CHAPTER 13: SECRET

376 12 2
                                    

KENZO

Nailigaw ko si William kanina habang hinahabol n'ya ko. Madilim na sa labas kaya dahan dahan akong pumasok at iniwasang makagawa ng kahit anong ingay.

Nawala sa isip ko si Mikka, nasaan na kaya s'ya? Sana okay lang s'ya. Sobrang dilim sa loob ng bahay at patay lahat ng mga ilaw hindi na'ko gumamit ng flashlight, ginamit ko lang ang brightness na nagmumula sa cellphone ko para walang masyadong makakita. Agad akong tumaas at pinuntahan ang pintong katapat ng cr at muli ko itong binuksan at nakita ko wala na ang mga damit na clown pati ang mga maskara.

Naagaw ng pansin ko ang mga news paper na patong patong, agad kong tiningnan yun, tungkol sa pamilyang nakatira dito ang nasa news paper ibig sabihin mga baliw sina James, Evelyn, Liam at William, ito ang tinatago nilang sikreto.

Pati si Harry ay kalaban namin na pwedeng pumatay sa amin at meron pa sa dalawa naming mga kaklase, sino kaya?

May narinig akong mga hakbang at papalapit yun sa pinto kaya kaagad ko itong ni lock, pagkatapos non ay napa atras ako hanggang sa makalampas ako sa kurtinang nakaharang at napasandal ako alam kong pinto ito dahil tumama sa likod ko ang door knob.

Pinihit  ko ang door knob pero naka lock ito ng biglang nakarinig ako ng isang sigaw ng babae hindi ko masyadong marinig dahil parang nasa baba ito.

Ginamit ko ulit ang hair pin para mabuksan ang pinto, pag kabukas ko nito ay sobrang dilim, pagkahakbang ko ay halos malaglag ang puso ko dahil mababa ang inapakan ko, baka hagdanan ito agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang flashlight, hagdan nga.

Nang makababa ako ay isa itong bodega ang daming mga gamit at sobrang galbok.

Muli ko ulit narinig ang daing ng babae, may isang pinto sa dulo at doon yun nanggagaling, lumapit ako at nakaawang ng kunti ang pinto at sumilip ako dito, shit!!

LIANNA

Naglakad kami papunta ni Clyde sa cr napansin namin ang isang pinto at parang may nag lock non sa loob kaya agad kaming pumasok sa cr.

Nakakatakot sa loob ng bahay dahil patay lahat ng mga ilaw.

"Lianna dito ka lang sa loob at wag kang lalabas, titingnan ko lang kung may tao dito." Pabulong na sabi ni Clyde at tumango na lang ako.

"Mag ingat ka." Pahabol ko at ngumiti naman s'ya.

MIKKA

Nang nawala na ang pagod ko naisipan kong pumunta sa bahay dahil baka nandoon sila, wala akong pake kung mapahamak ako.

CLYDE

Pagkalabas ko ng cr ay dahan dahan akong naglakad para di makagawa ng kahit anong ingay.

Pero bigla na lang akong nawalan ng malay at natumba, may humapas sa'kin.

LIANNA

Parang may bumagsak sa sahig, baka si Clyde? Lumabas ako para tingnan kung anong nangyari. Laking gulat ko ng nakita ko si Clyde walang malay habang hila hila s'ya ng isang lalaki, hindi ko maaninag ang itsura ng lalaki dahil madilim at nakatalikod ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko, unti unti na silang nawala sa paningin ko. Agad akong sumunod sa dinaanan nila pero natigil ako nung nakita ko sila, agad akong hinarap ni Harry s'ya pala yun.

"Hello Lianna, masaya ba ang bakasyon?" Nakangiting tanong sa'kin ni Harry.

Tatakbo na ako ng biglang higitin ni Harry ang buhok ko. Ang sakit.

"Araaaaaayyyyyy!! Bitawan mo ang buhok ko!!"  Malakas na daing ko dahil ang sakit ng pagsabunot n'ya sa buhok ko.

Nagulat ako ng bigla bumagsak si Harry.

MIKKA

Pag kapasok ko sa bahay dinig ko ang pag daing ni Lianna, sinasabunutan s'ya ni Harry. Humawak ako ng isang flower base at dahan dahang umakyat at saka ko hinampas sa ulo si Harry kaya natumba s'ya at nawalan ng malay.

Kitang kita ko sa mukha ni Lianna ang pag kagulat. Agad ko s'yang niyakap at niyakap din n'ya ako.

Nakita ko si Clyde na walang malay.

"Pa'no tayo makakaalis?" Tarantang tanong sa'kin ni Lianna.

Hindi ko agad s'ya nasagot dahil hindi ko din alam ang gagawin.

LIANNA

Dapat kumilos na kami ni Mikka kaagad habang wala pang malay si Harry kaso pa'no si Clyde hindi namin s'ya pwedeng iwanan.

Napatumba ako sa sakit, may bumaon sa binti ko, tiningnan ko ito at may isang kutsilyo nakabaon dito, nagising na s'ya at babangon na.

"Mikka tumakbo ka na!!" Sigaw ko at kita ko sa mukha ni Mikka na nagdadalawang isip kung tatakbo ba s'ya o hindi.

"Bilisan mo na!" Malakas na sigaw ko ulit at tumakbo na s'ya, natakbo s'yang ni lingon lingon ako. Naka tapat ako sa may hagdanan kung saan bumaba si Mikka.

"Araaaayyy!!" Malakas na daing ko ng sipain ako ni Harry sa t'yan.

"Die bitch." Nakangising sabi sa'kin ni Harry at sinipa ulit ang aking t'yan dahilan para mahulog ako sa hagdan.

Gumulong gulong ako pababa ng hagdan, hanggang sa marating ko ang pinaka baba nito.

Hindi naman ako nawalan ng malay pero ang sakit ng katawan ko dumudugo din ang noo ko.

Naramdaman kong pababa na ng hagdan si Harry kaya agad kong ipinikit ang mata ko.

"I'm so sorry Lianna, HAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa nito habang lumalabas.

"Mikka magtago ka na ikaw na ang sunod!!" Malakas ang sigaw ni Harry kaya kahit nasa labas s'ya dinig ko yun.

Akala n'ya patay na ko, nagkakamali s'ya.

"Lianna?" Boses ni Mikka at may takot sa kan'yang pagsasalita. Hindi pala s'ya lumabas nagtago lang s'ya.

"Okay ka lang Lianna?" Nag aalalang pagtatanong sa'kin ni Mikka at tumango naman ako.

Nakirot parin ang binti ko dahil nakabaon pa rin dito ang kutsilyo.

CLYDE

Nagising na ako sa pag kakawala ko ng malay kanina. Nang maimulat ko ang mata ko nagulat ako dahil nakita ko si Lianna at Mikka, si Lianna ay nakadapa at si Mikka ay naka upo, inaalalayan ni Mikka na tumayo si Lianna pero hindi n'ya ito magawa.

Agad akong tumayo at tumakbo pababa agad akong nakita ni Mikka pero si Lianna hindi n'ya agad ako napansin nung makalapit na'ko sa kan'ya saka na n'ya ko napansin.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kan'ya pero hindi ko na hinintay pa ang sagot n'ya.

"Anong nangyari Mikka?" Kunot noo kong tanong sa kan'ya

"Sinaksak s'ya ni Harry sa binti at sinipa s'ya sa t'yan kaya nahulog s'ya sa hagdanan." Sagot naman ni Mikka.

"Hayop s'ya!!" Madiin kong pagkakasabi.

"Lianna tatanggalin ko ang kutsilyo, saglit lang 'to." Sabi ko kay Lianna at agad naman s'yang tumango. Binuhat ko s'ya at inupo sa sofa.

Mabilis kong hinugot ang kutsilyo sa binti n'ya para di gaanong masakit at nakita ko namang napakagat s'ya sa labi n'ya at napapikit.

Agad ko s'yang niyakap at umiyak naman s'ya.

"Umalis muna tayo dito at magtago." Sabat ni Mikka. Lumbas kami at papunta kami sa mga sasakyan. Pagkalabas namin nakita namin ang mga sasakyan na flat maliban sa isang van kaya dun kami sumakay at nagtago.

Naiinis ako di ko man lang nagawang ipagtanggol si Lianna. Ngayon ay hirap na hirap s'ya lagot ka sa'kin Harry.

ITUTULOY......

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now