Chapter Fourteen

308 40 5
                                    

ALMIRA

Napahikab ako matapos tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Isinara ko ang libro na nasa mesa ko at sinipat ang katabi ko na mahimbing ang tulog. Grabe dalawang oras talaga siyang tulog. I wonder kung di nangangalay ang braso niya sa ginagawa niya.

Napabuntong-hininga ako pagkaraan at inilagay lahat ng gamit ko sa bag.

What am I doing? I should've been avoiding him.

"Almira, sasabay ka ba ulit sa amin sa lunch?" tanong ng kakalapit pa lamang na si Alex habang dala-dala ang kanyang bag.

"Ah--"

"Almira, sabay tayo mag-lunch! My treat!" buong ngiting sigaw ni Sanchez sa kabilang dulo. "Kahit anong gusto mo, ibibigay ko!"

Napuno naman ng kantyawan ang buong silid dahil sa sinabi niya na sinabayan pa ng pagkindat. Inis na napaikot naman ako ng mata dahil doon.

Saan niya ba nakukuha ang kakapalan ng kanyang mukha? Ikina-gwapo niya ba yan?

"Can you stop trying to impress me? You look like an idiot." pangbabara ko. At kahit papano ay nagusot ang mukha niya ng sandaling iyon.

Pero saglit lang iyon dahil ngumiti din ito. "Yeah, for you I'll be an idiot."

"He's trying his best, you know." natatawang bulong ni Alex. Napaikot naman ako ng mata na lalo niyang ikinatawa bago lumayo.

Linapitan niya si Maddie saka ito hinila palabas ng classroom. Bago naman sumunod ang apat na lalaki ay pinagtripan muna nila si Sanchez na parang tangang nakatayo sa may pintuan. Akala ba niya sasabay ako sa kanya? Kapal talaga ng mukha.

"Naku, wag ka na mag-antay. Almira we'll be eating with her friend." sabi ni Gerald tsaka ako tinapunan ng makahulugang tingin.

What's this guy talking about?

"Friend? You mean, Dela Riva?" taas kilay naman nitong sagot sabay tawa pa. Napasimangot naman ako. "Seriously, what's fun eating with a guy who can't even talk? That's hella boring!"

No, he's not!

"Like his personality." he jested.

"Hey, that's not--" napatigil ako ng makarinig ng ingay sa gilid ko kaya nilingon ko siya.

Kakagising niya lang pero ang sama na ng aura niya. Kunot na kunot ang kanyang noo at nakatikom ang bibig. Pinulot niya ang kanyang salamin sa gilid niya at isinuot ito. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago maglakad.

Pero hindi siya lumabas ng classroom gamit ang kabilang pinto. Bagkus ay pumumta siya sa harapan at kinuha ang marker na nasa teacher's desk. Tiningnan niya muna si Sanchez bago magsimulang magsulat sa white board.

It took him couple of seconds that Sanchez had grown impatient. But unlike the others, the remaining students in the classroom was curiously waiting for Dela Riva to finish.

"Ha!" Sanchez started taking a step toward the guy on the front. "Boring ka na nga, di mo pa magawang magsalita. Di ko alam kung ano nagustuhan sayo ni Almira, eh."

"I don't--" depensa ko sana pero ikunagulat ko nalang ng ibato niya ang marker sa isa. Sapol ito sa mukha na ikinatawa ng mga kaklase ko.

Rooftop Rendezvous (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon