CHAPTER 10: PAG-AAYOS

340 11 0
                                    

MIKKA

Habang nagtatayo kami ng mga tent napansin ko na kanina pa mag kasama sina Lianna at Clyde, pati sa pag tatayo ng tent magkatulong sila samantalang ako ito hirap na hirap.

Sa ngayon hindi ko pa alam kung sino ang kasama ko sa tent pero sabi ni Lianna kami daw ang magkasama, kakausapin ko na lang sya mamaya.

"Tulungan na kita d'yan?" Pagtatanong ni Kenzo sa akin.

"Ah sige." Ako sabay punas sa pawis ko.

"Mag pahinga ka muna, ako na ang mag tatayo nito." Sabi sa'kin ni Kenzo.

"Hindi okay lang." Ako.

"Okay lang, umupo ka muna d'yan, tutulungan na kita." Si Kenzo, kaya umupo muna ako sa isang malaking kahoy na nakatumba at pinapanood s'ya habang tinatayo ang tent.

CLYDE

Natapos na naming tayuin ang tent,  umupo muna si Lianna sa isang malaking kahoy na nakatumba. Napansin kong papalapit sa direksyon namin si William.

Habang kumukuha ako ng tubig at bimpo sa bag ko napakinggan ko ang pinag uusapan nila.

"Tapos na ba kayong mag tayo ng tent?" Pagtatanong ni William kay Lianna. Tsk 'di ba n'ya nakita na tapos na, napansin ko namang hinaharang harang ni Lianna yung kamay n'ya sa legs n'ya, maikli lang kasi yung suot n'yang short.

LIANNA

Nagtanong sakin si William kung tapos na ba daw kami mag tayo ng tent, hindi ba nya nakita nakatayo na diba.


Napansin kong tingin ng tingin si William sa legs ko kaya iniharang harang ko yung kamay ko, Clyde bilisan mo dyan.

CLYDE

Agad akong lumapit sa kanila at tumabi ako kay Lianna, hinubad ko ang suot kong jacket at itinabon yun sa legs ni Lianna.

"Tubig gusto mo?" Pagtatanong ko kay Lianna.

"Ah sige." Si Lianna sabay kuha nya sa water bottle Kong hawak at pinunasan ko naman ang pawis n'ya gamit ang bimpo na kinuha ko sa bag. Sabay alis naman ni William.


"Bastos yung lalaking yun ah!" Napatawa ang boses ko sa pagkakasabi non.

"Okay lang naman ako." Sabi naman sa'kin ni Lianna.

"Sa sunod na gawin n'ya ulit yun sasapakin ko na s'ya." Dag dag ko pa.

"Wala na Clyde, okay lang naman ako... lilinisan ko na lang ulit yang sugat mo." Si Lianna at tumayo, pumunta s'ya kung nasaan ang bag n'ya at kinuha ang first aid kit na dala nya.


*********

Natapos ng linisan ni Lianna ang sugat ko at umupo uli sya sa tabi ko at ipinatong nya ang kanyang ulo sa balikat ko.

MIKKA

Anong kalandian yan Lianna? Boyfriend na ba nya si Clyde? Kailangan kong malaman kaya naman agad akong pumunta sa direksyon nina Clyde at Lianna.

"Lianna?" Pagtawag ko kay Lianna na ikinagulat nilang dalawa kaya naman napatayo si Lianna.

"Ah ikaw pala Mikka." Si Lianna at ngumiti.

"Lianna may tinatago ka ba sa'kin?" Pagtatanong ko habang nakangiti sa kanila.

"Wala ah, ano namang itatago." Sagot naman ni Lianna at alam kong natataranta na s'ya at hindi alam ang gagawin. Kilala ko si Lianna kapag may tinatago s'yang sikreto sa akin.

Bigla namang tumayo si Clyde at nag salita kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Boyfriend ako ni Lianna." Nakangiting sabi ni Clyde.

"Sabi ko na nga ba eh, may tinatago ka sa'kin Lianna." Sabi ko naman at nakita ko pang namula ang mga pisngi n'ya, kinikilig ang gaga.

"Pag pinaiyak mo si Lianna lagot ka sa akin." Pananakot ko kay Clyde kaya natawa kami ni Lianna at napakamot naman ng ulo si Clyde.

"Ah teka Lianna, saan ka tutulog? Tabi ba kayo ni Clyde?" Pang aasar ko sa kan'ya kaya kami naman ni Clyde ang tumawa.

"Hindi ah tabi nga tayo dito sa tinayo naming tent ni Clyde" Sagot naman n'ya.

"Uhmm.. Clyde dun ka na lang matulog sa tabi ni Kenzo." Sabi ko kay Clyde at pumayag naman s'ya.

Marami naman kaming inayos habang hindi pa lumulubog ang araw at ready na ang lahat.

ITUTULOY......


Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now