CHAPTER 7: AKSIDENTE

401 13 1
                                    

MIKKA

Ala sais na ng hapon at palubog na ang araw. Kanina puro bahay yung mga dinadaanan namin, ngayon puro puno na lang ang nasa paligid, sobrang dilim ng paligid ang ilaw lang ng mga sasakyan namin ang nagbibigay ng liwanag.

Walang masyadong nadaan na sasakyan. Nauuna ang van nina Patrick dahil nandoon si Harry, kasunod naman nito ang van nina Dave, kasunod ang kotse nina Ezekiel, sumunod ang sasakyan ni Renz, Allen, at kami, nasa hulihan ay ang sasakyan nina mang Cesar.

"Malapit naba tayo?" Pagtatanong ni Lianna habang nakasimangot.

"Hindi ko alam nasundo lang tayo sa kanila." Sagot naman ni Kenzo.

Nagulat ako ng biglang pumreno ng malakas si Kenzo kaya napasigaw kami sa loob, until na lang at mababanga na namin ang hulihan ng sasakyan nina Ezekiel.

Mabilis ang mga pangyayari kaya bumaba kaming lahat. Nakita namin ang sasakyan nina Allen na nakabanga na sa puno.

Agad na lumapit sina Mang Mando sa sasakyan.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Ezekiel.

Bumaba ng sasakyan sina Allen, Clyde, Sean at Lance.

"Okay lang kami." Si Allen.

"Ano ba kasing nangyari?" Pagtatanong ni Ysabelle.

"May nakita kasi akong itim na pusa na biglang tumawid, nagulat ako kaya iniliko ko ang manibela at naibangga ko sa puno." Sagot ni Allen.

"Pa'no na 'yan, saan kayo sasakay?" Pagtatanong ni Ysabelle.

"Mauuna na lang kami tapos babalikan na lang namin ulit kayo." Sabi naman ni Harry.

"Sige bilisan n'yo." Si Ezekiel.

"Oh sige." Si Harry.

Umalis na sila at tuluyan ng nakalayo sa amin.

"Pusa ba talaga yung nakita mo?" Pagtatanong ni Ezekiel.

"Oo, kitang kita ng dalawang mata ko." Sagot ni Allen.

"Pa'no naman mag kakapusa dito sa gubat?" Pagtatanong ni April.

"Baka naman multo?" Si Althea.

"Ano ba yan, wag naman kayo manakot." Si Zoey.

"Antahimik mo yata Clyde." Si Ezekiel.

Sa sinabing yun ni Ezekiel napatingin kaming lahat kay Clyde at dun lang namin napansin na may malaking sugat si Clyde sa braso.

"May sugat s'ya." Si Angel.

"Bakit di ka nag sasalita?!" Si Ezekiel.

"Sinong may dalang first aid kit?" Pagtatanong ni Princess.

"Omg!" Si Ysabelle.

"Ang Arte." Si Lianna.

Pag sabi non ni Lianna nag lakad s'ya papunta sa sasakyan ni Kenzo.

"Ako ba yung tinutukoy mo?!" Sigaw na pagtatanong ni Ysabelle kay Lianna at agad namang hinarap ni Lianna si Ysabelle.

"Ano bang sinasabi mo d'yan ha?" Si Lianna.

"Wag ka nang mag maang maangan pa, bakit ka ba gan'yan sa'kin? Ano bang ginawa ko sa'yo?" Pagtatanong ni Ysabelle kay Lianna.

"Ayoko ng away Ysabelle." Si Lianna.

"Pero ikaw yung nag simula diba?!" Si Ysabelle.

"Tigilan mo'ko Ysabelle, Isa ka sa mga officer pero wala ka man lang dalang first aid kit?" Si Lianna.

Hindi nakasagot si Ysabelle at tinuloy ni Lianna ang pag punta sa sasakyan ni Kenzo. Sa sinabing yun ni Lianna natamaan ako, sa bagay tama naman sya isa kasi ako sa mga officer pero wala akong dalang first aid kit. Mabilis lang kinuha ni Lianna ang first aid kit at pumunta ka agad sya kay Clyde. Lumapit rin si Ezekiel kay na Lianna at Clyde.

LIANNA

Kumuha ako ng water bottle na tubig at binuhos ko yun sa sugat ni Clyde.

"Paano ka nag ka sugat?" Pagtatanong ni Ezekiel.

"Iniharang ko kasi yung braso ko sa mukha ko." Si Clyde.

Habang naguusap pa sina Ezekiel at Clyde binukasan ko lang ng mabilis ang bulak at kumuha ako ng alcohol. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at sinimulan ko ng idampi sa sugat nya ang bulak.

"Ah!" Daing ni Clyde. "Wag mong masyadong diinan masakit." Dugtong pa ni Clyde.

"Sorry naman." Ako.

Pagkatapos kong linisan ang sugat ni Clyde binendahan ko ito.

"Done." Ako.

"Thank you." Pagpapasalamat ni Clyde.

Nagkatitigan pa kami, mata sa mata, ang gwapo talaga nya.

"Nand'yan na si na Harry!" Si Kimberly.

Agad na akong pumunta sa sasakyan ni Kenzo at ibinalik ang aid kit.

"Sakay na kayo." Si Harry.

Lahat kami ay nagbalikan sa mga sasakyan. Sina Ezekiel, Clyde, Sean at Lhance sumakay sa Van.

Nagsimula na kaming umalis.

SOMEONE'S P.O.V

Magsisimula na ang kasiyahan.HAHAHA!!

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now