Chapter 20

1.2K 68 14
                                    

🏇

Nakahanap kami ng uupahang bahay ni Rahma, malayo nga lang sa sentro ng Sugriva pero parte pa rin ng probinsya. Tatlong oras pa ang biyahe mula sa bagong district na nilipatan namin patungo sa downtown kaya kinailangan kong maglipat ng school. Bago kami bumiyahe patungo rito, kinuha ko muna lahat ng requirements ko. I didn't tell my classmates about it, no one would care anyway. 'Tsaka biglaan din ang paglilipat ko kaya hindi na ako nagkaroon ng oras na magpaalam pa kina Banjo.

I was not sure if Rajah had a job already, but he seemed really calmed and undisturbed on our way to the Birchwood District. Halatang sakahan ang pangunahing pamumuhay ng mga tao sa parteng 'to ng probinsya. Hindi rin sementado ang mga daan ngunit patag naman at malinis. Marami ring pine trees ang nakatayo sa bawat highways kaya naman preskong presko ang hangin. 

Ang dami naming nilikuan bago tumigil ang truck ni Rajah sa isang bahay na mukhang apartment size ang laki. Maliit ang front yard, may garahe rin. Tapos may puno ng Molave pa sa bakuran. The house looked pristine with its neat, cream color.

"Uhm, dito na tayo titira?" tahimik kong untag kay Rahma habang nginunguya ang aking bubble gum.

"Yes, Syntia. Eto lang sa ngayon ang nahanap ng kaibigan kong bahay na pinaparentahan." paliwanag niya at pinatay ang makina ng sasakyan.

I didn't wait for him to open the door for me so he just went straight to the truck's rear part. Kinukuha niya ang mga gamit namin habang nakatingin pa rin ako sa bahay. This one looked tiny but it could surely accommodate us both. Malinis din ang bermuda grass na nasa front yard. Hindi rin naman lumang pagmasdan ang bahay.

"Do you like it?" alangan na tanong ni Rahma sa tabi ko, bitbit na niya ang dalawa kong maleta.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "It looked small, but pretty! Ayos na rin para hindi mahirap linisin, di ba?"

He just silently nodded and fumbled something in his pocket. Inabot niya sakin ang susi ng gate para buksan ko ang padlock doon. Tumakbo ako sa may gate at excited na sinusian iyon. I opened it and a cute cemented pavement welcomed my eyes, leading to the staircase perched on the front porch.

"Come in! Welcome to our new abode!" Masigla kong inilahad ang kamay sa bahay matapos pagbuksan si Rahma ng gate.

Ngumuso siya at pumasok, bitbit pa rin ang mga gamit ko. I walked pass him and proceeded to the wooden stairs. Napangisi kaagad ako nang nakitang may swinging bench doon at iilang native chairs. Even without mattress on it, they still looked adorable!

I sat excitedly on the swinging bench and rode on it back and forth. Sinulyapan ako ni Rahma sabay lapag ng maleta ko sa hardwood floor.

"Rahma, ang presko rito, oh! 'Tsaka mukhang matibay ang swinging bench. Come here, sit beside me." I tapped the vacant space.

It seemed like this swinging bench was made for us both. Kasi kasyang-kasya lang yata kami rito.

"Later, Syntia, kukunin ko pa ang ibang gamit sa sasakyan." aniya at sinulyapan muna ako bago tumalikod.

Humiga ako at isinandal ang likod ng tuhod sa armrest. My feet touched the oak banister. Pinagmasdan ko si Rajah na nasa likod pa rin ng sasakyan.

"Hoy! Rahma! Pota, nice to see you!" biglang saad ng isang lalaking mukhang kilalang-kilala niya.

May sinabi si Rahma na hindi ko narinig. Tumango naman yung lalaki.

"Akala ko di ka pa bibiyahe ngayon?" Tinapik pa sa balikat si Rajah at inakbayan.

Umabot lang ang tangkad sa ilong ni Rajah. Napanguso tuloy ako. The jerk was really gifted of height! Mas malaki rin ang pangangatawan niya sa lalaki. May sinabi si Rahma roon na tinawanan ng lalaki. Tumulong pa iyon sa pagbibitbit ng isa pang maleta.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon