CHAPTER 16: SCARED

374 12 1
                                    

KIM

Biglang umulan.

Laking gulat namin ng may mag salita sa likod namin at napatingin kaming apat doon.

Si Liam at William.

Si Liam may hawak na palakol habang si William naman ay may hawak na kutsilyo.

"Buti dumating kayo." Nakangiting sabi ni Shella habang nalapit s'ya sa dalawa.

Pero laking gulat naming tatlo ng biglang saksakin ni William si Shella sa dib dib, hindi lang isang beses kundi tad tad na sak sak, nagsiritan ang mga dugo dito sobrang daming dugo kaya naman napasigaw ako.

Natumba na si Shella.

"Sinong isusunod ko?" Pagtatanong ni William kay Liam.

"Bahala ka." Sagot naman ni Liam.

Agad n'yang hinila si Cassandra at pinagsasaksak din sa dib dib kagaya ng ginawa n'ya kay Shella. Hindi ko alam ang gagawin nabato na ako sa aking kinatatayuan.

Parang pumapatay lang sila ng mga hayop. Nakakatakot para silang mga demonyo, kung ganito lang pala ang mangyayari sa bakasyon namin sana di na ako sumama pa.

Tatakbo na sana si Kiara pero sinabunutan s'ya ni William at hinila at pinag sasaksak sa likod at nilaslas pa nito ang leeg ni Kiara, hanggang sa natumba na si Kiara at papalapit na sa akin si William.

Katapusan ko na.

SEAN

Nang umalan ng malakas nakakita agad kami ng kubo at sumilong doon, kasama ko ngayong sina Aaron, Ixha, Lorraine, at Kimberly.

Dito na kami mag papalipas ng gabi.

LIANNA

Nang medyo naimulat ko na ang mga mata ko nasilaw ako sa araw.

Umaga na.

Nasa loob parin kami ng van at hindi ko agad namalayang nakapatong na pala ako kay Clyde.

Tiningnan ko ang mukha ni Clyde at may sugat s'ya sa mukha.

"Clyde gising." Ginigising ko s'ya habang inaalog at agad naman s'yang nagising.

"Are you okay?" Agad n'yang pagtatanong ng magising s'ya.

"Oo." Tipid kong sagot sa kan'ya.

"Ikaw okay ka lang?" Dag dag ko pa.

"Oo okay lang ako." Sagot n'ya sa tanong ko.

"Pero may sugat ka sa mukha." Nag aalalang sabi ko sa kan'ya.

"It's ok, maliit lang yan." Sabi naman n'ya sa akin.

"Guuuyyyss gising na!!" Pag gigising ni Clyde sa mga kasamahan namin habang hinahampas n'ya ang bintanang nasa ibabaw namin nakatagilid kasi ang van.

Medyo nawala ang sakit ng katawan ko pero yung binti ko masakit.

Napansin ko namang nag si gising na sila.

"Lianna mauna ka nang lumabas." Sabi sa akin ni Clyde at tumango naman ako.

Binuksan n'ya ang bintana at doon ako lumabas. Pagkalabas ko nakita ko agad ang katawan ng babaeng nabangga namin kagabi pero habang nalabas ako namumukhaan ko s'ya, si Ella.

Lumabas na din sina Allen, Kenzo, Tj, Mikka, April, Princess at Clyde.

Si JC lang ang hindi, ibig sabihin patay na s'ya dahil sa blood lost kung naagapan pa sana s'ya buhay pa s'ya.

"Si Ella yun diba?" Ani April.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Guuuyyyss tulungan n'yo kong itayo ang van! Si Allen.

Agad nagtulungang itinayo nina Allen, Kenzo, Tj at Clyde, pero bigo sila kaya tumulong na kami ni Mikka.

At nagawa naman naming itayo iyon, basag na ang mga salamin sa kaliwa dahil sa pagkatumba nito.

Inilabas nila ang katawan ni Jc sa sasakyan at inilagay sa tabi.

SEAN

Nang magising kami ay naglakad lakad ulit kami.

"Tingnan n'yo may mga nakahiga doon oh!" Si Lorraine.

Agad naman s'yang tumakbo papunta doon.

"Aaaaaaaaahhhhhh!" Malakas na sigaw ni Lorraine.

Malakas na sigaw n'ya at napaupo s'ya, agad kaming lumapit doon at nakita namin si Renz at Kean.

Patay na.

Totoo kaya yung mga nakita namin oh panaginip lang?

"Aaaaarrrrggggghhhaaah tu-tu-lungan ny-nyo k-ko." Agad kaming napa lingon sa likod at nakita namin si Ixha at William.

Sinasakal n'ya ng alambre sa leeg si Ixha, nag sisiritan ang mga dugo nito sa leeg at may lumalabas na ding dugo sa bunganga n'ya.

Nang hindi na nagpupumiglas si Ixha, binitawan n'ya na 'to.

"Good morning." Nakangising pagbabati sa amin ni William.

"Ahh!!" Napatingin naman kami sa likod dahil sa malakas na pag daing ni Lorraine.

Tinaga s'ya sa likod ni James, hindi lang isang beses kundi pinagtatadtad n'ya ng taga at nag agusan doon ang dugo ni Lorraine.

"Maghanda na kayo, kayo na ang sunod." Nakangising pagsasabi sa amin ni William.

Tatakbo ba ako o hindi

Anong gagawin ko?

Naguguluhan ako, sana panaginip na lang ang lahat.

ITUTULOY.......

Bloody Vacation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon