Chapter Thirteen

362 42 3
                                    

ALMIRA

Its not that I don't appreciate getting admirers and the likes. In fact, I've always wanted to feel that kind of secret romance since then. Every girls want to experience something like that especially on their high school days. And I'm not different. Just your typical high school girl.

Pero kung araw araw ka lang din naman nakakatanggap ng mga bagay-bagay mula sa taong iyon, kahit saan ka magpunta ay may bagay na iniwan para sayo at kilala mo ang taong iyon. It's started to feel really creepy. Especially when you hate that person a lot.

"Yo, Almira! Good morning!"

Ghad, he's a mood destroyer.

"Walang good sa morning." pagtataray ko at nilagpasan na siya. Nakaharang kasi siya sa daan eh ilang minuto nalang start na ng klase.

"Meron, kapag nakikita kita." banat niya na sinabayan ng pagkindat.

Pwede ko bang suntukin ang isang toh? Nakakasuka't ang baduy ng banat niya.

"Alam mo--" hinawakan niya ang braso ko tas inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nailang naman ako kaya inilayo ko ang sarili ko pero di naman niya ako binitawan. "Pwede ba, bitawan mo ako? Umagang-umaga panira ka ng mood eh."

"Mas maganda ka kapag naaasar."

Seriously, can anyone get this idiot away from me!?

"You know--" nagulat ako ng may kamay na biglang tumulak kay Sanchez kaya napabitaw ito sa akin. Sa lakas din niyon ay napasandal siya sa may pader.

"Hey, watch it!" Singhal niya sa isa pero tulad ng dati ay di naman siya nito pinansin bagkus ay binuksan lang nito ang pinto. "The fuck, Dela Riva!? What is wrong with you!?"

Nagtatakang tiningnan ko naman itong si Dela Riva. Binalingan niya ako tas sinamaan ba naman ako ng tingin?
"Get a room, brat. Don't block the way."

"This is my classroom." inis kong sabi na ikinaikot ng kanyang mata saka tumuloy sa loob.

Naiiling na sumunod naman ako at dumiretso sa upuan ko. Siya naman ay naupo sa kanyang desk habang nakaharap ng bintana at nagsuot ng headset. Nagsimula ding mag-tap ang daliri niya sa mesa.

I wonder if he is listening to a piano sound..

Napabuntong-hininga nalang ako at naghalumbaba. Inantay na dumating ang iba pa naming kaklase pati na si Ma'am para makapagsimula na sa lesson. Di ko naman kasi makakausap sina Gerald ng ganitong oras dahil nagsisidatingan ang mga iyon last minute na.

Pumikit ako ng ilang segundo at napamulat din pagkaraan ng nay maramdaman akong bagay na inilapag sa mesa ko. Nakita ko ang papalayong si Sanchez kaya napaikot ako ng mata bago sipatin ang bagay sa lamesa.

Seryoso? Patay na ba ako para lagi niyang bigyan ng bulaklak?

Sisigaw na dapat ako pero napalingon ako sa katabi ko ng bigla itong bumahing. Sakto namang nagpupunas na siya ng ilong na bahagya ng namumula. Then bumahing ulit siya at saka lang kumunot ang noo niya. Tapos muli na naman siyang bumahing.

Napangiti naman ako.

That was kinda cute.

Rooftop Rendezvous (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon