CHAPTER 11: CAMPING

361 15 2
                                    

LIANNA

Sinimulan na nilang apuyan ang mga kahoy na nasa gitna na pinaiikutan namin madilim na kasi kaya inapuyan na nila ito.

Katabi ko ngayon si Clyde at suot suot ko ang jacket n'yang black at naka short ako ng white medyo mahaba ang jacket ni Clyde kaya natatabunan nito ang kalahati ng mga legs ko.

Naka short naman si Clyde at suot n'ya ang jacket n'yang red. Habang si Mikka ay naka long sleeve at black na short. Kenzo wear a black t-shirt at black na short.

Naglabas  na sila ng mga marshmallow at stick, itinapat namin sa apoy ang stick na may marshmallow. Masarap kaming kumain ng mga marshmallow at nag kwentuhan ng matapos naman kami ay napag isipan na naming matulog.

"Kung may problema tumawag ka lang sa'kin ah." Sabi ni Clyde.

"Sige, good night." Ako.

"Good night din, I love you." Si Clyde at nginitian ako kaya naman napangiti na rin ako.

"I love you too." Sabi ko naman kaya halos umabot na sa tenga n'ya yung mga ngiti n'ya.

Nakatayo lang si Clyde sa harapan ko.

"Sige papasok na ako." Sabi ko at tinuro yung tent.

"Teka lang, may nakalimutan ka yata." Si Clyde.

"Ano naman?" Ako.

"Yung kiss ko." Si Clyde, agad naman akong lumapit sa kan'ya at binigyan s'ya ng kiss sa pisngi.

"Oh, okay ka na ah." Ako kaya naman ngumiti si Clyde.

"Pasok ka na." Si Clyde kaya naman agad na akong pumasok sa tent.

********

"Gusto mo kwentuhan kita ng nakakatakot Mikka?" Pagtatanong ko sa kan'ya

"Ayoko no, baka mapanaginipan ko pa 'yan." Sagot naman n'ya kaya natawa na lang ako.

"Matulog ka na." Si Mikka at tinanguan ko naman s'ya at pinatay ko na yung flashlight kong hawak.

*********

Nagising ako dahil nakarinig ako ng mga kaluskos, napakinggan ko ang mga yabag ng paa na umaapak sa mga tuyong dahon.

Kinakabahan ako na baka kung anong mangyari, tumigil ito sa paglalakad at dito ko nakita ang anino n'ya dahil bilog ang buwan at ito ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Agad kong tinext si Clyde, dahil pag tinawagan ko s'ya sigurado akong mag riring ang phone nito.

Clyde parang may tao malapit sa tent namin, natatakot ako. Text ko kay Clyde at agad din naman s'yang nag reply. Ibig sabihin gising din s'ya.

Wag kang mag papahalata na gising ka. Reply sa'kin ni Clyde at ginawa ko naman yun.

CLYDE

Kita namin ni Kenzo ang lalaking nakatayo sa may tent ni na Lianna. Nakatapat lang ang tent namin sa tent nina Lianna kaya kita namin ito.

May baril na hawak si Kenzo kung may gawin man ang lalaking yun at hindi rin namin mamukhaan ang lalaki dahil nakatalikod ito.

Nakatanggap na naman ako ng text galing kay Lianna.

May padating pa na isang tao. Text ni Lianna at ramdam ko Ang takot at kaba n'ya. Nakita na nga namin yung isang lalaki at nag uusap na sila.

"Umalis na tayo ano ba'ng ginagawa mo d'yan." Pagyaya sa kan'ya nung lalaking dumating.

Kahit sa boses hindi ko kilala. Maya maya pa ay umalis na sila, sino kaya yung mga yun?

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now