Chapter 17

882 48 7
                                    

🏇

"Didiretso akong school, Rajah." sabi ko habang nag-aalmusal kaming dalawa.

I didn't think I still had time going home to prepare, mahuhuli na ko sa klase. Tinawagan ko na rin si Frediriko na hatiran ako ng school shoes at medyas dito sa guesthouse. Pati na rin ang bag ko. Sa gabi na ako makikipag-usap kay Daddy dahil hindi naman magandang hingin ang eksplenasyon niya kung kakaunti lang ang oras namin.

I had to go to school, while he had to be at the office. Tsaka mukhang palagi siyang may nilalakad sa bayang malapit lang sa Sugriva.

Tumango si Rahma at inilapag ang gatas sa harapan ko. He cooked fried rice, scrambled eggs, and bacon. Ilang beses na naman akong nakakain ng mga 'to pero mukhang mas nakakatakam ngayong si Rahma ang nagluto nun.

"Nilabhan ko na ang uniform mo." aniya at umupo sa silyang katabi ko.

Basang-basa pa rin ang kanyang buhok, nauna siyang maligo sa akin. Maagang-maaga siyang bumiyahe pa-downtown para sa mga lulutuin. Ginising niya naman ako para magpaalam pero masyado pa akong knocked down sa pagtulog na hindi ko na napansin ang pag-alis at pagbalik niya.

"Thank you!" nakangisi kong saad na nagpakunot sa noo niya.

Kalaunan, umiling siya at nagpatuloy sa pagkain. Simpleng t-shirt at jeans lang ang kanyang suot. Handa na ring pumasok ng opisina. Nang mabusog na ako, marahan kong itinulak ang pinggang may laman pang pagkain sa kanya pati na ang gatas ko.

"Finish it for me, Rajah, maliligo na ako."

I didn't wait for his approval as I already made a beeline to his room and fumbled for a clean towel. Mabuti na lang at may isang pares pa ako ng underwears dito. Dumiretso ako sa banyo at napansin ko pa si Rahma na pinagtyatyagaan ang pagkaing hindi ko naubos. I secretly smiled, he was already full but he chose to diligently eat my leftovers. Hindi nga ako matanggihan!

Kaya bago ko pa man siya malampasan, pinadausdos ko ang palad sa kanyang tiyan at pinisil ang kanyang tiyan para asarin siya. Omg, ang tigas, shet! Ako pa tuloy ang nakuryente sa ginawa ko.

"That's fine, Rahma. Hindi ka naman agad magkakabilbil, 'no!" Humagalpak ako nang halos masamid siya sa iniinom!

"Fuck, Syntia!" iritado niyang suway sa akin at tinitigan ako nang matalim.

I giggled more and made face at him. Mabilis akong pumasok sa banyo nang umamba siyang tatayo para maabutan ako. Ni-lock ko kaagad ang pinto at naligo na. Matapos makapagbihis sa kanyang kuwarto, sakto namang naihatid na ni Frediriko ang sapatos ko. I was still in the bedroom so Rahma received it for me.

Sinusuklay ko ang buhok nang naabutan si Rahma na inaayos ang mga gamit ko sa center table. Sabay na rin kaming pumunta sa kusina para makapagsipilyo na. Umamba akong kukunin yung toothbrush niya pero inagaw niya sakin yun.

"What the hell, Rahma?!"

Ngumisi siya at umiling. I glared at him.

"Nah, I already bought one for you." Isiniksik niya kaagad sa bibig ang kanyang toothbrush at may inabot sa may likuran ko.

He opened a new toothbrush and handed it to me. Umirap ako at nakisiksik sa kanya sa lababo. Halos sabay lang kaming natapos sa pag-aayos ng sarili namin. He drove me to school and before I could even duck off from his truck, I realized I didn't have money with me!

"Rahma, wala akong baon!" baling ko kaagad sa kanya.

Ngumuso siya at binunot ang wallet sa likod ng kanyang bulsa. Ba't ang daming light blue na pera ng farm manager na 'to? Magkano kaya ang suweldo ni Daddy sa kanya?

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now