Chapter Three

416 40 3
                                    

ALMIRA

ISANG LINGGO na. Isang linggo na mula ng lumipat ako sa school na ito. Sa loob ng isang linggo na iyon ay naging maayos naman ang bawat araw ko. Nagkaroon din naman ako ng matatawag kong kaibigan which is sina Alex, Maddie, Harold, Gerald at Matthew na madalas kong nakakasama kapag nagpapasya akong kumain sa cafeteria.

Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil makukulit ang mga ito, di ka mabo-bore pagkasama mo sila. Lalo na kapag kasama si Alex at Gerald na laging pasimuno ng kalokohan. Si Maddie naman ang madalas mairita at mangbara kay Gerald. Si Harold at Matthew naman ang nagsisilbing suporter na di malaman kung kanino ang side.

And speaking of friends, di ko alam kung masasama ba sa category na iyon si Kenneth Dela Riva. That seemingly mute guy who isolates himself all the time and I always found him at the rooftop staring vacantly at the horizon. Bukod kasi sa laging nakakunot ang noo nito at tila mananakit bigla-bigla, hanggang ngayon di pa din iyon nagsasalita at laging walang pakialam sa klase.

Ni minsan din di ko pa siya nakita na dumaan sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pagnakikita ko naman siya sa rooftop ay Gatorade ang hawak o kaya mineral water lamang. Pero kahit naman nakakatakot ang dating niya feeling ko naman mabait siyang tao.

Dahil sa totoo lang, di ko na kailangang magsabi ng kung anu-ano paglumalapit ako sa kanya. Bubuntong-hininga nalang ito at mauupo sa sahig. Ako naman ay tatabi sa kanya with a smile at ilalapag ang aking lunch box para pagsaluhan namin. At sinadya ko talagang padamihan kay ate ang baon ko.

"Mr. Dela Riva?" Pambasag ni Ma'am sa pag-iisip ko. Kasalukuyan niyang i-na-announce ang mga score sa kakatapos palang na quiz.

Napatingin naman ako sa katabi ko na gaya ng dati ay wala pa ding imik at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Muling inulit ni Ma'am ang pagtawag sa kanya pero di pa din umimik itong si Kenneth kaya wala akong nagawa kundi ang tapikin siya sa balikat. Nakuha ko naman ang atensiyon niya kaya itinuro ko ang harapan.

Tiningnan niya si Ma'am ng nakahalumbaba. Akala ko naman ay pagagalitan na talaga siya pero nagtaka ako ng sumilay ang ngiti sa labi ng aming teacher.

"Very good. You got a perfect score." Napahalumbaba nalang ako at pinakinggan ang mga naging bulungan ng mga kaklase ko. Si Kenneth naman ay tila walang pakialam dahil tumingin lang sa labas ng bintana.

"Ang talino talaga niya, noh? Kahit di makinig ay matatas pa din ang mga score niya."

"Oo nga. Di lang iyon, ang gwapo pa niya. Kahit pa napakailap niya ay nakadagdag lang ito sa aura niya."

"Girl, matalino, gwapo at mayaman din. San ka pa?"

"Kung di lang ako natatakot sa kanya baka ako na mismo ang nanligaw sa kanya, hahaha!"

"Maiinggit siguro ang lahat kung magiging boyfriend ko si Kenneth."

Napaikot naman ako ng mata dahil sa mga bulungan nila. What they say were just mere attraction. Or was it, infatuation? Iniisip lang naman nila ang mga bagay na makaka-benefit sa sarili nila. Popularity, envy and fame. They'll use other people just to get to the top and get the attention they are wanting.

Binalingan ko ulit ng tingin si Kenneth at ikinagulat ko ng mataong nakatingin siya sa akin. Nagtatakang tiningnan ko siya pero di naman siya nagsalita. Ibinuka lang niya ang bibig at agad din niya iyong tinikom sabay tanggal ng kanyang salamin at tungo sa desk.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now