Chapter 313

626K 21.8K 29.6K
                                    

A/N: Gago! Habang nag-t-type ako, tinabihan ako ng dagang malaki. Akala ko pa pusa ang lintik. Bakit kako may gumagalaw sa damit ko, pagtingin ko DAGA!

Dahil dyan eto muna. Enjoy!

Expect the typos and wrong grammar.

My turn

Jay-jay's POV

Hindi pumasok si Yuri. Tinext ko na rin siya pero wala naman akong nakuhang sagot.

"Gala tayo mamaya." Aya ni Ci-N habang naglalaro sa cellphone niya.

Gusto ko ding gumala kayalang mahigpit ang bilin ni Kuya na umuwi ako agad. Nag-aalala kasi sila na baka maulit ang nangyari kahapon.

Hindi nga rin dapat ako papasok ngayon kayalang sobrang dami ko ng absent at hindi yon maganda lalo na't malapit na ang exam.

Sayang...

"Hindi pa pwedeng mamasyal si Jay-jay." Sabi ni David habang may sinusulat sa notebook ko.

"Bakit naman?" Nakangusong tanong ni Ci-N.

"May kalaban pa, si Ram 'di ba?" Paalala nya.

Sa totoo lang, hindi ko na ramdam si Ram. Wala na nga ako balita sa kaniya tapos hindi rin naman siya nagpapadala ng banta kagaya ng iba.

Sinara ni David ang notes niya at ang notebook ko bago ibalik sakin.

"Okay na. Pag-aralan mo yan." Dagdag pa niya.

Taray!

"Salamat!" Buong galak ko sabi at tumango lang siya.

Balak ko sanang manghiram ng notes kay Yuri kayalang hindi siya pumasok. Si Ci-N sana ang sunod kong hihiraman kaso hindi pala nagsusulat ang Batang Kumag, nasa matabang utak na daw niya ang lahat ng dapat niyang matandaan.

Puro kalokohan lang naman laman ng utak niya.

Kaya ang ending kay David ako lumapit at dahil mabuting tao itong kalaban ni Gulayat siya na daw ang nagsulat para sa akin. Tunay na busilak ang kaniyang puso kahit lagi siyang pikit.

Sinilip ko sandali ang notebook ko na sinulatan niya. Masaya pa kong buklatin yon at salubungin ng nakangiti pero nauwi yon sa ngiwi. Nagpapasalamat naman ako sa effort niyang kopyahin ang notes niya sa notebook ko. Kayalang sana naman ginandahan niya ang sulat.

May sariling alphabet si Dabid.

Aminado naman akong parang may kalaban ang tinta ng ballpen ko kapag nagsusulat ako pero hindi naman ganito na parang Arabic na ang mga nakasulat. Kahit yata Arabo hindi mababasa ang sulat na to.

"Ay ang panget ng sulat." Komento ni Ci-N na nakasilip din pala sa notebook ko.

Agad kong sinara at nilayo sa kaniya ang notebook. Pinanlakihan ko siya ng mata para bantaan at patigilin na rin dahil ayokong ma-offend si David. Kaso absent na naman yata ang I.Q niya ngayon at hindi man lang na-gets ang gusto ko sabihin.

"Bakit ang laki ng mata mo?" Tanong pa niya.

Gusto kong isampal sa kaniya ang hawak ko para patahimikin siya ng tuluyan. Hindi ko alam kung panong senyas ang gagawin ko para lang patahimikin siya.

"Panget ba sulat ko?" Biglang tanong ni David kaya napalingon ako sa kaniya.

Sasagot na sana ako ng 'hindi' dahil ayoko talagang sumama ang loob niya. Meron din naman akong hiya syempre. Kayalang bigla niyang inagaw ang notebook ko sakin.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon