CHAPTER 3: AWAYAN

559 19 1
                                    

LIANNA

Ngayon ay araw ng Thursday at last day bukas (Friday) at sa Saturday na ang camping namin. Nandito ako ngayon sa harap ng gate at binati 'yung guard ng good morning at bumawi rin sya ng bati sakin.

Umakyat na ako papunta sa room namin, papalapit palang ako ng nakarinig ako ng nagsisigawan. Boses 'yun ni Ella ang kontrabida at bruha sa room, napakataray nya. Agad akong pumasok sa room at nakita ko si Ella na inaaway si Mikka.

Pito pa lang kami sa room, si Mikka, Sean, Aaron, Lhance, Ella si Diana at Ako.

Napatingin silang lahat sakin pagpasok ko, pero tinuloy parin ni Ella ang sinasabi nya kay Mikka.

Walang umaawat sa kanya dahil wala pa ang mga officer's, pero kahit na, dapat awatin parin nila ang bruha na Ella na 'yan.

"Ang landi mo Mikka!" Sigaw ni Ella Kay Mikka, hindi naman sumasagot si Mikka kaya ako ang lalaban para sa kanya.

"Hoy ano 'to? Umagang umaga bunganga mo agad naririnig ko, ano na naman ba 'to? Pinagsasabi mo dyang malandi si Mikka?" Ako.

"Totoo naman! Dahil Nakita ko sila ni Kenzo kahapon na magkasukob sa payong at sabay silang umuwi. Alam naman ni Mikka na may gusto ako kay Kenzo diba? Ibig sabihin nilalandi nya si Kenzo!" Inis na sabi ni Ella.

"Bakit? Nagseselos ka? May kayo ba ni Kenzo para mag selos ka at away awayin mo si Mikka." Ako.

Nakakaasar na babaeng 'to.

"Wag ka ngang mangealam Lianna! Akala mo di rin kita nakita kahapon, naglalandian pa nga kayo ni Clyde." Si Diana.

"Wow ha, ang kapal naman mukha mo, kasalanan ko ba na sa magaganda gusto sumama nina Kenzo at Clyde? At saka ikaw ang wag magealam, dahil hindi naman tayo close." Pangaasar ko kay Diana kaya nagtawanan 'yung mga boys.

Kinuha ni Ella 'yung tumbler nya sa bag at binuhos 'yung tubig sa damit ni Mikka.

"Oww!" Pagsigaw ni Lhance nung binuhusan ni Ella si Mikka ng tubig.

"Tumahimik ka nga dyan! Eh kung ikaw kaya ang buhusan ko ng tubig!" Pataray na sabi ko kay Lhance.

Hindi namin alam na nasa pinto na pala si Kenzo at kanina pa nakikinig sa bangayan namin.

Nagulat na lang ako ng biglang kinuha ni Mikka 'yung tumbler nya at nagsalita.

"Sumusobra ka na!" Si Mikka at sinabuyan ng tubig sa mukha si Ella.

"Ako 'yung nagsabay kay Mikka kaya wala syang kasalanan." Si Kenzo kaya napatingin kami sa kanya.

"Babaero mo kasi tol." Si Sean at tumawa.

"Pinagaawayan 'tuloy." Si Lhance at tumawa rin.

"Ganyan kasi pag pogiii." Si Aaron.

"Tigilan nyo nga si Kenzo." Si Sean.

"Ikaw nga nagsimula dyan." Si Aaron at tumawa.

Mga lalaki nga naman.

"Tara Mikka, magpalit ka." Ako sabay tingin ng masama kay Ella.

Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha ni Ella.

Habang naglalakad kami papuntang cr nakasalubong namin si Ysabelle at kasama nya si Clyde.

Napatingin sila samin, magkasabay silang pumasok?

Omg, anong pakiramdam 'to? Nagseselos ba ako?

"Anong nangyari kay Mikka?" Si Ysabelle.

"Itanong mo kay Ella." Ako habang nakakunot ang noo at sinamaan sila ng tingin. Nagdire-diretso lang kami ni Mikka sa paglalakad.

Maganda si Ysabelle kaya hindi imposibleng magkagusto sya Kay Ysabelle.

Maganda si Ysabelle tapos gwapo naman si Clyde, bagay diba? Sige Lianna pagselosin mo pa sarili mo.

Sa CR

Nang matapos si Mikka ay tinanong ko sya.

"Ano okay na ba?" Ako.

"Oo, okay na ako." Si Mikka.

"Tara na, balik na tayo sa room." Ako.

Habang naglalakad kami sa hallway.

"May tanong ako sayo..." Ako.

"Ano?" Si Mikka.

"Bakit bigla kang lumaban kay Ella? May pasaboy ka pa ng tubig sa mukha nya ah." Ako.

"Sobra na kaya sya kaya lumaban na ako at deserve nya 'yun." Si Mikka.

"Weh? Ang sabihin mo dahil nakita mo si Kenzo kaya ka lumaban, ayaw mo ipakita kay Kenzo na mahina ka, tama ba? yiiii." Pangaasar ko kay Mikka.

"Ewan ko sayo, tumgil ka nga." Si Mikka at natawa naman ako.

Pag balik namin sa room agad sumalubong ang diratrat na bunganga ni Charlie samin, isa sa mga alipores ni Ella.

"Hoy Mikka?! Anong ginawa mo kay Ella ha?!" Sigaw na tanong ni Charlie kay Mikka at inis na inis 'to, pero to the rescue ako kaya sinigawan ko rin sya.

"Hoy Charlie! Wag mong sigaw sigawan si Mikka ha, baka dumugo 'yang bunganga mo!" Sigaw ko sa kanya.

Bumalik 'yung pagkulo ng dugo ko, nanggigigil ako, gusto ko ng sakalin 'tong babae na 'to.

Napansin ko na marami na pala kami sa room at pinapanood 'yung bangayan namin.

"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Ysabelle samin kaya napatingin kami sa kanya at natahimik.

Aba.

"Wag kang mangealam."  Mahina kong sabi, ewan ko kung narinig nila.

"May sinasabi ka?" Si Ysabelle.

"Oo! Sabi ko wag kang mangealam!" Sigaw ko dahil sa inis. Kita ko naman sa mga mukha nila ang pagkagulat.

"Sinisigawan ka oh." Si Lhance at natatawa.

"Hayaan mo nga sila." Si Sean.

"Inaano kita Lianna? Sinasaway ko lang kayo, may ginawa ba ako kaya pati sakin nagagalit ka? Kanina nag tanong lang ako pero sinamaan mo ako ng tingin." Si Ysabelle.

"Sinasaway? Eh kanina pa 'yang mga 'yan, kung maaga ka sanang pumapasok edi sana hindi nagkakagulo ngayon!" Ako.

"Tama na Lianna." Si Mikka.

"Wow kasalanan ko pa? Ako na nga 'tong nagsasaway sa inyo." Si Ysabelle.

"Kaya nga wag kang mangealam." Ako at tiningnan sya.

"Hindi ko alam kung bakit, galit na galit ka sakin, wala naman akong ginagawa sayo." Si Ysabelle at hindi ko alam ang sasabihin pero biglang nagsalita si Ezekiel.

"Ano tuloy pa ba ang camping? Nagaaway away na kayo..." Si Ezekiel at patawa tawa.

"Oo tuloy, wala akong pake sa mga 'yan, wala akong pake kung di sila sumama." Ako at hinila si Mikka at umupo na kami.

Nakakabwisit 'tong mga 'to.

SOMEONE'S P.O.V

Nag aaway away na sila mas magiging maganda ang aming  bakasyon.

ITUTULOY.....

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now