CHAPTER 22: CLYDE

250 8 0
                                    

MIKKA

Hanggang ngayon nasa ilalim parin ako ng lamesa. Naghihintay na may mangyari.

Maya maya pa nakarinig ako ng boses ng mga bata. Papalapit ng papalapit dito sa may kusina.

Nakita ko yung liwanag ng flashlight.

" Mom, I'm hungry, " yung bata.

" Ok baby! Wait ka lang dyan," yung babae at pumunta sa may ref sa bandang likod.

" Baby ibigay mo to sa mom mo," yung lalaki.

Hindi ko alam kung ano yun. Yung lalaki naman ay nasa bandang unahan.

" Ok daddy," yung bata.

Naramdaman ko ng naglakad yung bata papunta sa likod.

Ngayon na man may nag bobola.

" Baby wag ka na mag laro," yung babae.

" I want to play," yung bata habang pinapatalbog yung bola.

Papalapit ng papalapit sa akin yung tunog nung bolang tumatalbog. Nabitawan ata nung bata. Shit.

Hanggang sa pumasok na nga sa ilalim yung bola at nasa harap ko na.

Papalapit naman yung bata dito sa ilalim, hanggang sa hinawi na nya ang kurtina na nagsisilbing harang sa gilid ng lamesa.

Nag ka titigan kami.

" Shhh," bulong ko sa harap nung bata.

" Dad! May girl dito!!," sigaw nung bata.

Fuck!.

Agad akong lumabas ng lamesa, nakita ko yung lalaki at pag harap ko sa likod yung babae naman na gulat na gulat. Itinutok nya sakin yung flashlight.

Napatigil ako sa kinatatayuan.

" Barilin mo sya!," sigaw nung lalaki.

Agad namang itinutok nung babae yung baril sakin.

Tumakbo ako papunta sa direksyon nya.

* BAAANG *

* BAAANG *

Pinaputok na nung babae yung baril, pero yumuko ako kaya nakailag ako.

Dinaanan ko lang sya at tumakbo na.

" Ano bang ginagawa mo! Nakatakas na sya!," sigaw nung lalaki.

" I'm sorry! Hindi ko alam ang gagawin ko! Nagulat ako!," pakinig ko na lang na sigaw nung babae.

Tumakbo ako at pumasok sa isang kwarto.

LIANNA

Umalis na yung demonyong pamilyang yun kaya nakalabas nako sa pinag tataguan ko.

Nakahawak padin ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat ko kung saan ako binaril nung bata. Puro dugo na ang balikat ko pababa sa kaliwang kamay ko.

Sobrang sakit.

" Fuccck!," sigaw kong pigil at napa kagat sa labi.

Umakyat na ako ng hagdan hanggang sa makarating ako sa may pinto.

Unti unti ko muna itong binuksan at sumilip, nung alam kong wala ng tao lumabas na ako.

Bumaba na ako ng hagdanan na pinag laglagan ko dahil kay Harry.

San nako pupunta?. Dito na lang.

Lumiko ako sa may kaliwa malapit sa may kusina. Parang may nagkakagulo.

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now