Chapter Seventeen

326 37 1
                                    

KENNETH

When monday came, I felt drained. Tired and exhausted. And I really felt sleepy. Been two days that I didn't get to sleep at night.

Di ako mapakali sa di ko malamamg dahilan. Di ako makapag-isip ng maayos. Di ko din alam kung ano ang iisipin ko.

Napabuntong-hininga ako't napatungo sa desk ko. Binalingan ko naman ang katabi ko na kanina pa din walang imik at nakatitig lang sa kawalan. Nakabukas lang ang kanyang textbook at notebook pero mula kanina ay wala naman siyang ginagawa. Ang tamlay din niya ng pumasok kanina. Maski ang pagbati at pagngiti niya na madalas ay napakasigla ay kanina'y ibang-iba.

Iniunat ko ang isang braso ko at inabot ang kanyang mukha. Di naman kasi ganoon kalayo ang pagitan namin kaya nagawa kong pisilin ang pisngi niya. Nagulat siya at napakurap ng ilang beses bago ibaling ang mukha sa akin.

She's pale. Eye bags became more darker than the other days. Her eyes was swelling from the lack of sleep. She looks really tired. And the smile she flashed was faint and voice losing the usual energy and enthusiasm.

"Himala't di ka tulog ngayon. Tsaka ba't parang puyat ka?" bulong na tanong niya na ikinaikot ko naman ng mata.

Coming from someone who looks like a zombie.

Mas pinisil ko pa ang pisngi niya na naging dahilan para mapangiwi siya't hawakan ang pulsuhan ko. Inilayo niya ang kamay ko saka niya maingat na inilapag ito sa gilid ng desk ko. Inayos din niya ang pagkakalagay ng salamin ko bago umayos ng upo at mapahikab.

Nang marinig ko naman ang pagbukas ng pinto at pagtahimik ng buong silid ay napalingon na ako sa harap. Sakto naman ang pagdating ni Sir Allan. Nang siplatan ko naman si Almira ay nagsenyas naman ito na umayos na ako. Wala naman akong nagawa kundi gawin iyon.

Nagsimula ang reporting ng mga kaklase namin. Mabilis lang naman ito dahil halos summary lang naman ng documentary ang ini-report nila. At tila nag-eenjoy naman sila sa ginagawa nila pero tong katabi ko ay kulang nalang ay makatulog na talaga sa inuupuan.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang nakahalumbana at tinitigan ang malayong kabundukan. Umihip ang hangin na humahampas sa mukha ko dahilan para mapapikit nalang ako.

Noises behind me started to fade. My mind started to wonder. But this time, it feels different. Feels kinda bitter. Its not comforting nor giving some kind of ease. But the feeling was heavy, kinda wrong and theres something creeping under my skin.

Ah, what's going? Why do I feel like I need to do something.. Like I need something to..

"Kenneth.." nagising naman ako sa malalim na pag-iisip dahil sa napakapamilyar na boses na iyon.

Napakurap ako at nagtatakang nilingon siya. Nakatayo siya sa tabi ko at nakangiti habang nakahawak ang isang kamay sa balikat ko. Napatitig ako sa namumutla niyang mukha, sa mapungay niyang mata at sa matamlay na ngiti sa labi niya.

There's something wrong...

"Ms. Fuentes?" pagtawag ni Sir.

Napaayos naman siya ng tayo at bumaling sa harap. "Yes, Sir." sinipat niya ako at muling ngumiti. "Get up. Its our turn. Let's go."

Nauna siyang maglakad patungo sa harap kaya wala naman akong nagawa kundi ang tumayo nalang at mapasunod. Iniabot ko sa kanya ang flash drive kung saan naka-save ang file ng presentation namin. Siya na din kumalikot sa laptop nito kahit na pana'y ang hikab niya.

Inis akong napatingin sa mga kaklase namin na nakatitig sa aming dalawa, particular sa akin na may pagtataka at gulat sa mukha. Liban nalang kay Sanchez na nakabusangot sa gilid. Napaikot nalang ako ng mata at pumwesto sa harap ng laptop noong magsimula na siya.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now