Chapter 15

1.1K 60 16
                                    

🏇

Nakapulupot pa rin ang braso ko sa batok ni Rahma habang patagilid na nakaupo sa kanyang hita. Nakagapos ang matigas niyang braso sa akin, nasa baywang ko ang kanyang mainit na palad. My heart didn't stop from its breathtaking race, my knees still felt wobbly. Siguro dahil sa mga daliri niyang marahang tumatapik sa aking tuhod.

I stopped inhaling the manly scent on his neck when I thought about something. Umahon ako at tinitigan siya na malamlam ang titig sa akin.

"Ililipat nyo talaga ako ng school ni Daddy?" I asked after a short gasp.

He stared at me for awhile before nodding.

"I thought about it, this school is kind of toxic for you. It isn't a good learning environment, Syntia. But of course, I have to consider your opinion about this first. Ayokong pangunahan ka."

Kumurap-kurap ako. Namamangha na ang isang katulad niyang halata na sakin ang pagkadisgusto simula nang dumating ako, ay gagawa ng ganito sa akin. I remembered my Dad transferring me here without even consulting me first. Inaasahan kong ganito rin ang gagawin ni Rahma ngunit mali ako. I never knew such a king considering the viewpoints of a peasant. Ang hirap hulaan kung paano mag-isip ang isang katulad niyang mabagsik na nilalang.

"Hmm, you're right. Simula sa una, hindi ko na talaga nagustuhan ang paaralang 'to. Kaso... ayokong lipat nang lipat, Rajah. You see, I'd have to collect the needed requirements for my transfer again, I'd have to take another entrance examination and get along with another people I'm not sure I'd even like! Tapos baka mas marami ang assignments na ibinibigay roon, dito na lang ako." mahaba kong paliwanag.

Umangat ang isang kilay niya at kinurot ang aking ilong.

"Such a lazy monkey..." he commented after a short chuckle.

Sumimangot kaagad ako at hinampas ang dibdib niya. Matigas kaya parang ako pa ang nasaktan sa ginawa ko sa kanya. Napangiwi ako at tinitigan ang palad kong nasaktan. He pursed his lips and caged my pulse with his rough, thick fingers. Marahan niyang hinaplos ang palad kong bahagyang namula.

"Hwag ka kasing hampas nang hampas. Alam mo nang macho ako, babalik lang ang puwersa ng panghahampas mo sayo." aniya, naroon ang ngisi sa boses.

Nanlilisik ang mata ko nang binalingan siya. Seemed like instantly forgetting my gratefulness for him! Binawi ko ang kamay at muli siyang hinampas sa balikat. Sumungaw ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi habang sinasangga ang mga tama ko.

"Do I look like a monkey to you?! Jerk! Kaya ba wala kang interes sakin simula pa nung una? How dare you! You are the very first person who compared me to that ugly creature!" singhal ko at lalo pa itong sinapak nang humalakhak siya.

Umamba ako aalis sa kandungan niya ngunit ipinirmi niya lalo ang mga braso sa katawan ko para hindi ako makaalis.

"Get off me! You bastard!" I hissed and punched him more. Balewala nga lang sa kanya ang lakas ng mga tama ko.

Sa kauna-unahang beses, hindi ko nagustuhan ang matikas niyang pangangatawan. How I wished him to be lanky instead, para isang suntok ko lang, namimilipit na siya sa sakit! For sure, the beast is thinking that my force is only comparable to an ant's.

"Calm down, I don't mean it. You're beautiful, come on." masuyo niyang turan at hinila ako palapit sa kanya.

"Fuck you!" I spatted angrily at him.

He chuckled and snaked his other arm around my waist.

"I'm sorry," hindi naman tunog guilty ang boses. In fact, it was obvious that he was enjoying this!

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now