Chapter Seven

399 41 4
                                    

ALMIRA

WALA kaming klase ngayon sa dalawang subject kaya tumambay nalang muna ako ng library para magbasa ng kung ano mang matitipuhan ko. Di naman kasi ako mahilig sa libro kaya kung ano lang ang maganda yun nalang pagtityagaan ko. Wala din naman akong ibang magagawa. At wala din akong mapupuntahan.

Sa rooftop? Nah, wag nalang baka andun din si Kenneth, di pa naman yun nagpakita sa classroom. At the same time baka andun din si Kim. Tsaka iwas issue na din kung andun man si Kenneth. Baka mamaya kung ano-ano na namang kwento ang kumalat sa section namin.

Umikot ulit ako sa isa pang ahelf para maghanap ng mababasa pero pagpasok ko sa isang isle ay napatigil ako at napakurap ng ilang beses.

Nakaupo siya sa sahig at bahagyang nakasandal sa shelf sa likod niya. May hawak din siyang libro at doon nakatuon ang kanyang atensiyon. May bote din ng Gatorade sa tabi niya at ilan pang libro.

Di ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

You really like him.

Kasalanan to ng mga iyon eh! They are putting nonsense into my mind!

Nagpakawala ako hininga at napahawak sa dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin sabay lunok ng laway. Marahan kong inihakbang ang paa ko paatras para makaalis roon.

Nagtago muna ako sa kabilang shelf at pinakiramdam ang sarili ko. Dahil sa mga pinagsasabi ng mga iyon ay di na tuloy mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Kainis!

Ahh! Ba't ang init ng mukha ko!?

Kasalanan talaga nila to eh! Sasapakn ko ang nga iyon pagnakita ko. Pati si Maddie na nakisali at si Alex na di mo malaman kung totoo bang may gusto kay Kenneth. May nalalaman pang #AlKen at #KenMira. Tsk. Di naman nakakatawa yun.

"Andito ka lang pala!" Napaigtad ako sa boses na iyon kaya napaayos ako ng tayo. Mukhang andito na naman si Kim.

Aalis nalang ako dahil ayukong makita ang babaeng iyon. Nakakaasar kasi ang mga tingin niya sa akin eh. Di ko talaga gusto kong paano niya ipakita ang pagiging girlfriend niya.

Tsk. Di daw selosa ah? Ha! Mukha niya!

Nawalan na din ako ng gana na manatili rito at magbasa ng libro kaya nagpasya nalang akong umalis. Sa rooftop nalang ako since andito naman silang dalawa. At least doon solo ko ang buong lugar at makakapagpahangin ako na walang marumining hangin.

Humakbang na ako paalis sa isle na pinagtataguan ko at handa ng umalis pero sa kamalas-malasan naman ay may kung sinong bumangga sa akin. Sa lakas ng impact nito ay napahiga pa ako sa sahig at di sinasadyang nahila ko ang damit niya pagbagsak ko kaya pareho kaming sumalampak sa sahig.

"What the--Gerald!?" Bulalas ko ng tuluyang makita ang pagmumukha niya. Ngumiti siya.

"Yo! Good morning, Mira!" Masiglang bati niya pero inirapan ko lang siya. How dare he call me by my nickname?

"Walang good sa morning." Pagtataray ko at itinulak ang mukha niyang napakalapit. "Tsaka lumayo ka na nga, nakadagan ka kaya."

"Hey, you guys get some room!" Napalingon naman kami sa kaliwa dahil sa nang-aasar na boses na iyon.

Oh my God! I hate this day!

Rooftop Rendezvous (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя