Chapter Six

396 39 4
                                    

ALMIRA

THERE are few things I observe about him in the past few days.

First; he doesn't talk. Thats the obvious one.

Second; he isolates himself and act as if he doesn't exist. And another obvious one.

Third; he likes to skip class and sleeps the hours when inside the classroom. Most of the time.

Fourt; he is feared. Yup, that mute guy is feared by most of the students in this school.

Fifth; he is popular among girls deapite being so quiet and quite scary. Also popular among boys, but all of them despise him that most of the time it ended in physical pain.

Sixth; arrogant and so sure of himself as though the world would bow and hang their heads low when he pass by. He walk in the hall of the campus as their undisputed king, cooly aloof and indifference to everyone. He moves in his own pace. Everyone calls him as the Aloof Delinquent.

That's just my observation about him. But, I know that there is more to him than what I can see. More than meets the eye.

Naputol ang malalim kong pag-iisip ng marinig ang malakas na kalampag sa likod ko lamang. Paglingon ko naman ay nakita ko na nakatayo si Kenneth dala ang kanyang bag at isa sa mga kaklase namin na babae ay nasa sahig, nakaupo. Mukhang nagkabanggan ito at nabitawan niya ang ilang gamit na dala niya.

"Sorry.." Mahinang wika ng babae at mabilis na pinulot ang kalat sa sahig. Wala namang imik si Kenneth, iniwan niya lang ang babae saka pabagsak na naupo sa kanyang upuan.

Saglit ko lang siyang pinagmasdan pero napaiwas din ako ng balingan niya ako ng tingin. Naghalumbaba nalang ako at itinuon kay Gerald ang atensiyon ko. Kasalukuyan siyang nagpapakita ng magic trick sa apat pero mukhang ang tatlo lang ang natutuwa dahil nakasimangot si Maddie.

Napatingin din ako sa relo ko. Ilang minuto nalang lunch break na. Maaga kasi nag-dismiss si Ma'am pero di kami pinayagang umalis hangga't di tumutunog ang bell.

Sa totoo lang, gusto ko na talagang pumuntang rooftop para makakain at makatulog na din. Di kasi ako nakatulog kagabi dahil ayaw mawala sa isip ko ang isang bagay. Kung ano yun? Akin nalang iyon.

"Kenneth!" Lahat kami ay napalingon sa pagpalahaw na iyon mula sa pinto. Nakatayo roon ang ngiting-ngiti na si Kim at kumakaway pa. "Let's go to the cafeteria! Hurry!"

Sinipat ko naman ang isa sa tabi ko. Unlike sa dati, hindi siya nakakunot bagkus ay blangko lang ang expression niya habang nakatitig kay Kim. Pero pagdaan ng ilang segundo ay nagbuntong-hininga ito saka tumayo. Bago pa man siya tuluyang umalis ay muli niya akong siniplatan. Nagtatakang tiningnan ko siya pero nakatitig lang talaga siya.

"May..dumi ba sa mukha ko?" Pagtatanong ko. Kinapa ko na din ang mukha ko at inilabas ang cellphone ko. Pero bago ko pa man masipat ang mukha ko ay umalis na siya at walang lingong-likod na lumabas kasabay si Kim.

Problema ng kumag na iyon?

And Seven; Kenneth Dela Riva has a beautiful girlfriend named Kim.

Napabuga ako ng hangin at nakasimangot na tumitig sa labas ng bintana. I didn't understand that stare he gave me.

Usually, isang tingin lang niya o kunting pagbabago lang sa expression niya ay nahuhulaan ko na agad ang iniisip niya o kung ano man ang gusto niyang sabihin na di niya magawang ilabas sa bibig niya. But that stare..that was something.

Rooftop Rendezvous (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora