CHAPTER 9: HEART BEAT

354 14 1
                                    

LIANNA

Maaga akong nagising pero si Mikka tulog parin, aakyat dapat ako ng hagdanan para pumunta sa kwarto at gisingin si Mikka pero tinatamad ako kaya sumigaw nalang ako.

"MIKKA BUMABA KANA DITO AALIS NA TAYO!!!!" Malakas kong sigaw at sigurado akong magigising yun.

MIKKA

"MIKKA BUMABA KANA DITO AALIS NA TAYO!!!!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Lianna, tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na mag se-seven na pala.

Agad akong napabangon at napansin kong ako na lang ang nasa kwarto. Pandalas lang akong naligo,nag tooth brush, at nag bihis at agad akong bumaba ,handa na silang umalis at ako na lang ang hinihintay.

Kasama din si Liam at William, sila yata ang mag tuturo sa daraanan namin,

"Ang tagal ba naman" bulong ni Ysabelle na pakinig ko naman,"Paimportante kasi "sabat naman ni Ella. Inirapan ko lang silang dalawa, baka masampal ko pa sila.

Lumapit naman ako kay Lianna,"Lianna bakit dimo ko ginising ng maaga?" Pagtatanong ko kay Lianna, "alam mo besss ang aga kitang ginising pero ayaw mo naman bumangon umungot ungot ka pa dyan, kulang nalang buhusan na kita ng malamig na tubig para magising" sagot ni Lianna, "sorry naman" sabi ko kay Lianna.

Nagsimula na kaming mag lakad. Alas otso na pero naglalakad parin kami, nagsisi ako na di ako gumising ng maaga.

"Ano ba yan ang init na,tumataas na ang araw"daing ni Ella,"kung maaga lang sana tayo nakaalis di tayo naabutan ng araw dito" sabat naman ni Diana at tumingin sakin sabay irap.

"Pinaparinggan mo ba ako Diana?!" Lakas loob kong tanong sa kanya, kaya napatigil ang lahat sa paglalakad hinarap naman ako ni Diana, "bakit natamaan ka?" Natatawang tanong nya sakin, nang aasar ang bruha.

"Kung nagiinarte ka sana nauna ka na lang!!!" Sigaw ko sa kanya, "ano bang pinaglalaban mo Mikka?, talaga naman ah kung gumising ka ng maaga edi sana nakaalis din tayo ng maaga" sabi sakin ni Diana ng pataray.

"Aba kung makapag taray ka Diana kala mo perfect ka ah" singit ni Lianna sa pagbabatuhan namin ng mga salita."tumigil na nga kayo!!!"malakas na sigaw ni Ysabelle,"epal"sabat ni Lianna, napatingin si Ysabelle kay Lianna," mas epal ka nakikisali ka nga sa gulo nila, eh ako nakisali lang para awatin sila" ngiting plastic ang ginawa nito habang nakatingin kay Lianna.

Alam kong inis na inis na si Lianna. Nagsimula na syang humakbang at susugudin si Ysabelle.

Pero hinawakan sya ni Clyde sa kamay, napatigil sa paglalakad si Lianna at nanlaki naman ang mga mata ni Ysabelle sa nakita. Sinamaan ng tingin ni Ysabelle si Lianna pero inirapan naman sya Lianna.

LIANNA

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Clyde na dumampi sa malambot na palad ko at pinag-siklop nya ito. Nanlaki ang mga mata ni Ysabelle sa nakita dahil alam ko namang may gusto sya kay Clyde.

Sinamaan ako ng tingin ni Ysabelle at inirapan ko naman sya.

"Umalis na tayo!" Malakas na sigaw ni Ezekiel kaya naglakad ulit sila at nag pahuli kami ni Clyde.

Hindi parin binibitawan ni Clyde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa, "ah...bitawan mo na ako Clyde" sabi ko sa kanya "pwede bang hawakan ko muna ang mga kamay mo" sa sinabing yun ni Clyde bumilis ang tibok ng puso ko at namula ang aking mga mukha. Dug dug dug dug

"Bat namumula ka? Pagtatanong ni Clyde " ha?...hindi ah"sagot ko naman sa kanya,"umamin ka nga sakin Lianna,gusto mo ba ako?" Dug dug,dug dug, dug dug.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya."Lianna?, tinatanong kita? gusto mo ba ko?. Napatingin lang ako sa mga mata nya at hindi ko alam ang isasagot.

"Kung hindi moko gusto aalis nalang ako" sabi ni Clyde at napayuko sya at mukang aalis na, "teka lang!" Sa pagkasabi kong yun napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Clyde.

"Clyde gusto kita" nahihiya kong sabi at napayuko ako,"gusto din kita Lianna, nung una palang". Kinikilig ako sa mga sina sabi nya whaaaaaa.

Lumakas ang loob ko na sabihin sayo na gusto kita dahil nung nakita ko yung mga pictures ko ay naka save sa phone mo, naaalala mo pa ba nung kinuha ko yung phone mo at nag picture ako?"Pagtatanong sakin ni Clyde.

Nahihiya ako sa mga sina sabi nya, pero na pa "oo" na lang ako at tumingin muli sa muka nya, ang gwapo talaga nya."mas nagustuhan kita nung iniligtas mo ang buhay ko nung mababanggaan ako ng truck, gustong gusto kita Lianna", kinikilig ako sa mga sina sabi nya kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko.

"Gusto din kita Clyde, ang gwapo mo talaga" nakangiti kong sabi sa kanya at napangiti sya nung sinabi ko yun.

"Ikaw naman ang pinaka magandang babae sa king mga mata" napangiti ako sa sinabi ni Clyde.

"Tara na baka maiwan na nila tayo" sabi ko kay Clyde, at madali naman kaming nag lakad ng mag kahawak kamay, at maya maya ay naabutan na namin sila.

Sobrang saya ng araw ko ngayon.

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now