Chapter Eighteen

323 39 1
                                    

KENNETH

pagpasok ko, napansin ko na magulo ang buong silid. Nakagilid ang mga upuan at may ilang card board box sa gitna. Labas-pasok din ang mga kaklase ko na may dala-dalang mga plastic at iba pang kagamitan. Di rin matigil sa pagsasalita ang class president na si Maddie.

Ano kayang meron ngayon?

"Kenneth!"

Ah.. Why is she calling me? Why is she approaching me?

Di ko alam pero napahakbang ako paatras ng isang beses ng tuluyan siyang makalapit sa akin. Ang lapad din ng ngiti niya kaya nailang ako at napaiwas ng tingin.

What does she need from me?

"Buti at nandito ka na." Ah, what the hell.. "Kulang tayo sa tao ngayon kaya kailangan ko ang tulong mo." napangiwi ako ng may kinuha siyang papel sa bulsa niya at iniabot ito sa akin. "We're short in supplies and materials, so if its okay, can you pick this up by the store?"

Woah, wait! She wants me to bought this things? Why me, anyway?

"We are currently preparing the class booth for the upcoming school festival next week." muli siyang ngumiti saka ako tinapik sa balikat ng dalawang beses at marahan pa akong itinulak. "Now, hurry. We need to finish everything. Good luck!"

Oh, fuck!

Nakasimangot na binuksan ko ang nakatuping papel na listahan ng pinapabili niya. May kasama na din itong pera pambayad sa mga supplies na sinasabi niya. Puro lang naman craft materials ang mga kailangan niya. Glue, glitters, cutters, construction paper, cartolina at iba pa.

May note pa sa pinakadulo nito na. "Kung magkulang ang pera, ikaw na muna bahala. Babayaran ka nalang mamaya."

Napabuntong-hininga nalang ako at umalis na din doon. Nilakad ko nalang ang pasilyo ng building at noon napansin na mas madaming estudyante ngayon sa paligid. Parang lahat sila busy sa ginagawang preparations. Wala na din akong makitang teachers na gumagala dahil siguro'y abala din sila sa sarili nilang preparations.

Napahikab ako ng nasa may hagdanan na ako. Di ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng walang kwentang bagay at the same time, di talaga ako mapakali. Ewan ko ba kung bakit.

"Whoops!" napatingin ako sa pinakaibaba ng hagdan at nakita ang isang babae na may bitbit na dalawang kahon.

Napalapit naman ako sa kanya at kinuha ang pinakaibabaw na kahon na dala niya dahil mukhang nahihirapan na siya. May kabigatan din ang kahon. Ano naman kayang laman nit--

"Oh, good morning!"

Ah, fuck! So annoying!

Napatitig naman ako sa mukha niya na napakalapad ng ngiti. May masigla din ang paraan ng pagkakabati niya. Her usual enthusiasm is back.

Hmm.. Been a while since I saw that annoying smile.

Tumango nalang ako bilang sagot at inakyat ulit ang hagdan pabalik ng second floor dahil wala namang ibang pupuntahan ang isang to. Beside, dito naman sa second floor ang classroom namin. Di ko lang alam kung bakit pinagsabay-sabay niya tong mga kahon na ito na mabibigat.

Rooftop Rendezvous (Complete)Where stories live. Discover now