Chapter Nineteen

335 35 3
                                    

KENNETH

"Dela Riva, patulong naman!" sigaw ni Gerald mula sa kabilang dulo ng classroom. May hawak siyang martilyo at pako saka tinuro ang taas ng white board. "Di ko maabot. Pasuyo ako!"

Why the hell does it need to be me?

"Kilos na, nag-aantay siya." sita naman ng katabi ko na naggugupit ng construction paper.

Napasimagot ako at nagdadabog na tumayo. Iniwan ko siya roon at nilapitan si Gerald na todo ngiti habang nag-aantay. Kasama niya sina Mathew, Harold, Mike at yung si Sanchez.

Heh, I'm proud of myseld. I already knew their names.

And I'm proud of myself dahil tumutulong ako sa gawaing ito na di ko alam kung para saan. Di ko din alam kung bakit ba ako tumutulong sa kanila. Basta bigla nalang nila akong inutusan ng inutusan at ako naman tong walang ibang magawa kundi ang sumunod. Since walang pasok eh di ko magawang makatulog. Napakaingay din na umaabot sa rooftop kaya di ako makatambay roon.

"Hey, hey, look her!" napalingon ako sa sigaw na iyon at ikinagulat ko ng akbayan ako ng Mathew at magsilapit din ang apat. "Say, cheese!!"

Hey, wait--No--

"Cheese!!"

Tsk. Seriously!?

Ni di man kang nagtanoong kung gusto ko ba sumali sa group photo na iyon. Aba, syempre di ako papayag. Pagtripan pa nila yang mg alitratong iyan eh.

Matapos ang pinagawa sa akin ni Gerald ay bumalik ako sa pwesto ko sa tapat ni Almira na busy pa din sa paggugupit ng construction paper para sa malalaking letters. Nakasimangot akong napatitug sa ginagawa niya habang siya naman ay ngingiti-ngiti pa.

"Finally getting along with them?"

Was that even getting along? I was just forced to get along.

"You did not tried killing them."

Why make it sound like I'm a murderer?

Tumawa siya. "You're a walking grenade. If ever you blow up, you're going to kill them."

How about I start from killing you?

"How was your wounds?"

Napahawak naman ako sa pisngi ko kung saan may gauge patch pa dahil sa sugat na natamo ko noong nakaraang araw. Napagalitan pa ako ni Papa ng makita ang mga pasa ko pagkauwi ko, kesyo daw nakikipag away na naman daw ako.

Para namang ginusto ko yun.

Hinayaan ko nalang siya na dumaldal muli sa harap ko habang tinatapos ang pag-cut sa mga letters na iniutos ni Maddie sa kanya. Ako naman ay tumatayo paminsan-minsan kapag nahahagip ng mata nina Gerald oara utusan. Nautusan din ako ni Alex na ibili siya ng snack dahil gutom na daw siya at kailangan niyang uminom ng gamot. Gusto ko nga sanang sapakin pero tinakbuhan lang ako.

Pana'y din ang utos ni Maddie na kumuha ng mga box sa basement at dalhin rito sa clasaroom. Dahil sa ginagawa niya ay pati iba kong kaklase ay ginawa na din akong utusan. Maski itong si Almira ay pinagtripan na din ako sa kakautos. Tatawa-tawa pa siya kapag sinasamaan ko ng tingin.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now