CHAPTER 12: PRINCESS??

368 11 0
                                    

MIKKA

Naghiwalay hiwalay kami sa gitna ng kagubatan na hindi magandang desisyon dahil baka may maligaw sa'min, kasama ko ngayon si Kenzo, Lianna at Clyde.

Kanina pa namin sinisigaw ang pangalang Princess, pero walang nasagot. Nasaan na kaya s'ya.

PRINCESS

Nakaupo ako sa upuan, nakatali ang mga paa at kamay ko at nakapiring din ako.

"Hi Princess." Isang boses ang narinig ko, boses babae.

"Sino ka??" Pagtatanong ko sa kan'ya habang may kaba sa aking mga dibdib.

"Gusto mo tanggalin ko ang piring mo?" Pagtatanong n'ya sa akin, hindi ako kumibo at naramdaman ko na tinatanggal n'ya ang panyo na nakatabon sa aking mga mata.

Nakita ko ang itsura n'ya.

"Ikaw!!!" Malakas na sigaw ko sa kan'ya.

"Bakit Princess? Natatakot ka ba?" Nang aasar na tanong sa'kin nito.

"Ano bang ginagawa mo? Ano bang ginawa ko sayo?" Natatakot akong nag tanong sa kan'ya.

"Madami ka ng nagawa sa'kin Princess sana maalala mo pa lahat, gusto ko lang maghiganti, este kami pala."

Ibig sabihin may kasama pa s'ya

"Siguro ngayon ay hinahanap ka na nila, at sigurado akong naghiwa-hiwalay sila sa gubat para hanapin ka. Mas madali namin kayong mapapatay lahat.

"TUUUULLLOOOOONNNGGGGG!!" Malakas kong sigaw ng bigla akong sinampal nito.

"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong putulin ko ang dila mo." Sabay kuha n'ya ng gunting na nakapatong sa lamesa at itinapat n'ya ang gunting sa bibig ko.

Tulungan n'yo ako.

Papatayin ako ni Althea.

CLYDE

Pagod na pagod na kami sa kakalakad at ubos narin ang mga dala naming tubig.

Nararamdaman kong parang may sumusunod sa'min.

"Parang may sumusunod sa'tin." Biglang nag salita si Kenzo.

"Napansin mo rin pala." Sabi ko kaya napatingin sila.

Napatingin kaming apat sa likod at tama nga ang hinala ko may sumusunod sa'min si William.

"Kamusta na kayo masaya ba ang camping." Nakangiting sabi ni William at may hawak s'yang kutsilyo.

"Anong ginagawa mo William?" Pagtatanong ni Mikka.

"Sumunod lang ako sa na pag planuhan namin ni na Harry, gusto nilang maghiganti sa inyo may dalawa kayong kaklaseng peke at kahit anong oras pwede nila kayong patayin." Ngumiti ito at dinilaan ang hawak n'yang kutsilyo.

"Nasa bahay si Princess at kung gusto n'yo s'yang iligtas puntahan n'yo lang hahahaha." Dag dag pa n'ya habang tumatawa.

Sino kaya sa mga kaklase namin yun.

"Bago ako makabilang ng sampu dapat nakatakbo na kayo isa....dalawa.." Tinuloy n'ya lang ang pagbibilang at agad kong hinawakan ang kamay ni Lianna para tumakbo pero sa ibang direksyon tumakbo sina Kenzo at Mikka.

"Pa'no sina Mikka?" Natatakot na tanong ni Lianna.

"Hahanapin natin sila mamaya." Sabi ko kay Lianna.

"Mag iingat kayo sa family ko hahahaha!!!" Malakas na sigaw pa ni William.

Sina Harry, Liam, William, James, Evelyn, ang mga pwedeng pumatay sa'min at sino yung dalawa? Kaklase namin sino kaya?

Hindi kami yung hinabol ni William kundi sina Kenzo at Mikka ang hinabol n'ya.

Ang direksyon namin ay papunta sa bahay, pwede kaming mapahamak pag dumiretso kami doon.

Pero madilim na dito sa labas kaya hindi kami mapapansin kung papasok kami sa bahay. Kailangan naming iligtas si Princess.

PRINCESS

"Ang ganda naman ng buhok mo, tuwid at mahaba." Natatawang pagkasabi sa'kin ni Althea.

"Gusto mo ba gupitin natin yan?" Pagtatanong n'ya habang naglalakad s'ya papunta sa likod ko at itinapat nya ang gunting sa katapat ng leeg ko.

"Hanggang dito okay lang ba?" Pagtatanong n'ya ulit sa akin.

"Hindi ayoko!" Malakas kong sigaw ng naramdaman ko ng sinisimulan na n'ya itong gawin, gusto ko s'yang pigilan pero di ako magkagalaw dahil nakatali ang mga kamay ko sinubukan kong mag pumiglas pero wala talaga, wala ng pag asa, tuluyan na n'yang nagupit ang buhok ko at bumalik na ulit s'ya sa harapan ko.

"You look so pretty." Pagpupuri n'ya sa'kin habang plastic s'yang nakangiti.

"Next, gusto naman kitang sugatan" Naglabas s'ya ng isang blade at lalo akong kinabahan.

"Unahin natin ang maputi mong hita." Nanlaki ang mga mata ko ng simulan n'yang guhitan ang hita ko gamit ang blade at halos maiyak ako sa sobrang sakit. Ang hapdi, kitang kita ko ang mapulang dugo na lumalabas dito.

Wala na kong nagawa kundi umiyak na lang.

Iligtas n'yo ako.

MIKKA

Habang tumatakbo kami ni Kenzo, nagkahiwalay kami ng direksyon pero s'ya pa rin yung hinahabol ni William. Nagtago muna ako sa likod ng isang puno para magpahinga at hinabol ang aking hininga.

Anong nang gagawin ko?

APRIL

Kasama ko ngayon si Allen, Elyssa at Tj, habang naglalakad kami bigla namin nakita si Liam at may dala s'yang palakol.

"Anong gagawin mo Liam?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Papatayin ko kayong lahat!!" Malakas n'yang sigaw at bigla s'yang tumakbo papunta sa direksyon namin kaya nagsitakbuhan kami.

"AHH!" Daing ni Elyssa, nadapa s'ya.

ELYSSA

"AHH!" Pagdaing ko ng madapa ako.

"Elyssa sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Tj na may takot sa mukha.

Bago pa man ako makatingin sa likod may naramdaman na akong bumaon sa likod ko, ang sakit at naramdaman kong inalis n'ya ang palakol na kanina ay nakabaon sa likod.

Bigla na lang akong sumuka ng dugo ng bumaon ulit sa likod ko ang palakol.

"Elyssa!!" Huli kong narinig na sigaw ni April bago pumikit and mga mata ko.

APRIL

Puro dugo, nabato ako sa kinatatayuan ko sa nakita namin pinagpapalakol ni Liam ang likod ni Elyssa, sirang sira na ang likod nito.

"Tara na April!" Malakas na sigaw ni Allen pero may takot sa pagsasalita nito, agad n'yang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami.

Ano bang nangyayari? Totoo ba yung nakita ko? Blangko pa rin ang isip ko.

Anong nangyayari?

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now