CHAPTER 5: KUTOB

497 26 0
                                    

LIANNA

Ngayon na yung araw ng camping namin, sabado ngayon pero ang nakakainis hindi natuloy

- FLASHBACK -

"Bakit pala nandun si ma'am Lea?" Pagtatanong ko kay Mikka.

"Nagalit kasi sya dahil gumawa daw tayo ng sariling desisyon nang hindi alam ng mga teacher." Sagot sakin ni Mikka.

"Eh pano naman nalaman yun ni ma'am." Pagtatanong ko ulit kay Mikka.

"Napakinggan ko lang to ah, sabi nina Lhance sinumbong daw tayo ng mga taga kabilang section." Sagot nya sakin.

Napatigil kami sa pag-uusap ng bigla naming marinig ang dirat rat na bunganga ni ma'am sumigaw na naman sya ng "out" ano yun na out sa game, sino kaya yun mapapalabas, hinihintay namin kung sinong lalabas sa pinto at si Kenzo yun.

"May tumawag ba sayo?" Pagtatanong ni Cloud.

"Oo, hindi ko alam kung sino 'to, nanti-trip yata, kaninang umaga nag text 'to ng " ingat " at muntik na akong matalisod.

"May nag text din samin ng ganyan." Si Clyde.

"Sino naman kaya 'yun?" Si Mikka.

"May kutob ako na 'yung mga Taga kabilang section 'yun, diba sabi mo Mikka napakinggan mo sina Lhance at pinaguusapan na 'yung mga taga kabilang section 'yung nag sumbong kung bakit ngayon ay galit na galit si Ms. Lea na parang dragon." Si Clyde.

"Oo... Ayun 'yung pinaguusapan nila eh." Si Mikka.

"Eh ano namang kinalaman ng mga taga kabilang section sa mga nag tetext satin?" Ako.

"Malay mo tinatakot nila tayo!" Sigaw ni Clyde.

"Eh bakit ka nasigaw, nagtatanong lang naman ako." Ako.

"Sorry naa..." Si Clyde.

"Wait, kaya nila tayo ti-next ng ingat dahil alam nilang mapapagalitan tayo ni Ms. Lea, tama ba ako."

"Oo nga, lagot sakin 'yang mga 'yan sa lunes." Si Clyde.

- END OF FLASHBACK -

Nakakainis madadagdagan pa kami ng isang linggong pasok dahil magpa-plano ulit kami kasama 'yung mga taga kabilang section dahil kasama namin sila sa camping.

Na-inggit sila kaya sinumbong nila kami, ano yun may nag mamatyag samin at sino yun, o kaya naman may isa sa mga kaklase namin ang nag-kwento sa iba.

Gusto ko nang mag Monday at gusto ko din ng away lagot talaga sila sakin.

MIKKA

Dumaan na ang sabado at linggo, ngayon ay may pasok na ulit at hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari mamaya, kinakabahan ako malaking gulo tong mangyayari.

Naglalakad nako papuntang room, nasa baba palang ako ng building kita ko na agad ang mga estudyanteng nag ku-kumpulan agang aga may gulo na agad, kailangan ko ng bilisan.

Pag ka akyat ko nakita ko na agad sina Clyde, Lianna, Kenzo, Lhance, Princess, Ysabelle, Ezekiel at si Ella habang yung mga kaklase naming iba na nonood lang.

Sa kabilang section naman nakita ko sina Gerald, Xedrick, Kenrick, Janna, Ivy, Shane, Ynah at Jaymar kagaya ng samin yung ibang kaklase nila na nonood lang.

Naka-pwesto ako ngayon sa likod ni Kenzo, di deretso sana ako para mas lalong makita ang nangyayari pero bigla syang nagsalita "Dyan ka lang Mikka." Sabi nya at tumingin sakin, may dugo pa sya sa labi nasuntok yata sya pero hindi ko padin sya pinansin at nag dire-diretso padin ako.

Nakita ko sina Lianna at Ella na nagtutulungan na makipag away, puro sigawan ang naririnig ko ngayon, magulo narin yung buhok ni Ella at Lianna nakipag-sabunutan yata.

"Ano na ha!? mga ing-getera kasi kayo mag plano kayo ng sarili nyo hindi yung nangengealam kayo sa iba." sigaw ni Ella sa kabilang section.

"Grabe naman yang bunga-nga mo, mag ingat ka sa mga sinasabi mo babae ka hinding hindi kita uurungan." Sabi naman ni Shane kay Ella sabay irap.

"Pa irap irap kapa muka ka namang isda" sabi ni Lianna kay Shane habang natatawa kaya nakisabay sa kanya si Ella.

"Anong sabi mong babae ka!!!" Galit na sumigaw si Shane kaya nagulat ako, natahimik din ang iba, akmang sasampalin na ni Shane si Lianna pero agad akong lumapit kay Shane at hinawakan ang kamay nya sasali na ko sa gulo.

"Hoy babae, subukan mong saktan si Lianna at malalagot ka sakin." Sabi ko sa kanya.

"Bitawan mo nga ako! Ang tapang mo naman para makisali dito!" Inis na sabi ni Shane sakin.

Tinulak ako ni Shane kaya napa-upo ako. Agad din akong tumayo at binawian sya ng tulak, kaya napatumba din sya.

"Aray!!" Pag daing nya dahil sa sakit, tumayo ulit si Shane at sa hindi ko inaakala  sinampal nya ako.

Napahawak naman ako sa pisngi jo pag katapos akong sampalin ni Shane habang yung mga classmates nya ay masayang nagsigawan.

Nagulat din sina Ella at Lianna sa ginawa ni Shane. Agad akong humarap kay Shane habang nakahawak ang kaliwa kong kamay sa kaliwa kong pisnge.

"Ano masakit ba?" Pataray na pagtatanong sakin ni Shane.

"Bakit gusto mong maramdaman?" Ako at agad syang sinampal ng kanang kamay ko na ikinagulat nya at ng lahat dahil hindi nila inaasahan na gagantihan ko si Shane at mas lalong silang nagulat dahil nung pag kasampal ko kay Shane ay na pa atras sya.

Humarap sya sakin habang nakahawak sya kaliwang pisnge nya, nagulat kaming lahat ng bigla syang umiyak at tumakbo papuntang room nila.

"Ano? kayo gusto nyo rin ha?" Pagtatanong ni Ella sa kanila habang nag tataray.

Walang ginawa ang taga kabilang section kundi pumasok sa room nila.

"Tingnan mo sila naman pala yung talo" sabi ni Ella samin.

"Hoy Lianna at Mikka mag-ka away na ulit tayo pero walang sampalan." Sabi samin ni Ella at pumasok na sya sa room pumasok nadin kami at inayos ang aming mga sarili, na alala ko si Kenzo, may sugat nga pala sya sa labi pero pinunasan lang nya yung dugo ng panyo nya.

Alam ko hindi pa dito natatapos ang awayan gagawa sila ng paraan para makaganti, kailangan ko pang mas maghanda.

SOMEONE'S P.O.V

Nag aawayan na sila mas maganda kung nag patayan na lang sila,hahaha, pumatay na kaya ako?

ITUTULOY......

Bloody Vacation (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat