CHAPTER 21: LIANNA

246 10 0
                                    

LIANNA

Si Allen.

Si Allen yung pumasok.

Kinasa nya yung baril na binigay sa kanya kanina.

" Allen please patakasin moko," pag mamakaawa ko sa kanya.

" Sorry Lianna kung nagtaksil ako sa inyo, sana mapatawad mo, ninyo ako, ginawa ko lang naman yun dahil ayokong ilabas nina Harry yung sex scandal ko, nakakahiya diba? Natakot ako sa kanila, pero sana mapatawad nyo ako," si Allen at itinutok nya yung baril sa sentido nya.

" Allen! Wait! Anong gagawin mo? Ok lang yun," natatarantang sabi ko.

" NANDITO SI LIANNA!!," sigaw nya.

Shit.

* BAAANG *

Tumumba ang katawan ni Allen sa sahig.

Halos nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko, hindi ako makapaniwalang magagawa nya yun. Pinatay nya ang sarili nya.

Shit kailangan ko ng umalis, baka padating na sila.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa Cr? Hindi, baka nahuli nila ako dito.

Kaya pumasok ako sa pintong nasa harap ng Cr.

Pag pasok ko agad ko itong ni lock. Tiningnan ko ang kabuuan nito may kurtinang naka harang, ano kayang meron sa likod nito.

YSABELLE

" Tulungan nyo po kami," si April.

" Jusqo anong nangyari sa inyo," yung babaeng driver at bumaba sya ng kotse.

" Ma'am tulungan nyo po kami, yung kasama po namin may tama ng baril sa binti," turo ko kay Nicole na buhat ni Dave.

" Dalhin nyo po kami sa malapit na police station at hospital," si April.

" Sige, sumakay na kayo," yung babae.

Kaya inalalayan ni Dave na pumasok si Nicole.

" Ysabelelle, April sakay na kayo," si Dave.

" Hindi ako sasama," sabi ko.

" Ano?!," si Nicole.

" Ako din," si April.

" Basta yung plano gawin nyo lang," sabi ko.

" Pero.." si Dave.

" Ok lang, umalis na kayo," ako.

" Mag iingat kayo," si Nicole at bakas parin sa mga mata nya ang pangamba.

" Pangako babalik kami," si Dave.

" Wag mong pababayaan si Nicole ah," si April.

" Oo," si Dave.

" Jusqo ano bang nangyayari dito," narinig ko na lang na sabi nung babae.

Sumakay na si Dave.

Pinaandar na nung babae yung kotse at umalis na sila hanggang sa hindi na namin sila nakita dahil sa lakas ng ulan.

" Ano tara na?," si April.

" Tara na," Ako.

LIANNA

Hinawi ko ang kurtina at may isang pinto akong nakita. Pinihit ko ang door knob nito at hindi naka lock kaya nabuksan ko.

Sobrang dilim. Nakakatakot.

Dahan dahan akong humakbang at halos malaglag ang puso ko dahil mababa yung naapakan ko.

Hagdan to.

Bloody Vacation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon