CHAPTER 20: TULONG PART 3

295 10 0
                                    

EZEKIEL

Sina Allen nga yun at nag uusap usap sila. Maya maya pa may dumating na sasakyan.

Sina Liam yun. Nag babaan sila at si Evelyn? Si Evelyn ba yun? Durog na durog yung mukha nya sino kaya yung gumawa sa kanya non.

May maya pa lumabas na yung babae at lalaki na kanina lang dumating, pati yung dalawang bata.

Gulat na gulat yung babae nung nakita nya si Evelyn.Nag usap usap sila at pumasok din sila sa loob.

Tumingin ulit ako kay na Allen at nag uusap usap sila. Ano kaya ang plano ng mga yun.

LIAM

Ngayon papunta na kaming lahat sa bodega. Pagkadating namin nakita namin si Harry.

" Nandito na pala kayo, kanina ko pa kayo hinihintay eh," si Harry.

" Harry," nakangiting sabi ni Tito Roger.

" Oh tito, kayo po pala," si Harry at nakipag kamay kay Tito. " Kasama nyo pala sina Ralph at Ram," dag dag pa ni Harry.

" Oo," si Tito.

" Ahmm..Liam nasan pala si Tita Evelyn?," pagtatanong ni Harry sakin.

" Patay na sya," sagot ni Tita Racy.

" What?!," si Harry.

" Oo patay na sya dahil sayo!," sigaw ko kay Harry.

" Panong ako?," si Harry.

Agad ko syang sinuntok.

" Fuck," si Harry at dumudugo ang labi nya.

" Kung hindi dahil sa plano mo hindi nangyari yun!," sigaw ko sa kanya.

" Tumigil na nga kayo!,' sigaw ni Papa. " Ginusto naman nating lahat to diba?! Tatapusin natin ang bakasyong to ng duguan," si Papa.

Kaya nagtawanan kaming lahat.

" Oh may patay," si Tita Racy sabay turo sa katawan ng babaeng kaklase ni Harry, nahampas aang mukha nya HAHAHA.

" William ilabas ang mga armas," utos ni Papa kay William.

Binigay ni papa ang isang baril kay William. Shotgun naman sa akin. Kutsilyo at baril kay Harry. Shot gun kay tito Roger. Isang mahaba at matulis na kutsilyo ang kay Tita Racy at binigyan si Ralph ng isang baril. Kay Ram wala. At ang kay Papa ay Shot gun.

" Magsisimula palang ang bakasyon nyo," si Papa at nagtawanan kami.

MIKKA

Malapit na mag gabi. Medyo madilim sa labas at parang uulan na naman.

Ang plano ay si Allen lang ang papasok, pero ngayon lahat kami ay nasa loob. Kasama nadin namin sina Zoey, Angel, Kaycee at Cedrick. Dahil nakita nila kami kanina nung papasok na kami.

" Anong gagawin natin dito?," si Lianna.

" Natatakot ako," si Kaycee.

Narinig namin na may paprating galing sa taas.

" Nandito sila!!," sigaw ni Allen kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

" Fuck! Anong ginagawa mo Allen," si Cedrick.

* THUNDER CRACKS *

Nawalan ng kuryente, kaya dumilim sa loob.

" Magtago na tayo!!," sigaw ni Kenzo kaya nagkahiwalay hiwalay kami.

Ako lang mag isa, kahit sino sa kanila wala akong nasamahan. Papunta ako ngayon sa kusina at tumago ako sa ilalim ng lamesa.

KENZO

Ngayon natakbo kami, kasama ko si Princess at Cedrick. Inaalalayan namin ni Cedrick si Princess habang natakbo kami.

Malawak ang bahay kaya may matatakbuhan kami. Madaming pinto na kaming nadaanan, pero hindi kami pumasok doon dahil may humahabol samin.

Lumiko kami at dahan dahang binuksan ang isang pinto at pumasok doon.

Ang ganda sa loob. May malaking bilog na lamesa sa gitna at madaming upuan ang nakapalibot dito.

Dun sa kabilang tabi may sofa na nakapalibot sa gitna ng maliit na lamesa.

" San tayo tatago," si Cedrick.

" Doon," turo ko sa sofa.

Pumunta kami doon at nagtago sa likod ng sofa. Maya maya pa bumukas ang pinto kaya nagkatinginan kaming tatlo.

Unti unti kong sinilip at nakita ko yung lalaki kanina. Hindi ko sya kilala pero alam kong ka mag anak to nina Harry.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid at lumabas na sya.

Buti na lang umalis na. Ano ng gagawin namin.

LIANNA

Shit nahiwalay ako kay Clyde. Nandito ako ngayon, nakatago sa gilid ng malaking aparador at kitang kita ko sina Harry, William, Liam at Allen.

Bwisit na Allen na yun. Kalaban din pala sya, sana naniwala na kami kay April.

" Oh ito baril," binigay ni Harry ang hawak nyang baril kay Allen.

" Hanapin na natin sila," si Liam at nag alisan na sila.

Tumakbo ako papuntang taas kahit masakit ang binti ko. San nako magtatago ngayon.

Pumasok ako sa kwarto namin at naghanap ng malalabasan pero wala.

* THUNDER CRACKS *

Jusqo nakakagulat. Nag simula ng umulan ng malakas na may kasamang kilig at mga kidlat. Madilim nadin sa labas dahil mag gagabi na.

Lalabas na sana ako ng kwarto pero may biglang pumasok sa loob. Kaya napa atras ako.

YSABELLE

Madilim na dito sa labas at sobrang lakas ng ulan.

" Kanina pa tayo nag lalakad pero wala parin tayong nakikitang sasakyan," si April.

" Baka mamatay na tayo dito sa lamig," si Nicole. " Hindi ba kayo napapagod kakaalalay sakin?," dag dag pa nya.

" Wag ka ngang mag salita ng ganyan, hindi kami napapagod, kailangan nating makaalis at makahingi ng tulong," si April.

Habang nag uusap sila, nakakaramdam ako na parang may sumusunod sa amin.

" Ssssshh, wag kayong maingay," ako kaya napatingin silang dalawa sakin.

" Bakit?, " silang dalawa.

" Parang may sumusunod satin," ako.

Kaya napatigil kaming tatlo sa paglalakad.

" Sino ka?!," sigaw ko.

Alam kong may natatakot silang dalawa. Maya maya pa may lumabas na lalaki, diko makita ang itsura nya dahil medyo madilim na.

" Ikaw ba yan Dave?," si Nicole.

" Sorry, natakot ko ba kayo?," si Dave at papalapit sya sa amin.

" Wag kang lumapit sa amin!," sigaw ko sa kanya kaya napatigil sya.

" Bakit naman?," si Dave.

" Baka kalaban ka din kagaya ni Christian, " sabi ko.

" Hindi, maniwala kayo sakin, tutulungan ko kayo," si Dave at lumapit sya samin.

Ipinangko nya si Nicole.

" Ngayon ano ng plano nyo?," si Dave.

" Kailangan nating makahanap ng sasakyan para makaalis tayo dito o kaya may dumating na sasakyan at humingi tayo ng tulong," Ako.

* BROOOOOM *

" Yan na ang sasakyan," si Dave.

Kaya humarang kami ni April sa gitna, nag kakaway at nagtatalon.

Kaya tumigil ang kotse.

Babae ang driver.

" Tulungan nyo po kami," si April.

Bloody Vacation (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara