Chapter 4

1K 48 7
                                    

🏇

Yakap ko ang aking unan nang naalimpungatan sa pagkulo ng aking tiyan. Dumapa ako sa kama, wala sanang ganang tumayo ngunit masyadong papansin ang aking sikmura! Hindi rin nakakatulong ang malamig na hanging pumapasok mula sa nakabukas na double doors ng balkonahe.

Oh, I forgot to close it last night, that explained why it was freezing cold!

Last night was very dramatic for me. Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang loob ko sa ginawa sa akin ni Daddy. I hope Mommy visits him in his dreams and scold him... and slap him for doing this to me!

I glanced up on the wall clock to check the time, it was almost quarter to one. Muling kumalam ang sikmura ko, naalala kong nakatatlong subo lang ako ng pagkain kagabi nang iwanan ko sina Daddy sa lamesa. I could hear the demands of my stomach for foods. Kailangan kong paunlakan dahil nanginginig na ang mga daliri ko sa gutom.

Wala akong nagawa kundi bumangon. Barefoot, I dragged my feet towards the balcony to close the doors supposedly. Nga lang, ingay ng iilan ang narinig ko mula sa backyard. Hindi ko alintana ang lamig nang lumapit sa banister para dumungaw.

From here, I saw some buildings situated further. Some were small while the other one was bigger and longer. Sa tulong ng hindi ganun kaliwanag na ilaw, naaninag ko pa rin ang iilang tauhang pabalik-balik doon. Seriously? They worked up until dawn? What a long hours of labor! Hindi ko yata makakayanan 'yun.

Humihikab akong bumalik sa loob ng kuwarto at lumabas para manghagilap ng pagkain. The kitchen was enshrouded by pure darkness. I opened the flashlight icon on my phone before deciding to head in. I halted right in front of the refrigerator and opened it lazily. Bahagyang lumiwanag sa may parte ko dahil sa ilaw na nanggagaling doon. Wala akong planong buksan ang ilaw, malaman pa ng ama kong hindi ako nakatiis sa gutom.

I sat down on the marbled floor while rummaging through the ref, sana naman mayrong pagkaing paborito ko. Nga lang, halos mga gulay lang ang laman na siyang nagpabusangot sa aking mukha. Mabuti na lang at may nahagilap akong isang kahon ng chocolate roon.

Tulala ako habang kinakagatan ang mahabang tsokolate. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. This was a freakin' big joke. Sana'y nananaginip lang ako!

Binuksan ko na rin ang isang boteng fresh milk at ininuman iyon. Nagustuhan ko ang lasa kaya naman hindi ko napigilan ang pananabik doon. Tumulo ang iilang likido sa bawat gilid ng labi ko. Using my silky sleeves, I wiped off the traces of milk from my lips down to my neck.

Sa ganung ayos ako naabutan ni Rahma. Kung hindi pa nito binuksan ang ilaw, hindi ko mapapansing may tao na pala rito!

Sinulyapan lang ako nito saglit bago magtungo sa lababo. The kitchen suddenly felt narrow at his heavy presence. The drumming inside my chest made it hard for me to breathe in. Umiinit ang pisngi ko nang maisip kung naabutan ba nito ang pananabik ko sa fresh milk kanina lang.

"Mornight," I uttered huskily while staring at him. I braced myself so hard, even if it felt like rolling into the black hole.

Nanatili ako sa posisyong ganito habang sinisipsip ang bakas ng tsokolate sa aking mga daliri. Nakita ko ang bahagyang pagsulyap sa akin nito na agad ding binawi. May narinig akong ibinulong nito bago kumuha ng isang tasa sa cupboard. Namamangha ako dahil hindi man lang nito kailangang tumingkayad nang bahagya dahil sa tangkad nito.

"You're up so early," I noted and tilted my head.

"I have to." tipid nitong sagot sabay lapit sa coffee machine.

"Who made that rule... Daddy?" I leered at the swift mention of that general noun.

He pressed some buttons on the coffee machine and placed the mug right under the small tube where a black liquid slowly gushed out.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now