Chapter 19

1K 57 6
                                    

🏇

Gulat na gulat si Frediriko nang tawagan ko siya para sunduin ako sa terminal. Kanina lang nagpaalam na ako sa kanila. My things were already packed up so his reaction was just understandable. Halata rin sa kanilang medyo nabahala sila nang ianunsyo kong baka ibenta na namin ang sakahan. Maraming mawawalan ng trabaho. It wasn't easy to find a new job. Hindi lang yun, napamahal na rin sa kanila ang aming sakahan.

"Miss Syntia! Akala ko po aalis na talaga kayo, buti naman at nagbago ang isip nyo. Kung ganun, hindi nyo na po ibebenta ang sakahan?" His tone sounded hopeful.

"Yup, naisip kong patakbuhin na lang ang sakahan. I'll gradually learn how it goes, right?" bored kong sagot saka pumasok na sa backseat habang abala naman si Frediriko sa paglalagay ng mga gamit ko sa likod ng sasakyan.

"Siguradong matututunan mo kaagad yun, Miss Syntia. Magiging kasing galing nyo rin si Señor sa negosyong 'to." nakangiti niyang sagot matapos isara ang pinto ng driver's seat.

I smiled and nodded. May pumiga sa puso ko sa isiping naniniwala si Frediriko sa kakayahan ko nang hindi inaalala ang aking edad. For sure others would doubt on my capacity. They may think that a seventeen-year-old girl wouldn't ever learn running a farm. Lalo na't malinaw sa lahat na puro kabalastugan lang ang alam ko. I didn't care, though. Their negative viewpoint of me would not define my ability.

Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan na maaliwalas. May dumaraang grupo ng mga ibon na pinapalakpakan ng mga kabataang nakatingala sa langit.

"Salamat po talaga, Miss Syntia. Wala na akong asawa at ako lang ang nagpapaaral sa pito kong mga anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawalan ako ng trabaho. Isa pa lang ang anak kong nagkokolehiyo, tatlong taon pa bago matapos. Kaya masyado talaga akong nabahala na aalis na kayo. Paano kung magtanggal ng mga empleyado ang bagong magmamay-ari ng sakahan ninyo? Ang dami naming nanganganib, Miss Syntia." natatawang pahayag ni Frediriko, nakita ko ang kislap sa mata niya habang nakatingin sa unahan.

I may not see Daddy's face but I knew that he was proud of my bravery. Hindi biro ang magpatakbo ng negosyo sa ganitong edad ko pero kakayanin ko. Para sa mga empleyadong katulad ni Frediriko at para na rin sa sarili ko. Wala na kaming ibang ari-arian kaya naman ito na lang talaga ang tanging aasahan ko.

"Ang daldal mo pala, Frediriko." nakangisi kong sipat sa kanya at humiga na sa backseat nang patagilid.

I noticed the red color spreading all over his ears. Natawa ako at ipinikit ang mata. I felt so excited to see Rajah. Puwedi ko naman siyang i-text na sunduin niya ako pero syempre, gusto ko pa rin siyang sorpresahin. Naisip kong nagpapatiwakal na si Rajah ngayon tapos biglang matitigil dahil dumating ako. At least I saved him for once! Hindi lang siya ang may magagawa para sakin.

Humagikhik ako sa naisip.

"Frediriko, I will never sell this farm, don't worry." I said it like a promise. "Ideritso mo na lang ako sa guesthouse at ipabalik mo na lang kay Niña ang mga bagahe ko sa kuwarto."

"Masusunod po!" masiglang sagot nito at dinagdagan ang bilis ng sasakyan.

Sinulyapan ko ang aking relo at nakitang mag aalas tres na ng hapon. Naroon pa kaya si Rajah sa guesthouse? He might be in the office now, though. Fine, I'd rather wait for him at the guesthouse. Nag-take out na lang din kami ni Frediriko ng pagkain sa fast food at iba pang finger foods sa Jill's Convenience Store. Matapos naming magpa-gas, dumiretso na nga kami sa aming lupain.

My heart hammered more when I saw the guesthouse standing sturdy at the center of the meadows. Napamura ako, mas matindi itong paghaharumentado ko, ah? Hindi pa naman ako kinabahan nang ganito katindi kapag bibisitahin ko si Rajah rito. Why did it feel so different today?

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now