Chapter Two

602 44 3
                                    

ALMIRA

NARINIG KO ang pagbuntong-hininga ng mga kaklase ko ng makalabas ng classroom si Ma'am Lu- ang last teacher namin para sa last sibject sa umaga. Kanina pa kasi mukhang inaantok ang lahat sa klase niya sa chemistry. Wala ni isang interesado sa kahit ano mang nakasulat sa blackboard sa kung ano man ang kanyang sinasabi sa harap.

Lalo na ang lalaki sa tabi ko na nakatulugan ang klase. Ang lakas lang ng amats na matulog sa gitna ng lesson. At ewan ko ba, kahit sobrang halata na na tulog ang isa dito eh di man lang siya sinita ni Ma'am. Para bang ayos lang na ganoon ang gawin nito.

Siniplatan ko siya na noon ay nakatungo sa desk niya at mukhang tulog na tulog talaga siya. Maya't maya ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Nakita ko din sa tabi niya ang salamin na suot niya.

Tss. Mukhang balak talaga niyang matulog sa klase dahil sa pagtatanggal niya ng salamin.

Balak ko sana siyang tawagin o kaya tapikin para gisingin pero may biglang humarang sa pagitan namin. Napaangat ako ng tingin at nakangiting mukha ng isang babae na maikli ang buhok ang sumalubong sa akin. Meron siyang blue na hairclip sa kanang bahagi ng kanyang ulo, at may kahabaan na ang kanyang bangs na tumatakip na sa kanyang kilay.

"Bakit?" Tanong ko saka umayos ng upo. Ngumiti siya at naglahad ng kamay.

"I'm Alex! Alex Sahera! Nice to meet you!" Masiglang bati niya na sinabayan ng hagikhik sa dulo. Inabot ko ang kamay niya para makipagkamay saka tumango.

"Nice to meet you, too." Nakangiting wika ko.

Muli siyang humagikhik bago tingnan itong si Dela Riva na mahimbing pa din ang tulog. Then, nakangiti siyang humarap sa akin sabay halumbaba sa desk ko.

"Hey, what you did to him was pretty funny. You should do it a lot." Nakangitinv suhestiyon niya na itinuro pa ang tao. "Walang kumakausap sa kanya rito dahil ni isa sa amin di rin niya kinakausap. Kaya kagulat-gulat ang ginawa mo."

"Ah.. Is he..uhm..mute..?" Alanganing tanong ko. It's not weird to have a mute classmate, I just want to confirm it since he never spoken a single word.

Umiling siya. "Who knows. Di pa namin narinig ang boses niya mula ng mag-transfer siya rito noong start ng pasukan. He choose to isolate himself."

Since pasukan? What, he haven't spoken for almost 3 months?

"And the fact na nakatitig lang din siya sa labas ng bintana tuwing oras ng klase araw-araw. Pero laging mataas ang mga scores niya!" Excited niyang sabi na may malapad na ngiti at pagningning ng kanyang mga mata. Mas umaliwalas din ang mukha niya.

Napangiwi naman ako. "Are you.. By any chance.. Like him?" Pagtatanong ko.

Bigla niyang natikom ang bibig at napatayo ng maayos. Namula din ang pisngi niya at namuo ang butil ng pawis sa kanyang noo. Napatawa naman ako ng mahina sa naging reaksiyon niya.

"Thought so." Sabi ko nalang na ikinaiwas niya ng tingin.

People are way too easy to predict. You'll know if they like, want or hate something. You can tell by how they spoke about that thing. You can tell when their expressions and motions change. You can even tell if someone is lying.

And judging by how their expression changes, you can tell what they are thinking. Sometimes, their movement will also help you understand what they want to convey. Actions speaks louder than words, right?

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now