Chapter Four

438 42 4
                                    

KENNETH

"MS. FUENTES will not be joining the class today because of personal matters." Pambungad ni Sir pagpasok palang ng classroom sa umagang iyon.

Nakahalumbaba akong napatingin sa upuan sa tabi ko kung saan nakaupo ang makulit at nakakairitang babaeng iyon. That girl who pulled that prank on hes day of transfer. She has guts to do so.

"Ano kayang nangyari kay Almira?" Dinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko. Kung di ako nagkakamali, ito yung lalaking nanghawak sa balikat ko noong nakaraan.

Almira? So that annoying girl's name was Almira, huh?

"Baka naman may importante lang siyang gagawin. Maybe some family matters." Halos kibit balikat na sagot ng katabi niyang lalaki.

"Sayang, edi sana ay hiningi ko na ang number niya para nakapagtanong ako." Disappointed na tugon naman ng isa na may pag-iling pa.

Napabuntong-hininga ako at itinuon sa labas ng bintana ang atensiyon. The same green and blue scenery is what I saw just like every other day. But, this picture of calmness didn't fail to amaze me at the same time to comfort me.

Watching such picture was also watching the students roam around this campus. Or even overheard their chatters like normal teenagers do.

Napatungo ako sa desk ko sabay pikit at hinayaang dalhin ng hangin ang diwa ko. Pero para namang may kung anong pumipigil sa utak ko na maglakbay sa sarili kong mundo. May kung ano imahe na di mawala sa isip ko na nakakapagpabagabag sa akin sa sandalin ito. Di ko alam kung bakit.

Umayos ako ng upo at muling sinipat ang bakanteng upuan sa tabi ko. Wala ngayon ang makulit na babaeng iyon kaya walang manggugulo sa akin sa araw na ito. Walang babaeng maninigaw ng biglaan sa tenga ko o mamimilit sa akin na kumain kasabay siya sa rooftop. So, it means, today is peace for me. Makakatulog ako roon ng maayos.

Kinuha ko ang bag ko sabay tayo at tungo sa pintuan. Natigil man saglit sa pagsasalita si Ma'am sa harap ay di ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at lumabas na ako. Di ko na kailangang magpaalam pa sa kanya dahil alam kong alam naman niya ang ibig sabihin ng pag-alis ko. Tsaka kahit naman magtanong siya ay wala naman siyang makukuhang sagot sa akin.

Hindi ko na sasayangin ang laway ko para magpaliwanag sa mga taong di makaintindi kahit simpleng tingin lang. Not to be rude, but people sometimes are stupid. They don't understand a person unless you verbally told them what you think. And sometimes, even if you told them everything, not everyone will understand it.

I choose to isolate myself from everyone. And its my own will to do so. Meddling with other people was something I avoid a lot. Because I believe in the saying: "Do not cause trouble for anyone"

Tsaka, kahit naman ganito ako na laging lumilipad ang diwa, aware pa din ako sa mga tao sa paligid ko. At aware ako sa mga pinagsasabi ng mga taong nakakasalubong ko. Madalas nga harap-harapan nila akong pag-usapan eh kasi akala nila wala na naman ako sa sarili ko. Pero, madalas talagang nakikinig lang ako. Yun nga lang mas pinipili ko nalang na manahimik.

Inaamin ko na mainitin ang ulo ko. Maikli ang pasensiya at higit sa lahat bayolente. Lalo na sa mga taong nagtatangkang lumapit sa akin. Hindi ako ma-attitude na tao, ayuko lang talaga na pinapakialamanan ang mga ginagawa ko, ang mga desisyon ko. At higit sa lahat, ayuko sa taong tanong ng tanong ng mga walang kwentang bagay. This behavior was also the reason why I choose to be a loner in this campus.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now