Chapter Five

423 36 1
                                    

ALMIRA

KALAGITNAAN ng discussion ni Ma'am ng may biglang kumatok sa pinto. Lumapit roon si Ma'am at pinagbuksan iyon. Nakaabang naman ang isang babae na mahaba ang buhok na may pagkabalisa ang mukha. Nag-usap sila ni Ma'am, at dahil nga nasa pinakalikod ako ay di ko marinig ang pinag-uusapan nila. Di rin naman ako marunong magbasa ng galaw ng labi ng mga tao.

Oo, nababasa ko kung ano ang iniisip nila batay lamang sa expression na pinapakita nila. Pero hanggang doon lamang iyon. Minsan nga nahihirapan pa akong gawin iyon. But there's a certain person who I can easily read like an open book.

And speaking of that person~

Napatingin ako sa upuan sa tabi ko. Wala ngayon si Kenneth. Hindi siya pumasok ngayong umaga. Di ko din siya nakita na pumasok ng gate at maski yung bike niya ay wala din doon sa parking lot. Pangalawang subject palang pero wala pa din siya.

Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?

Bumalik si Ma'am sa harap at naiiling na binuksan muli ang textbook na inilapag niya kanina. Nagsimula siyang magsulat sa blackboard na kinopya naman namin hanggang sa mag-start ulit siya sa discussion niya. Pero pansin ko na paminsan-minsan ay sumisiplat siya rito sa likod lalo na sa upuan sa tabi ko.

May nangyari kaya sa kumag na iyon na ma-attitude?

Natapos ang klase ni Ma'am at bago pa siya makalabas ng classroom ay linapitan ko na agad siya.

"Ah..Ma'am?" Pagtawag ko noong nasa may pinto na siya. Lumingon naman siya at ngumiti.

"May kailangan ka, Ms. Fuentes?" Saad naman nito at binuksan ang pinto.

"Napansin ko po kanina na panay ang sipat niyo sa upuan ni Kenneth.." Pagpapaalam ko. Nawala ang matamis na ngiti sa labi niya at napalitan ito ng isang mapait na ngiti. May nangyari nga ata. "May problema po ba?"

"Ah.. Wala naman." Mahinang sagot niya. "May kinasangkutan lang na away si Dela Riva." Nangunot ang noo ko. "Pero sabi naman ay okay na ang lahat. Nasa infirmary siya ngayon kung gusto mong makita ang lagay niya."

Tumango lang ako kaya lumabas naman na siya. Bumalik naman ako sa upuan ko at naghalumbaba. Kinasangkutan na away? Umagang-umaga nakipag-away ang kumag na iyon?

"Uy!" Biglang sita ni Alex sa akin. Ang lapad pa ng ngiti na tila sa nang-aasar. "Ang tahimik mo ah! Anong problema?"

Nailing ako at nagbuntong-hininga sabay tingin muli sa labas ng bintana. Nakita ko namang bahagya umupo siyang naupo sa desk ni Kenneth sabay ngisi. Tinitigan ko lang siya.

"Let me guess! Malungkot ka kasi wala si Kenneth, noh?" Kunot-noo akong mapaayos ng tayo at nagtataka siyang tiningnan pero tumawa lang ito. "Yiee! Wag mong sabihing inlove ka na sa lalaking iyon?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Eh! Wag ka na mag-deny! May pasubo ka pa at hati ng pagkain noong isang araw! Binilhan mo pa siya ng inumin!" Dinuro niya pa ako pero ang lapad pa din ng ngiti niya.

"Walang ibig sabihin iyon. Tsaka, hindi ba't gusto mo yun? Ba't ako tinuturo mo?" Pagpapaliwanag ko. Tsaka, ang sama ng ugali ng lalaking iyon kaya pano ko yun magugustuhan? Hello, attitude ng kumag na iyon.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now