Chapter Nine

335 39 1
                                    

ALMIRA

DI KO ALAM kung saan nagpunta ang lalaking iyon na bigla nalang talaga nawala. Ang ginawa ko nalang ay naglakad-lakad habang nagpapalinga-linga para mahanap ang isang yun. Grabe, ni di man lang ako tinapik para sabihing aalis na siya. Tsaka, ang bilis naman niyang kumilos, ilang segundo lang ako nalingat sa cellphone ko eh nawala na agad siya.

"Ang galing naman niya.."

"Grabe, walang mintis!"

"Sino kaya siya? Ang gwapo naman!"

"Tsk. Ang angas naman tingnan ng isang yan! Pabida!"

"Malabo ba mata niya o pang-fashion niya lang ang salamin?"

"Ang gwapo naman niya para maging nerd."

Yan ang ilan sa mga bulungan ng mga tao na narinig ko ng mapadaan ako sa isang game station. Kumpulan din ang mga tao at mukhang nag-e-enjoy sa ano mang pinapanood nila. Mostly mga babae yung puri ng puri tas yung mga lalaki naman ay naaasar na nakatitig.

Napaisip naman ako.

Kung sakali mang magpalipas ng oras si Kenneth, saan kaya siya pupunta? Wait~ ano nga ba mga habit niya? Like, hobbies? O kaya sports man lang?

Di ko alam.

"Urgh! San ba kasi ang kumag na iyon--aray!" sigaw ko ng may matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

Lumingon ako sa likod ko kung saan ito nanggaling at doon nakita ang isang lalaki na papalapit sa akin. May hila-hila pa siyang batang babae na nagmamaktol. Hinanap ko naman ang matigas na bagay na iyon at napagtantong sapatos ito. Mukhang nagalit ang bata at naibato ang sariling sapatos. Malas nga lang at sa akin tumama.

"Ayos ka lang ba? Pasensiya na, ha." nag-aalalang tanong nung lalaki sabay pulot sa sapatos. "Yan, nakasakit ka na! Sabing mag-antay eh!" bulyaw niya sa bata.

"Ayos lang. Wag mo na pagalitan ang bata." sabi ko nalang.

Nagbuntong-hininga ito bago ngumiti ng balingan ako. "Its a coincidence running into you, Ms. Fuentes!"

"Ah?" nakangiwing turan ko at pinaningkitan siya ng mata. Kilala ako nito? And worst, he addressed me by my surname.

"Ah..hahaha!" tawa niya na ikinataas ng kilay ko. May nakakatawa ba? "Mukhang di mo ko makilala ah! Yan ba epekto ng laging si Dela Riva ang kausap mo?"

"Huh?" Okay, mababaliw ako sa isang to. Ano ba pinagsasabi nito? At.. "FYI, di ko laging kausap si Kenneth dahil di naman yun nagsasalita. Beside, sino ka ba?"

Lumapad lang ang ngiti niya. "First name basis, huh? So the rumors that the two of you is dating was true?"

Wait! Wait! Wait!

"Dating!? Kenneth and me are dating!?" gulat na tanong ko. Itinuro ko pa ang sarili ko at mas nilapitan pa siya.

Seriously? Me and that mute guy!? For Pete's Sake that guy has a girlfriend!

"Oh, ba't gulat na gulat ka pa?" tumawa siyang muli. "Sige, aalis na ako. Naaabala ko na ata date niyo eh."

"Teka, teka, teka!" habol ko tas hinila ko pa ang braso niya. Para naman siyang napaso sa ginawa ko na mabilis kinalas ang pagkakahawal ko.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now