Chapter Twenty-one

352 36 2
                                    

KENNETH

"Sigurado ka bang papasok ka?" nag-aalalang tanong ni Kim pagkababa ko ng sala na suot ang aking school uniform. "Sabi ni Papa na wag ka na pumasok since nakausap naman na niya ang school. Mas maiging dito ka nalang para naman--"

Tinikom naman niya ang bibig niya ng samaan ko siya ng tingin at singhalan. Napayuko pa ito at napabuntong-hininga. Naiiling nalumabas naman ako ng bahay at inilabas ang bike ko saka ito sinakyan patungo ng campus. Nanghihina man ang buong katawan ko dahil sa kakalabas ko palang ng ospital, kailangan ko pa ding pumasok.

Halos isang linggo din akong nakaratay matapos akong mawalan ng malay pagkauwi ko noong nakaraang linggo. Sumuka ako ng dugo, lalong nanlabo ang paningin ko at nangati ang lalamunan ko. Ang hirap din huminga at pakiramdam ko talaga ay bibigay na ang katawan ko.

My condition has worsened for the past few weeks since I stopped my medication. And my time is getting shorter and shorter, too.

I should be staying at home already, spending this with my family. But no, I'm going to school. I'm going to see that annoying girl. And that annoying smile of her.

Its been a week since I last saw her. Since I saw that smile of hers. And yeah, I've been missing that. Her company and eating lunch with her.

I felt really bad few days ago when I found myself bedridden, because I was supposed to eat with her, and I promised to meet her there after the school event.

Pagka-iwan ko ng bike ko sa parking area ay dumiretso ako sa classroom. Feeling kind of giddy all of a sudden. This is the first time I felt excited coming to this school. And its all because of her.

Not that I'm complaining.

"Yo, Kenneth!" boses ni Gerald ang sumulubong sa akin pagkabukas ko palang ng pinto. Napatigil din ang mga kaklase ko sa daldalan at tila nakakita ng multo sa kaanyuan ko.

Napaikot ako ng mata at napabuntong-hininga ng lumapit ito sa akin at marahan akong sinuntok sa may balikat. Tatawa-tawa pa ito sa ginawa. Di ko nalang pinansin at iginala ko nalang ang paningin ko sa buong klase.

She's not here?

"Looking for someone?" nakangising tanong niya pero di ko nalang siya pinansin at tinungo ko nlanag ang upuan ko.

Maybe she's just kind of late.

Pero nagkamali ako. Kasi nagsimula na ang first period ay di pa din siya dumadating. Napansin ko din na mukhang di naman napansin ni Sir Allan na wala ang katabi ko, pero nagulat siya ng makita ako na pumasok.

Everyone is expecting that I'm not coming to school anymore.

Tinamad man ako sa klase ay mas pinili ko nalamg na manatili para antayin siya. Pero ipinagtaka ko na ng di talaga siya sumulpot hanggang sa matapos ang lahat ng klase sa pang-umaga. Lumabas ako ng classroom at nagtungo agad sa itaas para doon nalang siya antayin, baka naman kasi ngayong lunch pa ang dating niya gaya dati. Alam naman niya na andito ako kung sakaling pumasok man siya.

Pagbukas ng pinto, ay di ko alam kung ano ang ini-expect ko. Pero, it felt bad that it was not her but the other eight. Nagtatawanan itong nagsiupo sa harap ko at nagsilabas ng kanilang mga baunan. Ayuko sanang sumabay kumain dahil wala pa naman ang madalas kung kasabay pero since andito na din ako, wala na akong nagawa.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now