Chapter Eight

311 35 1
                                    

ALMIRA

DI KO ALAM pero parang gustong umatras ng mga binti ko at kumaripas ng takbo pabalik ng gate ng village namin. Kung alam ko lang na mangyayari to edi sana di na ako pumayag pa sa kalokohan na to ni Gerald. Ba't nga ba ako napapayag?

Ah.. That damn puppy eyes!

"So, let's go?" Masiglang wika ni Kim sabay kapit sa braso ni Kenneth na nakatitig lang sa ibang direksiyon.

Yup! Andito silang dalawa! Si Kenneth at Kim! Sa tapat ng gate ng village namin! Kasama si Gerald! Ba't ba magkasama sila!?

"Ah..hehe~~" pinandilatan ko siya. May gana pa siyang tumawa diyan ah. "Nakasalubong ko sila kanina at nalaman nila na may date--I mean lakad tayo kaya sasabay daw sila."

Seryoso ba siya!?

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Kim pero nag-wink lang ito sabay hila kay Kenneth patungo sa gilid ng kalsada. Sinamaan ko ng tingin si Gerald na awkward na ngumiti at sumunod sa dalawa. Wala naman akong nagawa kundi ang mapasunod nalang sa kanila.

Andito naman na tayo eh gawin na din to. Mali naman kasi na mag-back out kapag naka-oo ka na. At ayuko ding di tumutupad sa pangako. Kahit pa gaano ito na nakakaasar.

Sumakay kami sa kotse na dala ni Kenneth. Ang yaman ng lalaking to eh, Lamborghini, kuya!

Since kotse naman niya ay siya na nagmaneho, sa tabi niya si Kim at sa likod naman kaming dalawa ni Gerald. Siniguro kong malayo ang distansiya ko sa kanya dahil baka masapak ko siya bago matapos tong araw na ito.

"So, what are you gonna do on your date?" Pagbubukas usapan ni Kim saka humarap sa amin. Napatingin naman ako kay Gerald.

"We aren't going on--" sagot ko dapat pero tinakpan ni Gerald ang bibig ko bago ko pa matapos ng sinasabi ko.

"Well! Since my date is not in a mood right now, why don't you lead the day?" Nagmamadali niyang sbi sabay ngiti. Sa inis ko naman ay siniko ko siya at sinapak.

"I told you it's not--" napatigil akong muli ng bigla nalang niyang inilapit ng mukha niya sa akin. As in super lapit na halos maduling n ako.

"Sumakay ka nalang. May gusto lang akong kumpirmahin. Beside, para din sayo to." Pagbulong niya na ipinagtaka ko naman.

Para sa akin? At kailan pa naging oara sa akin ang lakad na ito? Hindi ba't gusto niya kang magpasama sa pagbili ng regalo? Kaya bakit nasabi niya na para sa akin!?

"Malay mo, bago matapos ang araw na ito ay ma-realize mo na may gusto ka nga kay Kenneth." Sabi niya na sinabayan pa ng pagkindat. Nangunot ang noo ko at itinulak siya palayo pero di naman siya gumalaw.

"Lumayo ka nga--ah!" Pagsigaw ko ng biglang tumigil ang sasakyan kaya nasubsob ako sa sandalan ng inuupuan no Kim. Si Gerald naman ay nahulog talag sa inuupuan. "What was that? That was reckless!"

"Aww.." Pagdaing ni Gerald na nasiksik sa makipot na space sa may ibaba. "Dahan-dahan naman sa pagmamaneho.."

Umayos ako ng upo at tiningnan siya pero ikinagulat ko ng sumalunong sa akin ang masama niyang tingin. Nakalingon pa talaga siya at nkatitig sa akin na para bang may ginawa akong masama o ginawa na di niya nagustuhan.Maski ako ay napakunot-noo na din.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now