CHAPTER 24: TJ

244 11 0
                                    

EZEKIEL

Inihahanda na ni Liam yung hawak nyang shotgun. Pero bago pa nya yun maisaayos ay agad ko syang sinugod at sinaksak  sa tagiliran.

TJ

Nakatago kami ni Zoey dito sa isang kwarto, puro mga instrument ang nandito.

May drums. Gitara, flute, piano at madami pa. Nakatago kami sa ilalim ng malaking lamesa.

Kanina sinusundan kami ni James ewan ko kung nasan na sya. Sana hindi nya kami nasundan hanggang dito.

Tang ina kanina pako naiihi.

"  Wag ka ngang malikot," inis na sabi ni Zoey.

" Ihing ihi na ko," inis na sabi ko din.

" Kadiri ka," maarteng sabi ni Zoey.

Biglang bumukas ang pinto. Nagkatinginan kami ni Zoey, tang ina lalo akong naiihi.

Nakita na namin ang isang lalaki pero sa baba lang ang kita namin, ewan ko kung sino to, baka si James dahil sya lang nman yung nasunod samin.

" Lumabas na kayo dyan!," si James nga.

Kinabahan ako at alam ko ding kinakabahan si Zoey.

YSABELLE

" Aaaahh!!," daing ni Liam nung saksakin sya ni Ezekiel. Hindi ko alam ang gagawin.

" Ysabelle tumakbo ka na!!," sigaw ni Ezekiel.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din sya sakin. Ayaw ko syang iwan.

Maya maya pa, sinakal ni Liam si Ezekiel at sinuntok kaya natumba sya.

Tumingin si Liam sa akin, binunot nya yung kutsilyo sa tagiliran nya. Agad nya akong sinugod at sinakal gamit ang kaliwa nyang kamay napasandal ako sa pader, halos maiyak ako sa diin ng pagkakasakal ni Liam sa akin.

Nung sasaksakin nya ako, biglang....

Hindi.

APRIL

Nagulat ako ng biglang may pumasok sa pinto. Si William. May dala syang baril.

" Hi ganda," si William.

Feeling close amp.

Dahan dahan syang humahakbang at papalapit sa akin. Lumapit pa sya ng lumapit hanggang sa kinuha ko yung vase na nakapatong sa drawer.

Ihinampas ko yun sa ulo nya kaya natumba sya. Nabitawan nya yung baril at agad ko yung pinulot.

Tatakbo na sana ako palabas ng biglang hawakan ni William yung paa ko kaya natumba ako.

Bago ako natumba humampas muna yung ulo ko sa pinto kaya medyo nahilo ako.

Nabitawan ko yung baril.

" Bwisit kang babae ka!," sigaw ni William sa akin.

Pumatong sya sa ibabaw ko at sinakal ako.

Arghh! Anong gagawin ko?.

TJ

Maya maya pa hindi na namin sya nakita.

* THUNDER CRACKS *

" Nasan na kaya yung lalaki?," si Zoey.

" Shhh wag ka ngang maingay dyan," ako.

Oo nga, nagtataka din ako bakit biglang nawala si James.

" Wait lang sisilipin ko," Ako.

Syempre gusto ko lang malaman kung wala na talaga sya dito sa loob.

Dahan dahan akong sumilip, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, pero wala parin. Nasan na kaya yun.

Bumalik na ako. Shit! Nasan na si Zoey.

Dali dali akong lumabas ng lamesa at nakita ko si Zoey at James, sakal sakal ni James si Zoey gamit ang braso nya.

Itinutok ni James yung kutsilyo sa tagiliran ni Zoey.

" Tj! Tulungan mo ko!," sigaw ni Zoey, pero agad syang sinaksak ni James sa tagiliran.

Napasigaw si Zoey sa sakit.

Agad kong sinugod si James pero itinulak lang nya si Zoey sa akin kaya natumba kaming dalawa.

Umiiyak na si Zoey sa sakit.

" Wag kang lumapit sa amin!," sigaw ko.

Pero di sya nakinig, nilabas nya yung baril nya at pinag babaril nya si Zoey.

" At ngayon ikaw naman," si James, agad akong tumayo at tumakbo, pero bigla na lang akong natumba sa sahig.

Binaril ako ni James, agad syang lumapit sa akin at pinag sa saksak sa tyan.

JAMES

Kailangan ko ng itapon ang mga bangkay na ito doon sa butas.

Lumabas ako ng bahay habang hila hila ko ang babaeng ito. Nag dala din ako ng crowbar at flashlight.

Inuna ko yung babae dahil magaan lang naman to.

Habang naglalakad ako parang may napapakinggan ako.

AARON

Shit! Sobrang lamig dahil sa ulan, tapos ansakit pa ng mga hita ko. Pilit akong gumapang at sumilong sa ilalim ng puno, nakasandal ako sa puno.

Maya maya pa nakakita ako ng ilaw, alam kong nanggagaling yun sa flashlight.

Papalapit yun ng papalapit sa akin, nasilaw ako sa flashlight kaya tinabunan ko yung mata ko.

" Buhay ka pa pala," si, si James.

May inilawan sya sa baba at laking gulat ko ng makita ko si Zoey, patay na sya.

Gumapang ako hangga't makakaya ko.

" Tatakas ka pa ha," si James.

" Aahh," daing ko ng may bumaon sa likod.

Tumingin ako sa likod, may hawak syang crowbar. Muli nya itong inihampas sa likod ko.

" Aahck!," daing ko at may lumabas na dugo sa bibig ko.

Hanggang sa pinagtatadtad nya ng hampas sa likod ko, hindi ko na kaya.

JAMES

Dag dag kapa sa basura.

Dinala ko muna tong babaeng to at inihulog sa butas. May isa pa palang babae don, patay na din.

Nilagay ko silang lahat sa butas at pabalik na ako sa bahay.

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now