CHAPTER 4:UNKNOWN NUMBER

517 18 0
                                    

CLYDE

Araw na ng biyernes ngayon, pwede na nga kaming hindi pumasok ngayon eh, pero papasok parin para makita si ayy may nag text pala.

Agad kong binasa 'yung text. Nakalagay dito na "ingat" sino kaya ito? Nanakot ba 'to o ano? Kaninong number 'to? Baka na wrong send ng text.

Naglalakad na ako ngayon papuntang school habang nakikinig ng tugtog, naka ear phone kasi ako.

Habang hinahanap ko sa list 'yung number nung nag text sakin bigla na lang akong napatingin sa harap ko at laking gulat ko na lang na may truck ang papalapit sa aking direksyon. Nabato ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Habang papalapit 'yung truck sa direksyon ko ay lumalakas ang busina nito. Nawalan yata 'yun ng preno shit. Katapusan ko na ba 'to?

Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumangga sakin ang truck. Bago ako pumikit ay may sumigaw pa ng pangalan ko, pero hindi ko alam kung sino 'yun.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako at agad kaming napaupo sa gilid.

Agad kong iminulat 'yung mga 'to at laking gulat ko nang makita ko si Lianna.

"Bobo ka ba? Gusto mo nga mamatay?" Pagtatanong ni Lianna sa akin.

Ang bilis ng pangyayari kaya natigil ako, pero nakita ko 'yung kamay ko na may dugo pero wala naman akong kahit anong sugat.

Tumingin ako sa mga kamay ni Lianna at nakita kong dumudugo 'yung daliri nya.

"Hoy Clyde! Ayos ka lang ba?" Si Lianna.

Agad akong tumayo at lumapit kay Lianna.

Bumangga naman 'yung truck sa may poste at nagdatingan ang ambulansya at mga pulis at umalis na kami ni Lianna.

Alam kong late na kami pero wala namang klaseng magaganap kaya okay lang kahit na malate kami.

"Anong nangyari dyan?" Pagtatanong ko kay Lianna.

"Ah ito bang daliri ko? Nasugatan 'yan kanina habang naggagayat ako, may nag text kasi kaya nagulat ako at nahiwa, akala ko kasi kung sino, na wrong send ata 'yun ng text, ingat daw ako eh." Si Lianna.

"Teka ayos ka lang ba?" Si Lianna.

"Oo, nagulat lang ako, salamat... bumili muna tayo ng bandaid." Ako at niyaya ki syang bumili.

"Ah wag na, para maliit na sugat." Pagtanggi nya.

"Tsk.." Ako at sinamaan sya ng tingin.

"Oo na... sungit sungit." Si Lianna.

Nakabili na kami ng band aid.

"Akin na 'yang kamay mo." Ako at hinawakan 'yung kamay nya, nilagyan ko naman nang band aid 'yung sugat nya.

Naglakad na ulit kami at nagtanong naman sa akin si Lianna.

"Bakit hindi mo alam na may truck sa unahan mo? Eh ang lakas na ng busina non." Si Lianna.

Agad naman akong sumagot.

"Nakikinig kasi ako ng song, naka earphones ako kaya hindi ko napakinggan 'yung busina ng truck, saka gaya ng sabi mo, may nag text din sakin ng ingat at hinahanap ko naman kung kaninong number 'yun, kaya pagtingin ko sa harap ko nagulat ako sa truck." Ako.

"Pasalamat ka nahila agad kita, teka patingin nga ako nung number nung nag text sayo, baka kasi parehas, malay mo." Si Lianna.

Lumapit ako sa kanya at sinisilip 'yung phone nya, kaso hindi ko masyadong makita kaya nilapit ko 'yung mukha ko sa kanya, kaya parang nakapatong ang ulo ko sa balikat nya, dinikit ko naman 'yung phone ko sa phone nya.

LIANNA

Naiilang ako sa ginagawa ni Clyde, nakakainis lalo akong ma fa-fall sa kanya kung tuloy tuloy nya pa akong papakiligin, o ako lang talaga 'tong kinikilig.

"Ah oo nga, parehas nga... hmm sino kaya 'yon? Kaninong number kaya 'to." Ako at medyo lumayo kay Clyde, nagsalita naman na sya.

"Malalaman natin 'yan kung may nag text rin sa mga classmate natin ng ganito." Si Clyde kaya binilisan na namin ang paglalakad papuntang school.

Nakadating na kami sa school at tumatakbo na kami papuntang room. Habang nasa hallway kami, wala kaming naririnig na kahit anong ingay. Kinakabahan ako.

Agad pumasok si Clyde at sumunod naman ako sa kanya. Nagulat si Clyde at mas doble 'yung gulat ko dahil nandito pala si Ms. Lea Isa sa mga subject teacher namin, napakasungit pa nito. Tumingin sya samin at biglang sumigaw. Akala ko ba walang klase? Omg.

"Out! Mga bastos, lumabas kayo!" Si Ms. Lea.

Nakakatakot sya, nagtinginan naman yung mga kaklase namin at nakita ko si Diana na tumingin sa'kin at inirapan pa ako. Bwiset na 'yun pasalamat sya... hay nako.

Bago kami lumabas ni Clyde ay may tumunog na phone. May tumatawag yata.

"Kaninong phone 'yon?!" Sigaw ni Ms. Lea.

Tumayo naman si Mikka.

"A-akin po Ma'am." Si Mikka, tumingin sa kanya si Ms. Lea at sumigaw ito ng "Labas!" Kaya lumabas na agad kami ni Clyde bago pa masigawan ulit ni Ma'am. Nasa labas na kami at lumabas na rin si Mikka, agad ko naman syang kinausap.

"Mikka sino 'yang tumawag sayo?" Ako.

"Hindi ko nga alam kung kaninong number 'to eh, nag text din syang ingat kaninang umaga." Si Mikka.

"Sa amin din ni Clyde may nag text ng ingat." Ako.

"Sino naman kaya 'yun? Nangaasar ba sya?" Si Mikka.

Bigla namang tumunog 'yung phone ni Mikka at may tumatawag.

"Tumatawag na naman sya." Si Mikka.

"Mikka akin na, ako ang kakausap." Si Clyde.

Binigay ni Mikka 'yung phone nya Kay Clyde at sinagot 'agad 'yun ni Cloud, ni loud speaker nya kaya napakinggan namin na nagsalita 'yun ng " hi " pero iba 'yung boses nya, nakakatakot.

"Sino 'to? Tangina mo tigil tigilan mo kami." Si Clyde. Hindi naman kami rinig dito ni Ma'am Lea.

Pinatay naman ng nasa kabilang linya ang tawag, kita sa mga mata ni Clyde ang pagkagalit. Ano bang nangyayari?

SOMEONE'S P.O.V

Sige mag isip lang kayo ng mag isip hahaha

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now