Chapter 22

1K 59 10
                                    

🏇

"Hoy, tama na 'yan! Hwag nyo nang tagayan at nagsuka na yan. Iuwi na natin." dinig kong utas ni Cess na nasa tapat ko.

Katabi ko si Lumina at si Drake. Nakaub-ob na ako sa lamesa, hindi na kayang idilat ang mata at hilong-hilo na. Nanghihina na rin ako kasusuka, halos hindi na makatayo. The tequila was excellent for humming my insides, my frustrations momentarily faded away.

Medyo may tama na rin si Cess at Lumina ngunit hindi ganun kalala ng sakin. Nasa bahay ako kanina nina Lumina, tumatambay dahil ayaw kong makausap o makita si Rajah, nang dinaanan kami nina Russel at Cess na naka-pick up. Inaya nila kami rito sa Daisy Dale, isang maliit na inuman sa Birchwood District. Bumalik lang ako sa bahay para makapagbihis, buti at nasa trabaho si Rajah.

Isang short-sleeved dress at jumpboots na lang ang suot ko, ganun din si Cess. Meanwhile, Lumina was on her jeans, shirt, and boots, too. Nakapambahay na damit nga lang ang dalawang lalaking 'to.

Malinis at safe dito sa Daisy Dale. Uncle ni Drake ang may-ari kaya nasa magandang pwesto kami. Our table overlooked the live band on the first floor. Masarap sa taenga ang boses nung babae isama pa ang nakakahukay-damdamin na mga kinakanta nito. Ginaganahan tuloy akong uminom pa.

"One more shot," lasing kong utos kay Russel at ikinumpas ang daliri.

Siya kasi itong tagatagay ng inumin namin. Ngumisi ito at agad na tumalima, hinampas nga ni Cess.

"Gago ka, Russel! Sinabi nang lasing na si Syntia!"

"Eh humihingi pa. Sinabi ko nang sagot ko lahat ng inumin ngayon. Kahit anong hiling nyo, susundin ko. Tonight, I am going to be your genie." ngisi nito at itinulak sakin ang shot glass na mabilis ko namang tinungga.

"One more..." sabay lapag ulit ng shot glass.

"Shit, tigas talaga ni Syntia. Lakas mo sa alak. Buti naman at nakasama ka ulit? Akala ko ba bantay-sarado ka ng boyfriend mo?"

"Shut up, Drake, he isn't my boyfriend!"

Lumina chuckled beside me.

"Ah, asawa nga pala." halakhak ni Drake.

"Hindi rin!" Binatukan ko nga dahilan para maibuga niya ang iniinom. Natawa ako nang bahagyang nagmura si Drake.

"Ano pala, housemate?"

"Drake, hwag mo nang asarin at baka tumaob bigla ang lamesa natin dito. Mabuti pa, umuwi na tayo. T-in-ext na rin ako ni Kuya. Hinahanap na kami ni Syntia." Kinalabit ako ni Lumina. "Hoy, babae, tumayo ka na dyan. Gagang 'to, amoy suka at alak ka na!"

"I'm not yet drunk! Puwedi pa akong mag-head spin sa dance floor kung gustuhin ko!" sipat ko sa kapit-bahay ko.

"Head-spin ampocha, halatang umiikot na ang paningin mo. Tara na, magsiuwi na tayo!" sabi ni Russel at tumayo na, nag-iwan ng bayad sa waiter.

Inakay ako ni Drake at Lumina pasakay ng kotse. Ilang sapak galing sakin ang natamo ni Drake, buti nga't hindi nagrereklamo kahit tinatawanan at inaasar na ni Russel.

"Fuck, Syntia, bayolente mo talaga kapag lasing. Simula nang unang inuman natin dito dami ko nang pasa sayo! Hindi na ko sasama sa inyo kapag present si Syntia." reklamo ni Drake at ipinasok ako sa backseat.

Tumabi sa akin si Cess at Lumina. Nakapikit na ako, nahihilo pa rin at sobrang init ng katawan ko.

"Please, please, Syntia. Don't ever puke in my car. Nakaka-trauma yung last time. Huy, kapag maduwal, ilabas nyo ulo nyan sa bintana ah!" dikta ni Russel kina Lumina dahilan para matawa kami sa likod.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now