CHAPTER 25: EZEKIEL

258 12 2
                                    

YSABELLE

Tumingin si Liam sa akin, binunot nya yung kutsilyo sa tagiliran nya. Agad nya akong sinugod at sinakal gamit ang kaliwa nyang kamay napasandal ako sa pader, halos maiyak ako sa diin ng pagkakasakal ni Liam sa akin.

Nung sasaksakin nya ako, biglang....

Hindi.

Humarang si Ezekiel, oo humarang sya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Nakaharap sya sa akin.

Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Sa leeg nya tumama yung saksak ni Liam.

Hinugot ni Liam yung kutsilyo na nakabaon sa leeg ni Ezekiel. Napasubsob sa balikat ko si Ezekiel.

Di ako makapaniwalang nangyayari lahat ng ito.

Napaupo ako at nakahiga na ang ulo ni Ezekiel sa braso ko.

Tumingin ako kay Liam, tiningnan ko sya ng masama, inihiga ko muna si Ezekiel sa sahig.

Agad kong pinulot yung shot gun ni Liam at itinutok sa kanya. Itinaas nya yung dalawa nyang kamay.

" Wag! Binabantaan kita!," sigaw ni Liam sa akin pero agad kong ipinutok ang shotgun at natamaan sya sa ulo.

Agad tumumba ang katawan nya.

Binitawan ko ang shotgun at agad na lumapit kay Ezekiel. Inihiga ko ang ulo nya sa braso ko.

Nakatingin lang si Ezekiel sa akin at tuloy lang ang pag agos ng dugo sa leeg nya.

" Your body is slowly getting cold....Right in front of me," sabi ko at sunod sunod pumatak ang mga luha ko.

Niyapos ko sya ng mahigpit.

" I-i-i l-lo-ve y-yo-u-you," si Ezekiel.

" I love you so much, iniligtas mo ko," sabi ko habang umiiyak.

Hinalikan ko sya.

Bigla nalang pumikit ang mga mata nya.

Hindi!!!!.

APRIL

Pumatong sya sa ibabaw ko at sinakal ako.

Arghh! Anong gagawin ko?.

Patuloy lang sya sa pagsakal sa akin at pilit ko syang pinipigilan. Nakita ko yung baril na nabitawan ko kanina. Medyo malapit yun sa akin.

Pilit ko yung inaabot pero ang hirap. Hanggang sa naabot ko na talaga.

" Mamatay ka na!!," malakas na sigaw ni William, nakabuka ang bibig nya, pagkakataon kona.

Itinutok ko ang baril sa bunganga nya at ipinutok.

* BAAANG *

Agad na bumagsak sa sahig ang katawan nya.

Kailangan ko ng puntahan sina Ysabelle.

NICOLE

Sobrang lakas parin ng ulan. Nakasandal yung ulo ko sa balikat ni Dave.

Ano na kayang nangyayari doon?. Kamusta na kaya sila?.

" Sigurado akong gutom na gutom na kayo," yung babae.

" Opooo," si Dave.

Sana makaligtas na kami, para matulungan namin yung iba na naiwan.

" Sa police station ko muna kayo dadalhin," sabi nung babae, habang naka lingon sa amin.

" Shit! May pusa!," malakas nasigaw ni Dave.

Agad na tumingin sa dinadaanan namin yung babae, iniiwas nya yung sasakyan kaya nalaglag kami sa gilid ng daanan, tumaob ang kotse.

Sigaw lang naming tatlo ang naririnig ko.

MIKKA

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pader. May iba pa palang daanan dito.

Shit.

Iniluwa noon si ang isang lalaki, sa pag kakaalam ko si Roger to. May dala din syang shotgun.

" Sabi na nandito ka eh," si Roger.

Anong gagawin ko.

Tulungan nyo ko.

KENZO

Hanggang ngayon nakatago parin kami dito. Puro putukan na lang ng baril ang mga naririnig namin. Kamusta na kaya sila. Nasaan na sila.

Biglang bumukas yung pinto.

" Labas dyan alam kong nandyan kayong tatlo!," malakas na sigaw ng lalaki, kilala ko ang boses na yun. Kay James na boses.

" Kitang kita ko kayo sa cctv camera," si James.

Wala na kaming nagawang tatlo kundi lumabas. May cctv ba dito?.

Nakita na namin sya, duguan yung kamay nya.

" Alam nyo bang kayo nalang tatlo ang buhay? Lahat sila patay na,"  si James.

" Hindi yan totoo!," sigaw ni Princess.

" Shut up your fucking mouth!," sigaw ni James.

" Please paalisin mo na kami dito," si Cedrick.

" Paalisin? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?," si James. " Sige pagbibigyan ko kayo," dag dag pa ni James, " Isa lang ang makakaalis sa inyong tatlo ng buhay dito," pag papatuloy nya.

" Are you fucking serious?!," sigaw ko kay James.

" Yah, Isa lang ang makakalabas sa inyo dito, gusto ko maglaro kayo," si James.

" Laro?," ako.

" Oo, mag usap usap kayo kung sino ang lalabas sa inyo dito, at ang matitira ang papatayin ko," si James.

" Isa lang ang lalabas, bibigyan ko kayo ng limang minuto para mapagusapan nyo na," dag dag nya pa.

Kaya nag katinginan kaming tatlo.

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now