Chapter Twenty

345 40 3
                                    

KENNETH

Tinitigan ko lang siya. Kunot na kunot ang noo niya at nakasimangot siya. Hindi rin niya ako matingnan sa mata mula kanina pagkadating niya. Hindi pa din siya nagsalita mula kanina. Hindi rin siya nagreklamo o pumalag man lang ng pisilin ko ang mga pisngi niya.

Mukhang galit nga talaga soya.

Well, di ko naman kasalanan kung bakit nangyari ito. Sadyang nakkairita lang talaga ang lalaking iyon kaya nasuntok ko ng wala sa oras. Pero di ko naman ginustong makipag-away.

Napadaing ako ng dumampi sa sugat sa pisngi ko ang bulak na may disinfectant. Hinawakan ko pa ang pulsuhan niya para pigilan siya pero imbes na magsalita siya ay sinamaan lang ako ng tingin at binawi ang kanyang kamay. Muli akong napadaing ng madiin niyang oinunas ang bulak sa sugat.

Sadist.

Inabot ko ang bag ko at binuksan ito. Kinuha ko ang isang notebook pati na ballpen saka roon nagsulat habang siya ay patuloy sa paggamot sa sugat at galos ko sa mukha.

ARE YOU MAD?

"No." tipid na sagot niya na di man lang ako sinipat.

YOU'RE MAD.

"I'm not." muling sabi niya saka marahas na idinikit sa sugat sa pisngi ko ang isang gauge patch.

STOP LYING. CLEARLY, YOU ARE MAD.

"I'm not mad. I'm pissed. There's a big difference." kahit puno ng pagkairita ang tinig niya ay napangiti pa din ako. At least kahit ganoon ay kinakausap na niya ako.

SO, WHY ARE YOU PISSED? DAHIL INISTORBO KO ANG PAKIKIPAG-USAP MO SA LALAKING IYON?

Mukha kasi siyang masaya at nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa lalaking iyon bago ko suntukin. Nairita ako sa pagmumukha, eh.

"Yes." madiin niyang sagot at muking idinikit ang isa pang gauge patch sa may panga ko. "Bakit ba kasi bigla ka nalang nanununtok? Muntikan mo pang masira ang mga decorations sa booth."

BECAUSE THAT GUY HAD BEEN STARING AT YOU LIKE A PERVERT. HE'D BEEN TRYING TO GROPE YOU.

"Eh, what?" pagulat na sabi niya sabay tigil sa ginagawa. Seryoso ba siya? Di man lang niya napansin ang paraan ng paghawak nito sa braso niya at sa buhok niya?

Naiiling na napabuntong-hininga nalang ako at kinurot siya. Sumimangot naman ito bago lumayo at ligpitin ang first aid kit na nakuha ata niya sa infirmary. Tumanggi kasi ako na pumunta roon dahil raratratin na naman ako ng tita kong nurse roon dahil sa ginawa ko. Kaya siya na mismo nagsabi na siya nalang gagawa since napaka-arte ko daw.

"Pangalawang away mo na ito sa linggong ito." komento niya pagkaraan matapos maiayos ang mga ginamit niya. "Sana naman wag mo sirain ang araw na ito. Di talaga kita mapapatawad."

Empty threats. Nice try.

ARE WE GOOD?

"I don't know." napataas kilay naman ako sa sinagot niya.

Pano ba naman, eh, nakangiti ito na parang nang-aasar pero di ko mabasa sa mukha niya na nanloloko lang siya. Hindi rin siya naupo sa tabi ko bagkus ay tumayo lang at dinampot ang kanyang bag.

Rooftop Rendezvous (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon