

Tumayo ako para tumaas, pero hindi ko magawa, masyadong mataas at madulas, maputik kasi dahil sa ulan.

" Hindi kana makakatakbo, hahaha," si Liam, andyan na si Liam.

Humiga ako katabi ang mga bangkay kahit sobrang baho, alam kong nakasilip na si Liam, pinikit ko ang aking mga mata, para mag mukha akong patay.

" Bobo, patay ka tuloy, hahaha," tumatawang umalis si Liam.

" Tangina mo," bulong ko.

Nung naramdaman kong wala na sya umupo ako sa tabi. Ano ng gagawin ko. May tama ako sa tagiliran at baka mamatay ako dito.

Tulungan nyo ko.

DAVE

Umulan na naman, hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi, sana mapatawad ako nina Ella dahil iniwan ko sila, hindi ko lang talaga alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero, ito ako naglalakad parin sa gubat.

Ang baho naman nun. Napatigil ako sa paglalakad, dahil may naamoy akong mabaho.

May pumatak sa ulo, tumingin ako sa taas at may pumatak na dugo sa mukha ko.

" Shit," napaupo ako sa nakita ko. Si Mang Mando at Mang Cesar, nakabigti at nakalabas ang mga dila nilang putol na.

Kailangan ko ng makaalis sa hayop na lugar nato.

Tulong.

EZEKIEL

Sinugod ako ni Christian at sasaksakin ako pero agad akong nakailag, nahawakan nya ko sa braso at dun ako sasaksakin, naglikot ako kaya.

" Aaaahh!!," nadaplisan nya ako sa braso. Shit ang sakit.

Agad ko syang sinuntok sa tyan kaya nabitawan nya ang kutsilyo. Agad naman nya akong binawian ng suntok sa mukha kaya natumba ako.

Pumatong sya sa ibabaw ko at kinuwelyuhan ako, sinuntok nya ako sa mukha.

" Aahh!!," daing ko.

" Siguro kasama ka ni Lhance nung ginahasa nila si Yumi!!," sigaw sakin ni Christian.

Bloody Vacation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon