CHAPTER 2: SA ULAN

755 25 3
                                    

LIANNA

Pagkalabas ko ng school may naramdaman akong pumatak sa aking balat at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala akong magagawa kundi sugudin ang malakas na ulan wala kasi akong dalang payong, mainit naman kasi kanina.

Bago ako tuluyang makalayo ng gate ng school nakita ko si Mikka na nakasilong sa guard house. Magpapatila pa yata sya ng ulan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, nakita kaya ako ni Mikka.

Medyo nakalayo na ako sa school pero ang lakas parin ng ulan, giniginaw narin ako sa sobrang lamig. Blurred narin 'yung buong paligid kaya di ko masyadong makita 'yung dinadaanan ko. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog 'yung cellphone ko, nag text pala si Mikka.

Text from Mikka.

"Nakauwi ka na ba Lianna?"

"Nakita kita kanina, bakit mo naman sinugod 'yung ulan?"

Hindi ko naman sya mareplyan dahil nakabalot pa sa plastik 'yung cellphone ko.

Nakakainis, nag aalala na sakin si Mikka, dapat pala sumilong narin muna ako doon sa guard house.

Natatakot din ako dahil parang may sumusunod sa akin. Hindi naman ako makalingon dahil baka malaman nya na alam kong sinusundan nya ako. Malayolayo padin 'yung bahay ko mula dito.

MIKKA

Nakita ko si Lianna na mag Isa lang sya, sumugod pa sya sa malakas na ulan. Hindi padin tumitigil 'yung ulan kaya ti-next ko na sya.

"Nakauwi ka na ba Lianna?"

"Nakita kita kanina, bakit mo naman sinugod 'yung ulan?"

Yan 'yung tin-next ko sa kanya pero hindi padin sya nagrereply ano na kayang nangyari don, basang basa na 'yun sa ulan panigurado.

"Sabay na tayong umuwi." Nagulat ako dahil kay Kenzo, sya pala 'yung nagsalita.

"A-ah hindi na, hindi tayo kasya sa payong mo, mauna ka na." Ako.

"Hindi okay lang, sumabay ka na." Si Kenzo.

"Sumabay ka na sa kanya." Yung guard kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara na?" Si Kenzo, wala na akong nagawa kundi sumabay kay Kenzo.

Sa tapat ng bahay namin.

"Sorry Kenzo naabala pa kita." Ako.

"Okay lang." Si Kenzo.

"A-ah thank you, sige pasok na ako sa bahay, ingat ka." Ako at agad pumasok sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko at sumilip sa bintana.

Nakita ko pa si Kenzo, bigla Kong naalala si Lianna kaya ti-next ko ulit sya.

"Huy, mag reply ka ano na bang nangyayari sayo hindi ka nag re-reply. Nakauwi ka na ba?"

Text ko sa kanya.

LIANNA

Nakatanggap na naman ako ng text galing kay Mikka.

Text from Mikka.

"Huy, mag reply ka ano na bang nangyayari sayo hindi ka nag re-reply. Nakauwi ka na ba?"

Bwiset! Hindi tuloy ako makareply kay Mikka. Bigla naman akong nagulat at halos malaglag 'yung puso ko dahil may dumaan sa likod ko at dire-diretso lang sya sa paglalakad.

Si Clyde lang pala.

"Clydeeeee!" Malakas kong pagtawag sa kanya. Napahinto naman sya at lumingon sakin.

"Ano?!" Pasigaw na tanong nya sakin habang nakakunot ang noo.

"Pasukob ako!" Sigaw ko sa kanya at agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Oh hawakan mo 'tong paying." Si Clyde at laking gulat ko ng kinuha nya 'yung kamay ko at pinahawak sakin 'yung payong. Wala na akong nagawa kundi hawakan 'yung payong.

Gentleman ba tawag sa ganyan? Pogi nga sya kaso hindi naman sya gentleman. Kailangan ko pang itaas 'yung payong para hindi sya mauntog sa hawak kong payong. Ang tangkad kasi jusq, sana naglakad na lang akong magisa pinahirapan lang ako.

"Ako na nga ang hahawak ng payong, nakakaawa ka naman, ang liit liit mo kasi." Si Clyde.

Wow ha, ako pa sinisi.

Ibinigay ko sa kanya 'yung payong at tumingin ako sa kanya at napatingin din sya sa'kin kaya nagkatitigan kami.

dug dug dug dug dug dug

Anong pakiramdam 'to? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapoooo nya talagaaa.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang kinuha 'yung payong sakin.

"Akin na nga!" Si Clyde.

Bumalik naman ang tingin ko sa dinadaanan. Bigla kong naalala si Mikka, nag text nga pala 'yun. Agad kong kinuha 'yung cellphone ko na nakaplastik at tinanggal 'yun sa plastik. Agad ko syang nireplyan.

"Huy... Mikka, pauwi na ako, nakisabay ako kay Clyde, may payong kasi sya, nakauwi ka na ba?" Reply ko sa kanya.

Agad din naman syang nagreply sa text ko.

"Wow ha... sinabay ka nyan? Eh lagi nga kayong nag babangayan nyan... oo nakauwi na ako." Reply ni Mikka.

"Mag send ka nga ng picture." Dagdag pa nya.

"Okay wait.." Reply ko.

Aba ayaw pa maniwala, sige wait, mag se send ako ng picture.

Napansin ko namang sumisilip si Clyde sa pinaguusapan namin.

Kalaking tao cheesemoso.

Agad kong pinicturan 'yung baba para makita ni Mikka, 'yung sapatos namin ni Clyde. Pagkapicture ko ay agad akong pumunta sa gallery, baka kasi hindi nag save 'yung picture.

"Patingin nga." Si Clyde at laking gulat ko ng inagaw nya sakin 'yung cellphone ko at nilayo nya sakin 'yun.

"Akin na 'yan!!" Sigaw ko sa kanya.

"Gusto mo basain ko 'tong cellphone mo?" Si Clyde kaya umiling ako.

Nako nakakainis, nasa gallery ko pa naman 'yung mga pictures nya na sinave ko. Sigurado akong nakita na nya 'yun.

Tumingin ako sa kanya at kita kong nakatingin sya sa phone ko at nakangiti pa. Nakakainis oh.

"Oh phone mo." Si Clyde.

Nakangiti nya 'yung binalik sakin, nakakainis sigurado akong pinagtatawanan na ako ng lalaking 'to.

Agad kong tiningnan 'yung phone ko at nakita ko 'yung picture nya, nag picture pala ang loko kaya ngiting ngiti kanina.

Sinend na rin nya kay Mikka 'yung pinicture ko kanina.

Nag text na ulit sakin si Mikka.

"Oo na, naniniwala na ako, mag ingat kayo." Text nya.

"Sige bye na..." Reply ko naman sa kanya.

SOMEONE'S P.O.V

"Ayun sina Clyde at Lianna patayin na kaya natin sila"

Tanga ka ba? pano kung may makakita satin.

"Oo na tumigil ka na"

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now