CHAPTER 8: FULL MOON

392 14 0
                                    

MIKKA

Nakadating na kami sa bahay ng Tito at Tita ni Harry. Malapit lang naman pala dito yung pinangyarihan ng aksidente kanina, pinag masdan ko ang kabuuan ng bahay at malaki nga ito.

Nasa labas palang kami ng bahay ay sinalubong na kami ng mga kasamahan naming naunang dumating. Kasunod nila ang apat na tao isang babae at tatlong lalaki. Yung dalawang lalaki ay bata pa kasing edaran lang ni Harry, baka pinsan nya ang dalawang lalaki at ang babae naman yata ang Tita ni Harry at ang lalaki ang Tito nya.

"Guuuyyss!!" Malakas na sigaw ni Harry kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.

"Ito nga pala ang mga pinsan ko." Sabi ni Harry sabay turo sa dalawang lalaki. Oh diba tama ako, pinsan n'ya 'yun.

"Ito si Liam at William." Pagpapakilala ni Harry, nag hi naman sa'min yung dalawang lalaki.

"Ito naman si Tita, Tita Evelyn." Pagpapakilala ni Harry sa babae na nasa 30 pataas na yata yung age.

"Ito naman ang Tito kong si James." Dugtong pa ni Harry at sa tingin ko nasa 40 pataas naman yung age n'ya.

"Mga bata pumasok na muna kayo dito at kumain." Sabi ni Evelyn kaya nag pasukan kaming lahat.

Pagpasok namin ay tiningnan ko ang kabuuan ng bahay at ang lawak nito. Ang lawak din ng sala, lalo na sa kusina ang daming lamesa at upuan, nakahanda talaga sila para sa mga bisita.

"Liam, pakisamahan mo sila sa kwarto nila." Utos ni Evelyn kay Liam.

"Sumunod kayo sa'kin." Sabi naman sa'min ni Liam.

Umakyat kami sa second floor, pinapasok n'ya kami sa kwarto at pag ka bukas namin ay napakalawak nito at ang dami din ng mga higaan. Parang lagi silang may bisita.

"Sama sama na kayo dito ah, sorry hindi pa kasi namin nalilinis yung kabilang kwarto." Sabi sa'min ni Liam habang nakakamot sa ulo.

"Okay lang yun." Sabi naman ni Ezekiel.

"Kung pupunta kayo sa banyo nandon lang sa dulo." Sabay turo ni Liam sa pinaka dulong pinto.

Napatango naman kami sa sinabi n'ya.

"Pagkatapos  n'yo d'yan bumaba na kayo para kumain." Dagdag pa ni Liam at napatango naman kami at tuluyan na s'yang lumabas ng kwarto at umalis.

Napakalawak nung bahay nila pero bakit dalawang kwarto lang yung ipapagamit nila. Sa bagay mag cacamping kami.

**********

Nakatapos na nga kami sa pagkain at bumalik na kami sa kwarto, nag paalam muna ako kay Lianna na pupunta ako ng cr.

Pag kalaban ko ng cr ay may katapat pala itong pinto, hindi ko ito napansin kanina nung pagpasok ko, mapapansin mo lang talaga s'ya pag lalabas ka na ng cr.

Na curious ako kung anong na sa loob nito kaya hinawakan ko ang door knob nito at pinihit yun pero na ka lock.

"Ate?!" Nagulat ako sa isang boses ng lalaki, si Liam."

"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong sa'kin ni Liam, kinabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Mikka hinahanap ka na ni Lianna." Boses ni Kenzo, dumating s'ya buti na lang.

"Ah.. sige." Sabi ko kay Kenzo.

"Ah mauuna na ako Liam." Sabi ko naman kay Liam. Agad naman akong sumunod kay Kenzo at sumabay na sa kan'ya.

"Anong ginagawa mo dun?" Pagtatanong ni Kenzo.

"Wala na curious lang kasi ako don kung anong nandoon sa loob." Sabi ko naman.

"Alam ko kung anong nandoon, pumasok ako kanina." Sabi ni Kenzo na ikinagulat ko.

"Ha? Paano? Di ba nakasara yun, paano mo nabuksan?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Hair pin." Si Kenzo.

"Eh anong nandoon?" Pagtatanong ko.

"Mga damit ng clown at puro mantsa ng kulay pula, parang dugo tapos may mga maskara din." Sabi ni Kenzo.

"Baka nag cocosplay sila?" Pagtatanong ko.

"Pero kakaiba yung amoy, ang baho." Sabi ni Kenzo.

"Baka may tinatago sila." Sabi ko naman.

"Yan ang aalamin ko." Si Kenzo.

Nauna nang maglakad si Kenzo, nakakapagtaka ano ba talagang meron ang pamilyang 'to.

Pumasok na nga ako sa kwarto.

"Antag mo naman." Sabi sa akin ni Lianna.

"Ah wala may tiningnan langa ako." Sabi ko naman sa kan'ya.

"Ahh." Tipid naman n'yang sagot.

Maya maya ay natulog na kami, napag usapan kasi namin na dito muna matulog at bukas na ng gabi namin simulan ang pag ca-camping.

Nagising ako dahil hindi ako makatulog, 12:00 na ng gabi, napasilip nalang ako sa bintana at nakita ang buwan. Full moon pala ngayon, pero may nakaagaw ng pansin ko sa buwan may nakita akong tatlong tao dalawang lalaki at isang babae. Hindi ko mamukaan ang mga ito dahil madilim.

Nagulat na lang ako ng bigla silang lumingon sa direksyon ko kaya nag iwas agad ako ng tingin.

Nakita kaya nila ako? Siguro naman hindi, dahil patay naman ang mga ilaw sa kwarto.

Sino kaya ang mga yon?

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin