CHAPTER 15: TRY TO ESCAPE

336 12 0
                                    

ELLA

Napa sigaw kami ni Diana ng malakas dahil biglang hiniwa ni Evelyn ang leeg ni Patrick gamit ang chainsaw.

Halos maligo na kami ni Diana sa dugo ni Patrick, nakatayo parin ang katawan n'ya pero yung ulo n'ya nasa lupa na, nasirit pa ang dugo nito sa leeg.

Pinunasan ko ang mukha ko pero si Diana nabato na sa kinatatayuan n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Aaaaaaaaahhhhhh!" Malakas na daing ni Diana ng bumaon sa balikat n'ya ang chainsaw at tuluyan naputol ito.

Napaatras ako at tumingin ako sa likod ngunit wala na si Dave, kahit kailan talaga napaka  selfish n'ya.

Muli akong tumingin kay Diana at putol putol na ang mga kamay, binti at paa n'ya.

Agad akong tumayo at tumakbo, pero hinahabol pa rin ako ni Evelyn hindi ba n'ya alam na nasali ako sa marathon, duhh, hindi n'ya ako mahahabol.

APRIL

Agad bumukas ang van na ikinagulat namin at iniluwa non si Mikka.

"April!" Pagtawag n'ya sa pangalan ko.

"Sumakay na kayo!" Dag dag pa n'ya.

"Teka!" May sumigaw sa may bahay kaya napatingin kami doon.

Si Kenzo at Princess.

Agad na lumapit sina Allen at Tj kay na Kenzo at Princess para tulungan, nakakaawa si Princess puro sugat s'ya sa hita at braso, umikli na rin ang buhok n'ya.

Lumabas din si Clyde sa van at sinabing sumakay na kami.

JC

Paika ika na akong naglakad at nakahawak ang kanang kamay ko sa t'yan ko at dinadaing ang sakit na aking nadadama.

Sa paglalakad ko ay nakita ko na ang bahay pero ang nakaagaw ng pansin ko ay sina April, Mikka, Kenzo, Princess, Clyde, Allen at Tj.

"April!!" Malakas kong pagtawag sa kan'ya at tumingin silang lahat sa akin.

"Si JC." Ani Tj habang lumalapit s'ya sa akin.

Nang makalapit na s'ya sa akin ay inalalayan ako para mabilis kaming makapunta sa kanila. Nabuhayan ako ng loob na mabubuhay pa ako pero hindi pa rin dahil makauwi man kami patay na ako dahil sa blood lost.

"Sumakay na kayo!!" Ani Clyde.

"Ako na mag da-drive." Sabat naman ni Allen.

"Sige." Sagot ni Clyde

Kaya sumakay na kaming lahat, Katabi ni Allen si Kenzo, katabi naman ni Kenzo si Tj, habang ako katabi ko si Mikka at April, si Mikka sa kaliwa ko si April sa kanan ko habang sa kanan ni April katabi n'ya si Princess, nakakaawa si Princess puro sugat yung hita n'ya at braso maikli na rin yung buhok n'ya.

Sa likod namin mag katabi si Clyde at Lianna, hindi ko kaagad napansin si Lianna kanina dahil nandito pala sya sa loob, nadugo yung noo n'ya, ano kayong nangyari sa kan'ya.

Pinaandar na ni Allen ang sasakyan at umalis na kami. Alam ko namang mamatay ako dahil sa blood lost.

"Anong nangyari sayo Princess?" Pagtatanong ni JC.

"Si Althea, ginupit n'ya ang buhok ko at sinugatan ako gamit ang blade." Sagot ni Princess.

Taksil din yang si Althea, bwiset.

"Eh anong nangyari kay Lianna?" Pagtatanong ko ulit.

"Si Harry, sinaksak s'ya ni Harry sa binti kaya natumba si Lianna at sinipa n'ya sa t'yan si Lianna kaya nahulog s'ya sa hagdan." Sagot ni Mikka.

Isa pa ang Harry na yun.

"Kamusta ka? Anong nangyari sayo?" Pagtatanong ni April sa'kin.

"Si Christian at James pinatay nila si Renz at Kean." Ako.

"Patay na rin si Elyssa." Si April.

Tahimik lang kaming lahat sa loob ng van. Pero napakinggan kong nag uusap sina Clyde at Lianna.

"Are you ok baby?" Si Clyde.

Wow baby tawagan.

"Okay lang ako, masakit lang ang buong katawan ko." Si Lianna.

"Edi hindi ka ok, tss." Si Clyde.

"Makita lang kita okay na ako." Si Lianna.

"Wag ka na ngang mag biro d'yan." Si Clyde.

"Hindi naman ako nagbibiro ah." Si Lianna.

"I love you Lianna." Si Clyde.

LIANNA

"I Love You Too, Clyde." Bawi ko sa sinabi n'yang I love you sa'kin.

Nagulat na lang ako bigla, ng biglang dumampi sa labi ko ang malambot at mapupulang labi ni Clyde.

Hinalikan nya ako. Dug dug,dug dug,dug dug.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hanggang ngayon magkadikit pa rin ang mga labi namin, napansin ko namang lumingon sa'min si JC. Bigla namang inalis ni Clyde ang labi n'ya sa labi ko at tumingin s'ya kay JC.

"What?" Pagtatanong ni Clyde kay JC, umiling lang si JC at ngumiti.

Napatingin ako sa bintana dahil umulan ng malakas.

ELLA

Biglang umulan malas mahihirapan ako tumakbo pero sa malayo nakita kong may sasakyan malapit na pala ako sa kalsada.

Kaya nag sisigaw ako.

"Tulong! Tulong! Tulong!" Malakas kong sigaw para mapansin nila ako pero hindi, binilisan ko na lang ang takbo na sa likod ko pa rin si Evelyn at panay habol sa akin.

Nasa tabi na ako ng kalsada at humarang ako para makita nila ako pero ng lumapit ng lumapit ito ay.....

ALLEN

"Bro may babae!" Malakas na sigaw ni Tj pero hindi ko agad na ipreno ang sasakyan kaya nabangga namin ang babae at tumagilid ang van.

"Akala mo hindi ka mamatay ah, oh tingnan mo nga naman nag tangka pang tumakas patay tuloy kayong lahat, hahaha." Ani Evelyn, nakilala ko agad ang boses n'ya.

"Maiwan ko na kayo mga tanga." Lumayo nang lumayo ang mga yabag ni Evelyn.

Akala n'ya patay na ako, oo nga pala may mga kasama ako buhay pa kaya sila?

ITUTULOY.......

Bloody Vacation (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu